>> MABELL'S POV <<
5pm na at 2 hours ng tulog si Jubail. Di ko alam kung anong nangyari sakanya, basta nakita ko nalang sya sa gilid ng kalsada nakasilong sa puno, nakaupo sa bato. Nakasilong nga sya pero basang basa naman sya ng ulan. Bigla nalang sya nawalan ng malay.
Binihisan ko na din sya ng damit dahil baka magkasakit pa sya, sakitin pa naman 'to!
Gusto ko tanungin kung ano nangyare, pero siguro wag muna ngayon, alam ko may problema sya, oo nahalata ko yon ilang days na.
Tinext ko si Ranz, sinabi ko pumunta sya dito at nagreply naman ng "okay'' lang? :3
Nasa tabi ako ni Jubail ngayon iniintay magising at mukhang gising na nga ang bruha! Unti unting bumukas yung mga mata nya.
"Haay! Thank you lord, nagising ka na! Pinag alala mo ko bruha ka!"-nagsmile lang sya sakin, yung smile na mahahalata mong fake.
"Jubail kain ka muna, umalis ka ng bahay hindi ka naglunch! San ka ba galing?? Tapos nagpaulan ka pa!"-bigla naman may tumulong luha sa mga mata nya, nagpanic ako di ko alam gagawin ko, di ko alam sasabihin ko dahil di ko naman alam kung anung nangyari.!
Umupo naman sya sa pagkakahiga at niyakap ako, kinomfort ko nalang sya hanggang sa tumahan.
Maya maya lang may kumatok sa pinto, binuksan ko iyon. At si Ranz ang nakita ko, natitigan ko sya, may lungkot sa mga mata nya. Ano ba talaga nangyari?!
"Ano. Ahm? I-iwan ko muna kayo."-tumango naman si Ranz, tumingin muna ko kay Jubail bago lumabas. Nag smile sya yung pilit, nag smile back di ako sakanya at binigyan ng nandito-lang-ako-kapag-need-mo-ko-look. Pagyari nun lumabas na ko.
>>RANZ KYLE'S POV<<
Pagpasok ko ng kwarto nya biglang lumakas yung hearbeat ko, nung makita ko sya gusto ko syang yakapin, gusto ko magsorry sakanya, gusto ko mag explain pero di ko nagawa. Umupo ako sa tabi nya. .
"Okay ka na ba? Sabi ni Mabell nakita ka nya sa gilid ng kalsada, nakaupo sa ilalim ng puno at basang basa sa ulan, tapos bigla ka nalang daw nawalan ng malay. Okay ka lang ba??"-ngumiti lang sya sakin, hindi nya sinagot yung tanong ko. Parang kumirot yung puso ko sa smile nya na yun.
Alam kong wala ako karapatan para tanungin kung okay lang sya, dahil alam ko ako may kasalanan nun. Bgla naman sya tumayo at akmang bubuksan yung pinto at nagsalita. .
"Dun tayo sa park."-sabi nya in cold voice.
Sumunod naman ako sakanya, naglakad kami papuntang park. Pero nauuna sya sakin hindi lang man nya ko iniintay. Sumasabay ako sakanya maglakad pero halatang binibilisan nya. Pagdating namin sa park nagsalita na sya. .
"Kung magsosorry ka, wag na okay lang yon."-sabi nya ng maupo sya sa bench, ako naman nakatayo lang.
"Jubail."
"Kayo na ba ulit?"-diretsong tanong nya, napatingin ako sakanya.
Hindi ako nakasagot sa tanong nya. Gusto ko sumagot pero di ko alam kung bakit hindi ako nakapagsalita. Ngayon lang naging ganito kaseryoso si Jubail. Ngayon lang din sya naging sobrang cold sakin. Nasasaktan ako, pero alam ko mas nasasaktan sya. </3

YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...