Ang nobelang ito ay isa sa kauna-unahang isinulat ng inyong lingkod at nagsilbing mitsa ng kanyang pagiging romance pocketbook writer na nagsimula pa noong dekada nobenta.
Bilang pagmamahal ko sa aking propesyon, ninais kong I-share sa Wattpad ang ilan sa aking mga nobela . Bagama't alam ko na ako ay hindi na kilala ng mga kasalukuyang henerasyon ng mga mambabasa, ninais ko pa ring magbahagi ng ilan sa aking mga kuwento dito sa Wattpad bilang pagpapakita na mahal ko ang aking propesyon at kailanman ay hindi ko ito pagsasawaang gawin habang ako ay may kapasidad pa na makapagsulat at makalikha ng mga kuwento.
Isa rin itong paraan para makapagpasalamat ako sa mga taong sumuporta sa akin noon, kabilang na ang isang matapat na tagahanga na naging malapit sa akin na si MS. MALOU DIZON MURILLO.
Sa kasamaang palad, namaalam na si Ms. Murillo at hindi ako nasabihan. Siya ay isang tagahanga na naging matalik ko ring kaibigan. Nang siya ay mag-celebrate ng kanyang ika-limampung kaarawan, ako ay isa sa kanyang itinuring na espesyal na bisita. Halos ipauwi niya sa akin ang lahat ng kanyang handa nang ako ay pauwi na.
Naging bisita ko rin siya nang mag-debut ang aking anak. Pero nawalan na kami ng komunikasyon matapos iyon. Hanggang sa maalala ko siya, taong 2007. Gusto ko sana siyang imbitahan sa kasal ng aking anak pero wala akong way para siya makausap. Ang ginawa ko ay hinanap ko ang account ng kanyang anak sa Friendster (wala pang Facebook noon) at noon ko nalaman na siya ay namayapa na.
Nalungkot ako sa kanyang pagkawala. Marahil, kung siya ay nabubuhay pa hanggang ngayon, isa siya sa mga tagahanga ko na mananatiling babasa ng aking mga akda.
Kahit wala na siya, inihahandog ko ang nobelang ito sa kanya, bilang pag-alala sa kanyang pagiging mabuting kaibigan at tagahanga.
BINABASA MO ANG
OBSESYON
Mystery / ThrillerThis was one of the first two approved novels I have submitted to Books for Pleasure, Inc., publisher of then popular imprints Valentines Romances and Hiwaga. This book was published in 1992 under Hiwaga. Before becoming a pocketbook novelist, yours...