The masochist.
Byul POV
Natatawang inilapag ni Byul ang cp sa ibabaw ng table pagkatapos nitong mabasa ang kalokohan pinagsasabi ni Seulgi sa gc.
Nagpapasalamat si Byul na ayos na ulit silang magkakaibigan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanilang pagsasamahan.
Sila Hani, Kisum at Seulgi ang nakakita kay Byul sa PNR Station pagkatapos nitong magtakang magpakamatay sa daanan ng tren.
Na labis na pinagsisihan naman ni Byul, dahil hindi naman niya talaga ginusto iyong gawin.
Kaninang hapon, na practice ng kanilang graduation. Agad na sinalubong naman siya ng mga kaibigan para seryosong kausapin at tanungin kung ano ba talaga ang kagimbal gimbal na nasaksihan nila kahapon.
Inexplain naman ni Byul ang lahat, sa abot ng kanyang makakaya at naintindihan naman iyon nila Seulgi atsaka nangakong hindi na muli nilang pababayaan si Byul na magisa.
Habang nakaupo sa sala na magisa, dahil nagbakasyon ng isang araw ang mga magulang nito kasama ang kanyang nakababatang kapatid.
Bigla naman niyang naalala si Yongsun.
Sa totoo lang, hindi naman masama ang loob ni Byul kay Yongsun. Kung tutuusin, mas masama ang loob ni Byul sa sarili niya dahil sa inasta niya kahapon.
Nasa bingit na siya ng kamatayan ngunit bigla siyang niligtas ni Yongsun. Na maaring namatay din kasama niya kung hindi ito nakaabot sa oras.
Naiinis namang inihawi ni Byul ang kanyang buhok at unti unting nawala ang mga ngiti sa labi niya nang bigla niyang maalala ang masaklap na nangyari kahapon.
"Yongsun deserves to be happy. At kahit kailan, hindi siya magiging masaya sa piling ko." malungkot na sambit ni Byul at napatulalang tumingin ito sa sahig.
Kahit pinipigilan ang sarili ay hinablot ulit ni Byul ang cp na nasa table, para muling i-chat si Yongsun sa messenger.
Isang tunog at magkakasunod na katok ang biglang narinig ni Byul sa labas ng bahay nila. Nagtatakang itinaas niya ang isang kilay para hulaan kung sino ang taong iyon.
Ryujin? Hula niya.
Pero naalala niyang inihatid na nga pala nya ito sa mismong bahay nila kaya hindi maaring si Ryujin ang taong nasa labas ngayon ng bahay nila.
Patuloy sa pagtataka, mabilis na pumunta si Byul sa harap ng pinto para pagbuksan ang taong ito.
Habang nakatayo at nakaangat ang isang kamay para simulang hawakan ang door knob. Nakaramdam naman ito bigla ng kaba, na tila parang nahulaan na niya kung sino man ang taong nasa labas.
Nanginginig ang kamay na binuksan ni Byul ang pinto at hindi nga siya nagkamali, dahil ito nga ang taong nahulaan niya sa isip niya.
"Byul." mahinang tawag ni Yongsun ng kanyang pangalan at bigla naman itong yumakap ng mahigpit, na kinagulat naman ni Byul.
Mabilis na isinara ni Byul ang pinto atsaka inilock, habang patuloy na nakayakap si Yongsun sakanya ng mahigpit.
"Byul, I miss you. Ayaw mo na ba kong makita?" desperate and longing for affection, halata sa boses nito ang labis na pagsabik na makita muli si Byul.
Bigla itong kumalas sa pagkakayakap at mabilis na hinawakan ang mukha ni Byul para tignan ito ng diretso sa mga mata. "Byul, I love you. I love you so much. I love you." Yongsun said repeatedly, na puno ng desperation at pangungulila.
Napapikit na lamang si Byul nang magsimulang halikan ito ni Yongsun ng paulit ulit at madiin na inilapat ang labi niya sa labi ni Byul.
"Hmmm..." Mahinang ungol ni Yongsun.

BINABASA MO ANG
Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]
RomanceA broke college student not being able to graduate due to an emergency financial storage, met a successful entrepreneur who managed to fulfill her needs. ‼️ under construction ‼️ ‼️ slow revision ‼️ (check my twitter aus link for the completion of...