MATANGKAD. Mahaba ang alun-along buhok. Isang pares na binting hindi maiiwasang titigan nang paulit-ulit. Magandang hubog ng katawan na binagayan ng mala-porselanang kutis humahamon sa imahinasyon.
Magandang mukha. May dalawang biloy sa magkabilang pisngi na nag-uunahang lumabas kapag siya ay ngumingiti. Ilong na tila nililok. Mga labing tila rosas na namumukadkad at waring kay-sarap hagkan. Mga matang maamo na binagayan ng malalantik na pilikmata.
Siya si Judith Anne Ferrer, labinlimang taon. Nasa third year siya sa mataas na paaralang iyon ng Quirino. Sikat siyang campus figure, maraming tagahanga at gustong manligaw. Pero mailap. Isnabera. Hindi basta nakikipag-usap.
Pinagkakaguluhan siya nang araw na iyon. Isang potograpo ang nagpapakita ng kanyang close shots sa mga guro at kamag-aral. Natipuhan siya para kuning commercial model at kinunan ng litrato. Bagamat wala pang pinal na usapan, maganda ang naging pagtanggap ng lahat sa mga larawang iyon.
Mula sa nagkakagulong grupo, isang kopya ng larawan ang nalaglag. Nakatihaya. Malapit sa paanan ng isang lalaki. Nang-aakit ang babae sa larawan. Isang nanginginig na kamay ay dumampot nito.
Mayamaya, malakas na narinig ang tinig ng potograpo.
"O, kulang ng isa ito!"
*Oy, Clarissa, ikaw ang huling tumingin.
"Aba, ibinigay ko nang lahat sa iyo, al"
"Naku, ha! Baka balak akong ipakulam ng kumuha n'on! Please lang! Pakisoli ang litrato ko!"
Isang lalaking malayo sa grupo ang nakakarinig ng usapang iyon. Lihim itong napangiti. Kinapa ang bulsa na tila ba tinitiyak na naroroon ang isang napakahalagang posesyon. Lumayo ito. Parang walang narinig. Taglay sa dibdib ang isang obsesyon ...
Si Judith Anne Ferrer!
BINABASA MO ANG
OBSESYON
Mystery / ThrillerThis was one of the first two approved novels I have submitted to Books for Pleasure, Inc., publisher of then popular imprints Valentines Romances and Hiwaga. This book was published in 1992 under Hiwaga. Before becoming a pocketbook novelist, yours...