Kung sakaling marinig mo ang kwento ko, pakiusap, wag mo 'kong husgahan dahil 'di ko pinili ang rutang ito. Itong kwentong ito'y patungkol sa malubhang sakit na nakakasakal lalo na pag naiwan kang mag-isa sa apat na sulok ng kwartong dating masaya. Tama na; tama na ang pagpapakilala. Ako'y tutungo na sa kung ano ang aking storya.Normal na araw, pumunta ako sa cr upang maghugas ng mukha dahil konti na lang, bibigay na ang aking mata dahil sa pagod.
Pagkamulat ng mata ko'y nakita ko ang repleksyon mo sa salamin, ikinagulat ko ito.
Nanginig ang tuhod, nanlamig ang kamay, namutla ang labi, at uminit ang sulok ng aking mga mata.
Bumisita ka na naman ba? Hindi ka sumagot, sa halip ay ipinakita mo ang malaking ngisi na naka pirmi sa iyong mukha.
Pinilit kong 'wag kang pansinin, hanggang maglakad ako pauwi.
Kinakabahan man ay pumasok ako sa bahay, di man lang ako kinamusta ng aking mga kasama gayong pansin naman nila ang aking presensya.
Sa pagpasok ko'y nakasunod ka parin, na labis na nagpainis sakin.
Hindi niyo ba siya nakikita?! Bakit walang pumapansin sakanya?! Imahinasyon nga lang ba kita?! Kung ganon, bakit mo ko pinapatay gayong iisa lang ang ating kaluluwa?!
Dali-dali akong tumakbo patungo sa kwarto, sinarado ang pinto, hinagis ang bag sa lamesa at isinalampak ang sarili sa kama.
Sunod kong narinig ang kalampag ng pinto, nanginginig man ay sinubukan ko itong 'wag pansinin.
Nagpatugtog ako ng malalakas na musika at pilit na ipinipikit ang mata para 'di kita makita, umaagos man ang luha sa mata ay patuloy pa rin ako sa pag kanta, nasisintunado at pumipiyok man ay 'di ako tumigil, dahil alam kong kasunod ng aking pagtigil ay ang paghusga mo saking anyo.
Paghusga sa kung paano ako tumayo, mula ulo hanggang paa, walang mintis at walang kulang, walang kupas at walang bahid ng konsensya.
Kasabay ng pagkapagod ko'y ang pagpasok mo sa pinto ng kwarto ko.
Tiningnan ako ng babaeng nakaitim. Nangungusap ang kanyang mata, hinuhusgan ako kung saan ako nag punta.
Sa paaralan, sabi niya'y di ako bagay sa publiko. Masyado daw akong pangit sa mga mata ng tao. Masyado daw akong agaw pansin ng dahil sa pagiging kakaiba ko.
Sunod niyang pinuntirya ay ang aking suot, mukha daw akong basahan dahil ito'y kusot. Di raw bagay sakin ang uniporme dahil sa kulay ko. Napabuntong hininga ako, binabad ko ang mukha sa unan habang nakikinig.
Patuloy siyang nagsalita, ngayo'y patungkol naman ito saking mukha. Sa paano ang aking labi'y may sugat at ito'y nakakadiring tingnan.
Sa kung paano ang aking mata ay sobrang lalim dahil may gabing di niya ako papatulugin.
Hinusgahan niya ang aking pisngi, na madalas tambayan ng luha ko pag kausap ko siya. Sabi niya'y ang pangit ko raw talaga at di katanggap tanggap sa publiko.
Tumawa siya ng malakas, pinagtawanan ang pagkatao ko kaya unti-unting namuo na naman ang luha sa mata ko.
Isa isa itong pumatak, pinanganak daw akong palpak.
Sana daw'y di nalang dapat ako nabuhay dahil dadagdag lang daw ako sa problema.
Ibinigay niya ulit sakin ang matulis na bagay, na parating humahalik sa bahaging pulso ko.
Bagay na sinasabi niyang sulosyon sa problema ko.
Tinanggap ko ito.
Naitanong ko sakanya kung ito nga ba ang sagot at tango ang kanyang tugon. Masyado daw akong tanga at bobo kaya di ko iyon alam. Ako'y bahagyang natawa.
Tama naman kasi siya. Tama ang pagkakahusga niya kaya sinunod ko siya, idinikit ko ang matulis na bagay na yon sa aking pulsohan. Idiniin at hiniwa. Sa una'y nagsilabasn ang dugo saka pa lamang kumirot ng ako'y hawakan niya sa balikat.
Sinenyasan niya ako na ipagpatuloy ko pa. Ako'y nag alinlangan pero mas diniinan niya ang kanyang kamay hanggang sa ako'y mamilipit sa sakit, pinaalala niya sakin kung gaano ako katanga upang isipin na mahal ako ng mga taong nasa paligid ko.
Kaya unti unti kong binalik ang bagay na yon sa pulso ko at diniin pa ito ng mas matindi, ngayon ay hindi ko pa nahihiwa'y lumalabas na ang dugo.
Mangiyak-ngiyak ako, di dahil sa sakit kundi dahil sa sakit ng mga salitang naisipan niyang bitawan.
Napahalakhak na naman siya ng malakas.
Bawal daw akong umiyak sa harapan ng madla dahil di ako nakakaawa, nakakainis daw.
Inutusan niya pa akong mas idiin kaya agad ko siyang sinunod.
Hinaplos niya ang aking buhok at ngumiti ng matagumpay.
Tumatawa tawa siyang lumabas ng kwarto habang naiwan akong namumutla, iniwan niya na naman akong namumutla dahil maraming dugo na naman ang nawala sakin.
Nung sinubukan kong tanggalin ang nakadiin saking pulso'y biglang bumukas ang pinto, malaki ang ngiti, at bumulong sakin na babalik siya bukas upang ako'y husgahang muli dahil di sapat ang nangyari.
Napayuko na lamang ako at patuloy ng kinuha ang nakadiing patalim sa pulsohan.
Itinapon ko ito sa sahig.
Humiga ako sa kama at hinayaang matapos ang pagdudugo ng sugat kong malalim.
Dinig ko ang pagtulo ng dugo sa sahig, ito na ang naging musika upang ako'y makatulog ng mahimbing.
Dala na rin ng pagkapagod galing sa tambak-tambak na gawain sa skelahan, ako'y natulog at parang ayaw ko ng magising dahil pagmulat ng mata ko'y panibagong araw na naman upang ako'y husgahan.
BINABASA MO ANG
Sulyap Sa Katotohanan
General FictionOne shot story. A supposedly normal day gets chaotic. TRIGGER WARNING // depression // self harm //