Birthday mo!? Ah. Ok.

47 1 0
                                    

Ok. Una sa lahat, wala talaga akong balak magsulat ngayon, kung di lang sa wala akong load, at walang load ang broadband ko, at birthday ko. Oh? Nanlaki mata mo? Di ka kasi nakabati? Okay lang yon, atleast may atraso ka na sakin.  Ingat ka pag labas, baka tagain kita.

^__________^

Joke lang. J

So, ano nanamang kalokohan ang naiisip ko? Simple lang, kasi ngayong SIXTEEN years young na ko, matagal ng tumatakbo sa isip ko.. Bakit nung bata ka pa, andami mong bisita, tas ngayong may edad ka na, unti-unting nawawala ang mga ninong at ninang mo kapag araw na ng kaarawan mo?

O____o

Nakakatakot ba ang number 14 para hindi sila magpunta sa inyo at batiin ka ng “Happy Birthday Inaanak! J”. Nung 7th birthday ko nga ee..

*FLASHBACK*

.

.

…..

.

..

..

*THE END*

Grabe noh? Nakakatuwa at nakakaiyak. Pero sa totoo lang, wala talaga akong maalala sa mga naging birthday ko. Maging kung magkano ang nakuha kong bayad sa utang ng mga ninong at ninang ko sakin dahil wala silang pasukbit sakin sa mga nakaraan kong birthday, kung ano ang mga handa ko, ang suot ko, ang mga bwisita at UZI,  at kung anong kaguluhan ang nagaganap sa ibang bansa nuon.. Pero kahit ganon, naiisip pa din naman ng mga magulang ko na magkwento sakin, tungkol sa kabataan nila at hindi sa birthday ko. Pero hayaan na natin yon, balik tayo sa topic ko. Bakit nga ba nawawala sila??

Eto ang ilan sa mga naiisip kong sagot:

1. WALANG REGALO – Anak ng !@#$%. Una sa lahat, eto ay para sa mga ninong at ninang, kung 1-12 years old ang inaanak mo, OK lang yung magregalo, pero kung meh buhok na sa kili-kili ang inaanak mo, utang na loob, 50PHP lang masaya na yan! Hindi nyo na kailangan mageffort na bumili ng bola ng basketball, o bumili ng damit o sapatos.

2. MADAMING UTANG SAYO – Naalala ko, may ninong DAW ako na pumunta nung 11 years old ako.. PERO SA BUONG BUHAY KO HINDI KO PA NAKIKITA, kilalang kilala daw ng mga magulang ko yun. Aba malay ko sa kanila, bahala sila sa buhay nila, balang araw masisingil ko din sila. J

3. MAY UTANG SA MAGULANG MO – (Ah.. Ganon? Pero sa birthday ng magulang mo, todo kung uminom pag meh alak na involved) Uhmm. No comment.

4.NAG-ABROAD – Para po sa mga ninong at ninang ng mga bumabasa nito.. May mga shipping companies at mga express padala stations sa buong mundo. Yun lang po. BOW. (Ayoko na magsalita pa, baka matunton ako ng mga yan, padalhan pa ako ng death threat.)

5. NAKALIMUTAN ANG BIRTHDAY MO –    (-______-)  Masaklap para sa ating mga kabataan ang makalimutan ang araw natin. Minsan eto na nga na lang yung pagkakataon na makita mo yung mga kababata mo, mga pinsan at tropa ng tropa mo, hindi ka pa napag bigyan. Pero isipin nyo na lang.. Sa birthday ka nila bumawi!!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

WAG MO DIN SILANG PUNTAHAN!!! ANO SILA SINUSWERTE!? ASA!

O sya, dito ko na tatapusin to. After ko ipost to. Tapos na ang araw ko. J Hanggang sa muli! Hahanapin ko pa mga ninong at ninang ko. :P

(Ngayon ko lang na-upload kasi ngayon na lang ulit ako nagbukas ng wattpad. ^___________^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Birthday mo!? Ah. Ok.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon