Kabanata 20

412 18 1
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto dahil sa panaginip ko,kanina pa kasi pumapasok sa isip ko ang tuwalya niyang puti habang tinatanggal niya ito sa harap ko

"Hi beshie!", biglang binuksan ni aira ang pinto ko at talagang napatalon ako sa gulat

"Ay jusmiyo palaka ka!", sigaw ko sakaniya

"At bakit mukhang gulat na gulat ka aber?", curious na tanong ni aira

Palagi kasi siyang ganito pumasok sa kwarto ko at ngayon lang ako nag-react ng ganito

"Wala ka na dun!", tumalon na ako sa kama ko at dahil dito biglang pumasok nanaman sa isip ko ang pag-talon sa'kin ni estevan

Kinuha ko ang unan ko at nilagay ito sa mukha ko habang nagpapagulong gulong sa aking kama

"Hoy! ano bang nangyayare sayo?", nagtatakang tinanong ni aira

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at kinwento ko sakaniya ang napanaginipan ko kaninang umaga

"OH MY na may malaking G!!,beshie ang wild naman ng panaginip mo!", nalolokang sinabi ni aira habang iniimagine ang napanaginipan ko

"Tingin mo beshie anong dahilan bakit ganun napanaginipan ko?", niyugyog ko siya para matauhan sa pag-iimagine ng panaginip ko

"Ibig sabihin iniisip mo siya bago ka matulog!", kinikilig na sinabi ni aira

"Ha??? hindi ah!", deny ko sa sinabi niya

"Talaga ba?nako kung ganiyan ang panaginip ko kasama si kristoff hindi nalang ako gigising", nababaliw niyang sinabi habang nakatingin sa kisame

"In-add niya kasi ako sa fb kagabi and chinat niya ako at nairita ako sa chat niya tapos natulog na ako kaya siguro siya ang napanaginipan ko", para akong detective habang naghahanap ng dahilan kung bakit ko ba talaga napanaginipan yon

"Really?patingin nga", kinuha ni aira ang cellphone ko at pinower on ito at binuksan ang messenger ko

Natatawa siya habang binabasa ang convo namin ni estevan at bigla niyang pinindot ang video call

"Hoyyyyyy!!",kinukuha ko sakaniya ang cellphone ko pero tumatakbo siya ng tumatakbo at biglang sinagot ito ni estevan at tinutok ni aira sa mukha ko ang cellphone kaya ang epic ng mukha ko

"Akala ko sa personal ka lang biglang susulpot kapag last episode na ako ng pinapanuod kong anime.Sa cellphone din pala", pang-aasar niya sa'kin

Ang gwapo niya tignan sa puti niyang sweater habang messy ang hair niya.Mas lalo siyang pumogi or baka photogenic lang siya kaya ganun?

"Sino yan kuya?", rinig ko sa video at biglang sumulpot si shina

"Hiiiiii portiaaaaa", tuwang tuwa na kinuha ni shina ang cellphone ni estevan, narinig ko ang pagrereklamo ni estevan pero dahil makulit si shina ay wala siyang nagawa

Agad naman narinig ni aira ang boses ni shina kaya tinutok na niya sa sarili niya ang cellphone ko at sila na ang nag-usap

Bwiset na aira na 'to ang lakas talaga mang-trip.Tumagal din ng isang oras ang pag-uusap nila at na-low battery na ang cp ko kaya nag-paalam na siya kay shina at ganun din ako

"Ikaw beshie ah tapatin mo nga ako", sabi sa akin ni aira

"Ano nanaman?",naiinis kong tanong

"May feelings ka kay estevan no?", ngumingisi pa siya ng nakakaloko kaya agad ko siyang binato ng unan

"Hindi no,alam mo namang hindi na ako iibig ulit",binato niya din sa'kin ang unan na binato ko sakaniya

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon