Chapter 2

27 1 0
                                    



Hays. Buti naman at lunch break na. Ghad! First day of school tapos puro lesson lahat ng mga teacher. Grabe sa mga sipag talaga.

On the way kami papuntang canteen ngayon. And guess what, kasama naman si Jewell. Pinsan pala siya ni Jelayy. Yun yung babaeng bagong pasok kanina, bagong lipat sa school. Nung ng pakilala siya kanina sa harap. Grabe, halos lahat nakikinig. Tsk! Mukhang maraming magkakagusto, at kasama dun ang best friend ko. Sino ba namang hindi, maganda na matalino pa. Yung mga mata nga nitong best friend ko hindi maalis alis kay Jewell hanggang ngayon. Kanina nga todo pakitang gilas, ang loko! Hay naku, kupido!  Sana sa susunod na papana ka, yung pareho yung papanain mo. Unfair ka naman eh, ako lang yung pinana mo!

Hindi mo na nga ko makita, tapos may dumating pa. Pano pa kita makukuha.

"Nath." Tawag sakin ni Julius, nahuhuli na pala ako. "Lutang ka na naman." Hinintay niya kong makalapit sa kanya.

Akala ko di mo na ko mapapansin. Busy ka kasi sa iba. Gusto kong sabihin to sayo. Kaso para saan.

"Ah, sorry. May iniisip lang, grabe kasi. Kaka start lang tapos puro na gagawin agad." Pag dadahilan ko, at tumuloy na sa pag lalakad. Ayoko namang magtanung pa siya.

"Sure ka ba? Wala bang masakit sayo?" Nag aalalang tanung niya.

Meron, Julius. May masakit. Dito, dito sa parteng dibdib ko. Kumikirot sa nakikita ko. Kaso anong magagawa ko, takot akong sabihin sayo. Ayokong may mabago satin. Ayokong mawala ka sakin.

"Oo naman nuh. I'm fine. Okay ako, walang masakit." Naka ngiting sagot ko, yung ngiting makikita niya lahat ng mga ngipin ko. Hahaha mapakita lang na okay ako.

"You sure? Kanina pa kita nakikitang lutang first subject palang."  Ang galing nuh kilala mo na talaga ako. Pumasok muna kami sa canteen bago ulit ako sumagot sa kanya.

Akala ko, di mo na ko nakikita. Kanina ka pa kasi busy sa iba.

"Oo naman. Sorry, kulang talaga ako sa tulog. Excited siguro sobra. Hahaha don't worry, bestfriend. Okay ako ;)" kindat ko pa kunyare sa kanya hahaha "ikaw nalang order, libre mo naman ako. Ganado ka kaya kanina. Jelayy dun nalang din kayo sa table namin."  pag iiba ko nag usapan. Alam ko naman na ikakasaya mong kasama siya. Halatang halata ka kasi Julius eh. Halatang halata kita.

"Oo nga Jey. Para naman maging tropa na rin tong si Jewell." Bigla namang sabat ni Andrew. "Oo nga Jey. Tama si Andrew." Hirit pa ni Gelo.

"Coz, keri lang bang sama nalang tayo sa kanila. Wala na rin available na table. Sila rin kasi yung kasama ko lagi, Ito na rin ang table ko talaga dito." Mahabang explanation ni Jey sa pinsan niya. Totoong Ito ang table namin dito tuwing break time. Kaya pag parating na sila Julius kahit pa kumakain ang nandito. Kusa silang aalis at lilipat sa ibang mesa.

"Okay lang. No problem." Sinasabi niya yun habang busy sa cellphone niya. Parang wala naman isip niya dito.

"Sige upo na kayo. Kami nalang ni Angelo ang bibili." Sabi naman nitong best friend ko. "Yung dati parin ha. Jewell, anong gusto mong lunch?" Parang nahihiyang tanung niya sa babae. Lahat kami napatingin kay Jewell, na busy parin sa phone niya.

"Kung ano nalang yung kay Jelayy." Sagot naman nito na hindi man lang magawang tumingin sa kumakausap sa kanya. Tsk! Ikaw lang ata ang kayang gawin yan sa best friend ko, halos lahat ng mga babae dito. Magsasalita palang yan, lahat na ng mga attention ng tao nasa kanya na. Ikaw tong halos sobrang sweet na nung pag kakatanung sayo, di mo man lang nagawang harapin siya. Kainis!

*****

Salamat naman last subject na. T. L. E na. Dito na kami hiwa-hiwalay. Pag T. L. E kasi nahahati kami sa tatlo. May English Journ. Filipino Journ and drafting. Ako, si Julius at Andrew lang ang magkakasama dito. Buti nga di drafting si Jewell. Tinanung kasi kanina nila kung anong kinuha sa T. L. E ni Jewell halos ata yung buong tropa ni Julius gusto siyang makilala. At kinuha nga ni Jewell ay Eng. Journ, sila Jelayy ang kasama niya. Isa't kalahating oras ang last subject. Mag start ng 1 to 2:30pm. Then uwian na.

Sa dami nga ng sinabi ni Sir. Emanuel. Wala man lang ata akong naintindihan. Ghad! Pano ito ako, walang sawang kaka tingin sa best friend ko.

"And that's all for to day, class."  Ayun lang ata yung narinig ko. Hahaha jusme. Nath!

"Natapos din ang unang araw. Good luck sa mga susunod pa. Hahaha" natatawang sabi ni Ian. Isa sa mga classmate namin. Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila habang inaayo ko yung gamit ko sa bag.

"Nath, Mauna ka sakin ha. Pinapatawag pa kami ni coach eh. Meeting daw." Oo nga pala, bat ko nakalimutan.  Gusto sanang sumama. Kaso meeting daw. Ang sport ni Julius dito ay volleyball, simula grade 7 kami varsity na siya dito.

"Ah ganun ba. Pwede naman kitang hintayin nalang sa kotse or sa hugot cafe sa tapat. Tama, hihintayin nalang kita. Ayoko pa rin kasing umuwe eh. Kung okay lang sayo." Pag papaawa ko pa dito. Ghad madala ka sa pout ko baby. Ayokong umuwe pag di ka kasama.

"Sure ka? Baka mainip ka? Di ako sure kung anong oras matatapos. Baka mamaya may mang away sayo." Hay Julius, kaya lalo akong na huhulog sayo.  My Superman.

"Ito naman. Para namang di mo ko kilala. Marunong naman akong lumaban kahit kunti hahaha. Sige para di ka mag alala sa kotse nalang ako mag hihintayin." Pag pipilit ko sa kanya. Ayoko pa nga umuwe ng di ka, kasama eh.

"Okay sige. Halika, hatid na muna kita. Andrew, pasabi kay coach susunod ako. Hahatid ko lang si Nath." Sabi niya dito bago kami lumabas sa drafting room.

Walang pagbabago, halos lahat ng mga babae napapatigil para tignan siya. Bakit kasi ganyan ka kagwapo. Ang dami ko tuloy kaagaw sayo. Kilan ko ba mararamdaman na wala kang pake sakin. Sinasabi ko naman na kaya ka ganyan sakin, kasi best friend mo ko, pero di ko maiwasang umasa na baka meron na. Masisisi mo ba ako na, mahulog sayo ng paulit ulit.



















A/N: para bang ikaw si Nath. Napatuloy lang sinasaktan yung sarili niya. Hahaha charoooot. Wala naman kasing masamang umasa diba. Walang masama, kung ramdam mong meron naman talaga pero kasi.... Ah basta hahaha kung may makita ka ulit na typo, munting paalala, I'm not perfect. Hahaha nga pala, sinusulat ko to  12am. Kasi dun lang ako nakakapag isip. Dun ako nilalamon ng lungkot. ^_^ Kaya ko to nagagawa sa totoo lang. Hahaha drama talaga. K.bye! Enjoy reading. Lovelots! ❣️

MAHAL KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon