Lapis (Tagalog One Shot)

465 5 0
                                    

Dear M,

Ikaw ang unang umalis.

Ikaw ang unang bumitaw.

Sabi mo mahal mo ako, akala ko ba infinite tayo?

Pero bakit ganon? Bakit mo ko iniwan.

Naaalala mo pa ba nung una mo kong kinausap.

"Oy miss, may lapis ka ba jan?" First day ko yun sa bago kong highschool. First day ko bilang isang 3rd year.

"Meron." Yun lang ang sinabi ko at hindi ko binigay sayo ang lapis ko.

Tiningnan mo ako na para akong isang weirdo at saka nagtanong ulit.

"Ah, pwede bang pahiram kailangan ko kase eh." Yun ang sabi mo.

"Sorry pero baka ma-late nako." Sagot ko naman ng walang emosyon.

"Sige na naman miss oh, ibabalik ko lang sayo." Pagmamakaawa mo.

"Alam niyo po mister. Ang rami ng tao ang nagsabi sakin ng ganyan at nagtanong kung may lapis ba ako o bolpen ang laging sagot ko ay oo. At alam mo pa kung ano ang laging tinatanong at sinasabi nila?

Yan yang linya mong yan! Tapos ano? pag pinahiram kita ibabalik mo ba talaga? Lahat ng nanghiram sakin ng bolpen dati ni isa walang nagsauli tapos ikaw? Isasauli mo ba ha?" Mataray kong sagot sayo.

"Wow grabe ka naman miss parang lapis lang ang hinihingi ko at hindi ang kaluluwa mo."

"Kung ayaw mong magpahiram edi wag! Yes or no lang ang sagot binigyan pako ng speech! Maka-alis na nga!" Sabi mo at naglakad papalayo.

Maglalakad na sana ako, pero bigla kong narinig ang pamilyar mong boses na sumisigaw.

"MGA KABABAYAN! WAG NA WAG KAYONG MAGTATANGKANG MANGHIRAM NG LAPIS O BOLPEN SA BABAENG YAN! KITA NIYO YAN! YANG BABAENG NAKA-BAG NG BLACK! Yan si MS. MADAMOT! Lakas makasira ng mood! Lapis lang po ang hiningi ko!" Sumigaw kang ng napalakas habang tinuturo ako.

Alam mo ba kung gaano ako napahiya ng dahil sayo, pakiramdam ko ay buong campus ang nakatingin sakin. Yung iba tumatawa at yung iba naman ay nagbubulong-bulongan.

Sobrang inis na inis ako sayo non. Sabi ko pa nga kapag makita kita ulit ay tatapunan kita ng lapis.

Alam mo ba kung bakit hindi kita pinahiram ng lapis ko dahil yung lapis na yon ang binigay sakin ng best friend ko sa dati kong school.

At ang sabi pa niya sakin ay dapat ingatan ko daw yun kasi yun daw ang remembrance niya sakin. Dapat for emergencies lang daw yun gamitin at huli na ng malaman ko na talaga palang emergency yung panghiram mo sakin ng bolpen. Malay ko bang nagse-sketch ka pala? Hindi ko naman alam na kapag hindi mo kaagad maguhit ang isang bagay na nakita o naisip mo ay mawawala na agad ang mga yun sa utak mo.

Hindi rin naman ako artist na gaya mo.

At dahil sa artist ka ay magkaklase tayo sa Arts. Natatandaan ko pa nung naging pair tayo.

Alam kong inis na inis ka nung malaman mong magkaklase tayo. Binulong at tinuro mo pa nga ako sa kaibigan mo at nagtawanan kayo ng nakakaloko na naramdaman ko ang pagka-insulto bigla sa pagtingin niyo sakin.

"Hay, Maam pwede bang makipag-switch ng partners. Ito kasing partner ko eh masyadong madamot ng lapis baka tuloy kunin pa lapis ko." Asar mo sakin nagsitawanan naman ang lahat.

Malay ko bang Mr. Popular ka rin pala.
Na kahit di nakakatawa ang sinabi mo ay tumawa pa rin sila at fyi ha, hindi ako magnanakaw.

Talagang nakaka-inis ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lapis (Tagalog Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon