PROLOGUE

14.6K 531 87
                                    

Prologue

Oo, alam ko, mahirap lang ako pero may angkin akong kagandahan na ipinamana ng kanuno-nunuan namin.

Oo, mayaman siya, pero ubod naman ng sama ang ugali niya kahit na guwapo ang pinagmulan ng kaniyang lahi.

Alam ninyo iyong pakiramdam na bawat parte ng mukha niya kapag nasisilayan ko ay nag-iinit ako?

Hoy! Iba iyang nasa isip mo!  Masama 'yan. Minus one ka sa kalangitan at ilang libong kaulapan sa himpapawid.

Ibang init ang ibig kong sabihin.

Init ng ulo! Gaga!

Mang-aasar siya, mabibwisit ako!

Pagtitripan niya ako, gaganti ako!

Ano? Siya lang dapat puwedeng mangganti, ganoon? No, no, no way!

Idagdag mo pa ang supporters niyang mga chaka. Kaloka! Hindi man lang mahiya sa mga libag nila sa katawan.

At ang dalawa niyang kaibigan, ang sarap-sarap yumm-este sarap pektusan sa p'wetan! Happy pill ba nila ako at tawang-tawa palagi sa 'kin?

Sila ay kilala sa tawag na. . .

Three Kings of Leehinton

Oh, bongga may name pa sila. Anak talaga ng mayaman. Ano na lang ang mangyayari sa 'kin kapag walang tigil na panti-trip ang ginagawa ng isang Dave Kendrick Lee

End of the world na ba this?

O

Start ng kung anumang spark sa katawan?

Yuck! Kadiri naman! Asa! Kidlatan pa ang puwetan mg tatlong haring iyon!




---
Astarfromabove★

Hi, asfaniards!
Please do inform me if ever you encounter someone's plagiarising my stories. Thank you!

Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon