naalala ko pa Ang mga panahong Tayo pa
Yung mga panahon na tatanungin moko na mga tanong na "Kumain kanaba?"
naalala ko Yung mga panahon na masaya Tayo Hindi tulad ngayon
Wala na Yung dating mong sigla kapag tayoy magkasama Wala na Yung dating Saya kapag magkausap tayong dalawa...Yung tipong Hindi ako magkanda ugaga sa pagkukwento Ng buong araw ko tapos Ang Kaya mo lang sabihin ay "k"
Hindi ko Alam Kung anong nangyari gusto kitang tanungin Kung may nagawa ba along Mali...pero bakit parang natatakot ako sa magiging sagot mo...natatakot ako dahil pakiramdam ko Alam ko na Ang sagot sa lahat Ng bakit Kaya pala Ang sakit sakit💔
Kasi ako nalang Yung nagpupumilit na ibalik Yung mga panahon na...Wala pa Yung sakit
pinipilit ko ayusin Ang bagay kahit mahirap...kahit Alam Kong Hindi mo na gusto....kahit Alam Kong IBA na Ang iyong gusto... akala mo ba Hindi ko napapansin Ang palihim mong pagtingin said kanya...
Ang palihim mong pagngiti kapag nakikita mo sya...oo Alam ko! dahil ganun Karin tumingin sakin noon ganoon Morin ibalandra Ang mga ngiti mo sa akin noon...pakiramdam ko mamatay ako sa sakit...Kaya bago pa ako tuluyang mamatay sa sakit bibitawan na Kita dahil baka pag Hindi ko pa ginawa ngayon ay Hindi ko na kakayanin pa...Mahal Kita pero tama na💔💔💔