𝐇𝐎𝐖 𝐓𝐎 𝐔𝐍𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔?

1 0 0
                                    


Andito kami ngayon sa Canteen kasama ko si Freya, ang kaibigan ko.

Nagtatawanan kami "uhm.." ani nito saka tumingin sa likuran ko, natatawa akong napalingon sa likuran ko.

Ng makita ko kung sino yun, napatigil ang pagtawa ko. Anong kailangan nito?

"Ella, can we talk?" tanong ni Aries saken, tinignan ko lang sya

"CR muna ako, Freya" pilit akong ngumiti sa kanya saka naglakad paalis sa Canteen na yun.

Rinig ko pa ang pag-tawag saken ni Aries, sya ang ex boyfriend ko na hanggang ngayon m-mahal ko pa din.

Habang nasa CR ay tinignan ko yung mukha ko sa salamin, naghilamos ako.

"it's okay Ella, wag mong pahalatain sa kanya na sya pa ren. Okay? Okay" kausap ko sa sarili ko, pinunasan ko ng panyo ko ang aking mukha.

Lumabas na ako sa CR hanggang sa matigilan ako dahil nasa harapan ko na si Aries.

"bat ka andito? Cr ng mga babae 'to. Kung naiihi ka dun ka sa Cr ng mga lalaki" walang emosyong aniko saka nilagpasan sya pero bago pa man ay hinawakan nya na ang braso ko dahilan na tignan ko sya.

Wala pa ren akong reaksyon sa mukha ko, ayoko. Ayokong makita nyang nasasaktan pa ren ako, ayokong ipakita sa kanya na affected ako, ayokong ipakita sa kanya na sya pa den.

"Mag-usap naman tayo ng maayos, Ella oh. Pwede ba? Babaan mo naman pride mo, Oo. Alam kong nasaktan kita pero nagsorry naman ak--" di ko na sya pinatapos magsalita.

Tinignan ko lang sya "tapos kana?" simpleng tanong ko sa kanya, huminga sya ng malalim.

"Look Ella, matagal na yun. Hanggang ngayon ba hindi mo pa ren ako napapatawad?" natawa ako sa sinabi nya dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Matagal na? Hahaha matagal na pala e bat ka andito pa ren sa harapan ko? Humihingi ng tawad?" natatawang usal ko "Alam mo kung bat hanggang ngayon hindi kita mapatawad?" inalis ko yung kamay nya sa braso ko "Alamin mo" madiin kong ani at akmang hahakbang na paalis ng magsalita ulit sya.

"Kung hindi mo pa ren ako napapatawad, I'm sorry. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin saken, utusan mo'ko. Anong gusto mo? Lumuhod ako sa harapan mo? Sige, gagawin k--" nilingon ko sya at dun ko nakitang luluhod na sana sya ng pigilan ko sya.

"Ket lumuhod ka pa sa harapan ko, sambahin mo ako ng buong puso. Hinding hindi na kita mapapatawad" aniko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Antigas ng puso mo e no? Hahahaha, Yan problema sayo e, Masyado kang matatag. Matapang. Hindi man lang kita makitang nasasaktan, nung araw na naghiwalay tayo. Umiiyak na'ko pero ikaw nakatingin pa ren saken ng walang emosyon. Heartless ka?" napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Kung alam mo lang, kung alam mo lang yung nangyare

Nagbuntong hininga ako saka sya tinignan "Bakit? Ano bang gusto mo? Makita mo kong umiiyak? Nagmamaka-awa sayo? Ha? Ganun ba?" di ko namalayang nagsituluan na pala ang mga luha ko "O-oh ngayong nakikita mo na'kong umiiyak. Sa harapan mo. Okay kana? Wala ka ng magagawa, saradong sarado na puso ko. Hinding hindi na kita mapapatawad" tumawa ako.

"Mahirap. Mabilis sabihin mahirap gawin" nakakita akong salamin, basag na salamin. Nagulat pa sya dahil akala nya sasaktan ko sarili ko "Basagin mo 'to" aniko, kinuha nya naman at sinunod "say sorry"

"sorry?" walang alam nyang ani

"may nangyare?" umiling sya "wala diba? Parang ako, ket ilang sorry mo pa. Di na maibabalik ang tiwala ko sayo" tinignan ko sya "Tbh, ang hirap mong k-kalimutan. A-ang hirap. Inaamin ko, hanggang ngayon ikaw pa ren" nakita ko ang saya sa pagmumukha nya

"Oo, ikaw pa ren. Pero, wala na'kong balak magpakatanga ulit" aniko saka umalis na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HOW TO UNLOVE YOUWhere stories live. Discover now