Lilian's POV
Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng opisina ni boss bago pumasok. Naabutan ko siya na may pinipirmahang mga papeles. Tumaas ang tingin niya sa akin nang tuluyan akong makapasok sa opisina nito.
"Good noon, boss." Bati ko.
Tinuro niya sa akin ang upuan na nasa harapan ng lamesa nito. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya lumapit ako at umupo.
"Bakit niyo ako pinatawag, boss?" Tanong ko nang makaupo na.
"Itatanong ko sana yung sched mo, kung may vacant ka ba?" Tanong nito at binitawan ang ball pen na hawak.
"Ngayong araw lang po ang vacant ko boss since hindi nakadating yung client ko but I resched naman our meeting and that would be tomorrow." I said. He slightly nodded.
"After ng meeting mo with your client, assist him the next day. He's looking for someone that can accommodate him. Is that okay with you?" Boss Steven handed me a folder.
Binuksan ko ang folder at bumungad sa akin ang profile ni In Yeop. Nakalagay sa folder ang pangalan nito, cellphone number at email account.
"Looking for someone? Akala ko boss ay assistant niya si Carrie?" Tanong ko.
"Yeah, she's his assistant. Pero tumawag siya sa'kin kanina at tinanong kung pwede daw ba kami magkita so I told him na i-meet ako sa agency natin. Pumunta siya dito at nireklamo ang behavior ni Carrie." Sagot ni boss. Kaya pala tinanong niya kanina kung nasaan ang opisina ni boss.
Pinigilan kong tumawa sa sinabi sa akin ni Carrie kanina. Buong akala niya ay tumawag si In Yeop kay boss eh dahil maganda ang assistance nito pero 'yon pala ay 'di maganda ang pinapakitang behavior nito. Kalokang bruha! Hindi ko alam ba't naging PR Assistant pa 'yan kung siya rin lang naman pala ang sisira sa image ng agency! Napabuntong hininga nalang ako. Kahit sino naman talaga ay maiirita sa babaeng iyon!
"That's why he requests to change his personal assistant. Someone who he can fully trust, ngayon na sinabi niya sa akin na his stay here in the Philippines is private." Dugtong ni boss.
"Private?" Nagtatakang tanong ko.
"No one should know he's here. Baka pag-initan siya ng media at dumugin." Sagot naman ni boss na lalong nagpakunot ng aking noo.
"Media? Dumugin?"
"He's an actor. A famous actor in Seoul." Naramdaman ko ang bahagyang pagbuka ng aking bibig.
Eh bakit wala siya sa cast ng Legend of the Blue Sea?
"Are you accepting this, Lilian?" Tanong ni boss.
Without hesitation, I nodded twice. Tiningnan ko ulit ang folder na naglalaman ng information ni In Yeop at tinipa ang cellphone number nito sa contacts ko. Don't judge me, isa ito sa mga ginagawa namin kapag mayroon kaming assistant.
"Okay, great! Will call him para makapunta dito at para makapirma ka na ng contract niyo." Ani boss.
Nanatili ako sa loob ng office ni boss Steven habang hinihintay si In Yeop na dumating para makapag-pirma na ako ng kontrata namin as his new assistant. Kapag pumayag ito na maging assistant niya ako, magiging assistant ako nito hanggang sa matapos ang stay niya dito sa pinas.
Maya-maya pa ay dumating na rin si In Yeop pero nakabuntot pa rin sa likod nito si Carrie.
Pagpasok niya palang ay nagtama agad ang aming mga mata. He smiled at me, just like what he always does every time we meet.
"Good morning, sir." Bati nito kay boss Steven at nakipag-shake hands. "Good morning, boss." Bati naman ni Carrie pero hindi siya pinansin ni boss.
"Why are you here, miss Carrie?" Tanong ni boss sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm His Personal Assistant
FanfictionMeet our Province Girl, Lilian Deavy Buenaventura, isang PR Assistant sa isang Public Relations Agency. Old fashioned girl, 'napag-iwanan ng panahon' sabi nga nila pero when it comes to work, "professionalism" ang motto niya. Meet our Korean Boy, H...