Kabanata 21

419 19 5
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas at tapos na ang aming bakasyon.

Pero ngayon hindi na ako natataranta kumilos dahil maaga akong nagising sa unang araw ng eskwela.

Isang taon nalang at magcacollege na ako,may balak na akong kuning course,tourism.Bata palang kasi ako pangarap ko na ang maging isang ganap na Flight Attendant kaya nagsusumikap akong mag-aral para sa pangarap ko

Sinuot ko na ang uniform ko at medyo tumaba ako kaya naging fit na 'to sa akin.Pero mas lalo akong nag mukhang sexy dahil sa korte ng bewang ko,humaba na din ang aking buhok kaya mas lalong gumanda ito

"Bye mama and papa, Iloveyou",nag-mano na ako sakanila at lumabas na ng bahay

Nasalubong ko si drake na nagba-bike at kinawayan ako nito at ganun din ako.Ayos na kami ni drake at ganun na din si cassandra,nagwork ang relationship nila at ngayon okay na ulit sila.

Habang naglalakad ako papuntang school agad kong nakita ang kotseng itim at lumabas dito si estevan at shina at agad akong nakita ni shina kaya tumakbo ito

"Portiaaaaaaa", nagulat ako dahil dalawang boses ang narinig kong tumawag ng pangalan ko kaya paglingon ko ay patakbo din sa'kin si aira

Pero dahil nakita ni aira si shina at nakita din siya ni shina,imbes na ako ang yakapin eh nagyakapan silang dalawa.

"Na-miss ko kayo", masayang masaya na sinabi ni shina at niyakap din ako

"Dalawang buwan lang naman ang oa niyo!",pangk-kj ko sakanila

"Nako aminin mong na-miss mo din si estevan", pang-aasar ni aira dahil nakita niyang papalapit sa amin si estevan

Mas lalo siyang tumangkad at gumwapo sa uniform niya.Naging brown na din ang buhok niya at pumuti siya lalo.

Napaka gwapo niya.

"Oh beshie ang bunganga baka pasukan ng langaw", sinara ni aira ang bunganga kong kanina pa pala nakanganga

"Dalawang buwan lang tayo hindi nagkita masiyado mo naman pinapahalatang na-miss mo ako", pang-aasar sa'kin ni estevan

Naghiyawan din si aira at shina dahil sa sinabi ni estevan.Namula ako bigla kaya umalis nalang ako mag-isa

Natatawa pa din sila habang sinusundan ako ng lakad, mga siraulo.

Nag-paalam na kami ni aira kela estevan dahil magkaiba kami ng room dahil STEM students sila at kami ay ABM.

Madami din pala kaming bagong mga kaklase,nakita ko si drake at cassandra at nginitian nila kami at ganun din kami ni aira.

Naging close ulit si drake at aira dahil nag-sorry din si drake sakaniya dahil sa nagawa niya sa akin.Si cassandra naman ay iniwan na ang mga alipores niya dahil nalaman niyang pinaguusapan din siya ng mga ito kapag nakatalikod siya, mga plastikada.At sa wakas din natuto na din siyang bawasan ang kaniyang blush on.

Tumabi kami ni aira sakanila at dumating na ang aming teacher at nag-simula na ang aming klase

"Tara kain na tayo", aya sa amin ni cassandra pero tumanggi si aira

"Sorry cassandra pero nangako kasi ako kay shin na sakanila kami sasabay", sabi ni aira sakaniya kaya nauna na sila ni drake lumabas ng room

"Tingin mo hindi tayo pinaplastik nun?",tanong ni aira sa akin

"Hindi naman siguro", sabi ko at kinuha na ang wallet sa bag ko

Siguro naman hindi gagawin ni cassandra na plastikin kami dahil minsan ko din naman siyang natulungan.

Pagka-labas namin sa room naghihintay na pala si shina at estevan sa tapat ng room namin pero si shina lang ang masiglang sumalubong sa amin dahil si estevan ay busy habang nanunuod sa cp niya

Sabay sabay na kaming kumain sa iisang table at si aira at shina lang ang nag-dadaldal habang nakain at tahimik lang kami ni estevan

"Yung dalawa nating katabi parang mga pipe ano?", parinig sa amin ni aira

"Oo nga ewan ko ba siguro ganiyan pag na-miss isa't isa", nabilaukan ako sa sinabi ni shina at agad na uminom ng tubig

"Odiba affected",parinig pa din ni aira kaya kinurot ko na siya sa tagiliran niya

Wala namang namamagitan sa amin ni estevan at lalong lalo na wala akong feelings sakaniya no.

Tinapos ko na ang kinakain ko at ganun din sila.Pumunta muna kami sa garden para tumambay saglit,umupo kami sa bench at pinaglaruan ang mga santan sa gilid at ginawa itong bracelet at kung ano ano pa

Nahuli kami ng nag-didilig ng mga halaman kaya agad kaming tumayo at tumakbo dahil baka pagalitan kami.

Sa rooftop nalang kami pumunta dahil gusto namin mag-pahangin,pagkabukas ni shina ng pinto ay tuwang tuwa itong nagtatatakbo

Si estevan naman ay umupo sa isang gilid at nanuod lang ng anime,si shina at aira naman ay nakadungaw habang sinisigawan ang mga tao sa baba at ako ito pinagmamasdan lang sila habang tumatawa sa isang gilid.

Naniniwala talaga ako sa "Unexpected friendships are the best ones", dahil ang solid kasama nila estevan at shina.

Hindi kami tumagal sa rooftop dahil nag-bell na agad kaya bumalik na kami sa kaniya kaniyang room

Natapos ang klase sa loob ng tatlong oras at sa wakas ay uwian na namin.

Nag-paalam na sa amin si drake at cassandra dahil mauuna na daw sila umuwi kaya nag-paalam na din kami sakanila

Masaya akong nakikita na totoong ngumingiti si cassandra at ganun na din si drake

"Babye beshie andito na sundo ko", nag-paalam na din sa akin si aira at umalis na sa tabi ko

Naglakad lang ako pauwi sa amin dahil onting lakad lang naman dito ang aming bahay.

Habang nag-lalakad ako ay biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni estevan kanina nung papalapit siya sa amin.

Ang gwapo gwapo talaga niya,noong nakikita ko siya dati lalo na nung nasa playground ako hindi ko naman napansin na ang gwapo pala niya

Bakit kaya ganun? siguro dahil inlove ako sa iba noon?

Pero ano ba itong iniisip ko? bakit ko naman kailangang alamin kung bakit nagagwapuhan ako sakaniya ngayon nohhh duh

Part naman ng buhay yon na magwapuhan ka sa isang tao pero wala namang ibig sabihin yon

Ay ewan, bakit ba kasi napasok sa utak ko ang lalaking 'yon, ano kayang napakain sakin nun?

Crush ko ba si estevan?

Portia hindi to pwede!!

pero okay lang namang magca-crush diba?

Pero kagaya nga ng sinabi ko noon,hindi na ako iibig muli kaya kung ano mang nararamdaman ko kay estevan ay siguradong hindi magtatagal.

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon