Panibagong araw nanaman at tapos na ang aming klase kaya nag-ligpit muna ako ng mga libro ko at nilagay ito sa aking locker at dumiretso na sa labas dahil kanina pa ako hinihintay nila aira
"Ang tagal mo naman beshie", reklamo ni aira
"Sorry na", sabi ko sakanila habang nangangamot ng buhok
"Ayoko pa umuwi kuya estevan", maktol ni shina
"Ako din",sabi din ni aira
"Hmmm wala din naman ako masiyadong gagawin", sabi ko sakanila
Tinignan naming tatlo si estevan kung anong sasabihin pero nakatuon lang ang atensiyon niya sa binabasa niyang comics
"ESTEVAN!", sigaw naming tatlo sakaniya
"Ano ba!?", humawak siya sa tenga niya dahil narinde siya sa sigaw namin
Tumawa lang kaming tatlo at wala na din siyang nagawa kundi sumama sa amin.
Pumunta kaming SM dahil dito nila napiling pumunta.Kung saan saan kami pumasok at pinagsusukat ang mga damit kahit na hindi namin bibilhin
Nahihiya nga si estevan kasama kami dahil sa kakulitan namin kaya nagpapahuli siya ng lakad pero hinihila siya ni shina para makasabay sa amin
Kumain muna kami sa food court at pagkatapos nito ay dumiretso na kami sa arcade
"Wooahh, ngayon nalang ulit ako nakapunta sa ganito", manghang mangha si shina habang nililibot ang arcade
"Beshie natatawa ako pag-naalala ko yung nag-arcade tayo tapos pumasok tayo sa karaoke room",natatawa niyang binulong sa'kin
Biglang pumasok sa utak ko ang araw na dinala niya ako sa arcade at kumanta kami sa karaoke room.Natawa din ako bigla dahil naalala ko ang bawat pag-piyok ko at pag-hagulgol dahil broken ako kay drake noon
Siniko ko siya dahil baka marinig ni estevan dahil nasa likod lang namin ito.Sinundan namin si shina at nagulat nalang kami dahil ang dami na niyang hawak na token
"Saan mo nakuha yan?", tanong ko
"Binili ko para sa atin", tuwang tuwa niyang sinabi at hinati niya isa isa sa amin ang mga token na binili niya
Nag-ikot kami nila aira at napili kong sa claw machine ihulog ang token ko at si aira naman ay sa barilbarilan samantalang si shina at estevan ay sa car racing
"YEHEYYYYY", tuwang tuwa ako habang tumatalon dahil nakuha ko ang spongebob na stuffed toy sa claw machine
Bigla kong naalala na ang dami nga palang tao dito kaya napa-ubo ako at mabilis na pumunta kela estevan at pinagmayabang ang nakuha ko
"Sampu lang yan sa divisoria",sambit ni estevan habang naglalaro sa car racing
"Ang basag trip mo talaga!,congrats portia", binatukan ni shina si estevan kaya natalo niya si estevan sa laro
Masungit na umalis si estevan sa kinauupuan niya at pumunta sa claw machine
"Akala ko ba sampung piso lang yan sa divisoria?bakit mo din sinusubukan?", tanong ko sakaniya
Tinignan ko ang stuffed toy na kinukuha niya at nakita ko ang pangalan nito ay totoro
"Arghhh makuha ka na", naiinis na sinabi ni estevan dahil pang-lima niya ng hulog ito at hindi niya pa din nakukuha
"Mali naman kasi dimo sinasakto mismo sa ulo niya",sabi ko sakaniya
"Ikaw nga", para siyang bata na nag-paubayang palaruin ang mas marunong sakaniya
Sinakto ko mismo sa ulo ni totoro at pagka-pindot ko sa button ay nakuha ko agad ito
"YESSSSSS!!", sabay naming sinabi habang nagtatatalon sa tuwa at agad kaming nag-yakapan at bigla naming narealize na ang dami nga palang tao kaya agad kaming kumawala sa isa't isa
Umubo siya saglit at nag-salita
"Salamat", umiwas siya ng tingin habang sinabi ito
"Wala 'yon mukhang gustong gusto mo yang stuffed toy na yan ah", pang-aasar ko sakaniya
"Paborito ko ito noong bata ako", sabi niya sa'kin at bigla niyang binato sa akin ito
"B-bakit?", tanong ko
"Sayo na yan, tutal ikaw naman ang naka-kuha.Isipin mo nalang ako yan kung sakaling ma-miss mo ako", dinilaan niya ako sabay umalis na sa harap ko
Natawa ako bigla. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon, feeling naman niya namimiss ko siya
Tinignan ko si totoro at ang cute cute niya,hindi tulad ni estevan na pinag-lihi ata sa sama ng loob
Pumasok kaming lahat sa karaoke room at pinindot na ni aira ang mga napili niyang kanta
Buti naman at hindi na ito pang senti
Lahat kami ay kumanta na maliban na lamang kay estevan kaya tinignan lang namin siya at nagulat din siya kaya umiling iling dahil ayaw niyang kumanta pero binigay sakaniya ni shina ang mic at wala na siyang nagawa kundi kumanta
Binigay sakaniya ni aira ang kantang "MABAGAL" ni daniel padilla at ni moira
"Gusto kitang isayaw ng mabagal...", ayan pa lamang ang nakakanta niya ay nag-hiyawan na kaming lahat
Ang ganda pala ng boses ng lalaking 'to, ang dami talagang tinatagong surpresa ni estevan
"Hawak kamay,pikit-mata",tumayo siya bigla kaya nag-hiyawan ulit kaming tatlo
"Sumasabay sa musika", nagsasayaw sayaw na sila aira at shina pero hindi ako sumama sakanila dahil nahihiya ako
Kaya tinignan nila akong tatlo
"Gusto kitang isayaw nang mabagal", tinignan ako ni estevan at kinilig sila aira at shina
Parang bumagal ang takbo ng oras at biglang nilahad ni estevan ang kamay niya sa'kin,natulala lang ako sa kamay niya habang unti unting inaabot ito
Hinatak niya ako patayo at tumili sa kilig si aira at shina habang isinasayaw ako ni estevan
"Nababaliw ka na ba?", mahina kong tinanong sakaniya
Nginitian niya lang ako at nag-patuloy pa din sa pag-kanta.Bumilis ang tibok ng puso ko dahil napakalapit namin sa isa't isa
Nag-titinginan lang si aira at shina habang ginagaya ang pwesto namin ni estevan
"Heto na ang kantang hinihintay natin
Heto na'ng pagkakataon na sabihin sa 'yo
Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin ito", ang lamig ng boses niya habang kumakanta at naka-tingin sa mga mata koKahit na biro lang ang pagsasayaw niya sa'kin kakaiba ang nararamdaman ko.Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at alam kong namumula na ako.Hindi ko alam kung bakit.
Tinigil na niya ang pagsasayaw sa akin at bigla na lang kaming nag-ikot ikot kaya't apat na kaming sumasayaw habang nag-tatawanan....
"Sobrang solid ng araw na ito!", tuwang tuwa na sinabi ni aira
Pauwi na kami dahil malapit ng gumabi,nasa labas na din kami ng SM at dumating na ang sundo ni estevan at shina ganun na din si aira
Nag-paalam na kami sa isa't isa at bigla kaming nagka-tinginan ni estevan kaya't agad kaming nag-iwas ng tingin
Sinabay na ako ni aira sa kotse nila at ihahatid daw nila ako pauwi
Hindi pa din matanggal sa isip ko ang nangyare kanina.
Nagkakagusto na ba ako kay estevan?
Hindi maaari.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Novela JuvenilNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...