Bella's POV
Oh my gosh........no choice ako. Paano niya nalaman na gusto ko yung Burger and Fries ng McDo? Inabot niya saakin, tapos bigla niyang sinabi na "Tara?" Saan naman kaya kami mag uusap, halos lahat ng tao tulog na. Sinusundan ko lang siya, and hindi ko alam na may place na ganito sa camp. May isang lugar na punong puno na fireflies, ang ganda. Pero hindi kami huminto doon, dinala niya ako sa garden tapos umupo kami sa grass. Ang daming stars, sobrang saya na tignan lang ang mga tala sa langit.
"Miss mo?" (Tanong ni Noah habang nakatingin lang siya sa langit)
"Sino?"
"Si Dylan."
"Paano mo naman nasabi?"
"Nakita kita kanina, pulang pula mga mata mo."
"I can't explain much, but he's just too special to me."
"I know the feeling, ganyan din ako kay Mia."
"I heard about you guys, kamusta?" (Tanong ko pero hindi siya tumingin)
"I don't know."
"Hindi na ako mag tatanong. Pero may nag sabi saakin na pag Will talaga ni God, you'll find your way back to him......or her para sayo hahaha!"
"Tama naman." (He smiled)Hindi namin namalayan na 2:30 am na, habang nag lalakad kami pabalik sa mga tents nakita ko si Jay.
Nakatingin lang siya saamin ni Noah, hindi ko din alam kung bakit gising pa yun baka late lang talaga natutulog. Bago ako matulog naisip ko nanaman si Dylan, I miss him pero hindi ko alam kung enough na ako para sakanya, kung maayos naba ako o yung utak ko. Hindi ko pa alam.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dylan's POV3 am na, hindi ako makatulog. I can't stop thinking about Bella, I want to know kung maayos lang ba siya doon sa camp. Dapat talaga sumama nalang ako sa camp, hindi din naman ako nakuha sa league. Gusto ko na makita si Bella, paano kung may nag papasaya na pala sakanya doon? Paano kung naguguluhan din siya? Paano kung nahihirapan lang siya dahil saakin? Ang daming tanong, lahat walang sagot. Gusto ko na maayos lahat, pero there's time for everything. Maybe it's not yet our time.
She will comeback, and if not I'll be happy for her.
Kung hindi ako, I hope mas better saakin. Parang
hindi ko na din kasi ramdam na ako pa yung gusto niya, gusto ko na malaman. Sana talaga makausap ko na siya, hirap na din ako mag isip. I can't stop crying, hindi pa ako umiyak ng ganito sa isang babae. Ayoko siya mawala, pero kung saan siya mas sasaya doon na ako. Hindi ko na talaga ramdam na ako padin, ang sakit sakit. Ang hirap na. *Ting*"Bro bat gising ka pa?" (Tanong ni Dave)
"What if iwan niya ako?"
"Who? Bella?"
"Yeah."
"Bro, If kayo talaga kayo talaga."
"I know that, pero mahirap."
"Mahirap talaga, pero babalik at babalik sayo pag para sayo talaga."
"Thanks Bro!"
"Welcome! Matulog kana!"
"Hahaha! Ikaw din!"Kahit anong mangyari, I'll be waiting for you to comeback Bella. It's my turn to wait, napagod kana siguro kakahintay kaya ako naman. I pray na you'll find your way back to me, please. I still love you.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bella's POV2nd day ng camp, sinama ako ni Noah sa meeting ng mga staff. Nakakahiya kasi hindi naman talaga ako staff, sinasama ako ni Dad dati pero ayoko. Binigyan tuloy ako ng trabaho, ako daw ang titingin kung ready na lahat ng obstacles. So mag lalakad ako habang tirik na tirik ang araw, haaaaayyyyyyyy!
Habang nag lalakad ako may sumigaw ng pangalan ko "Bella!" Bakit naman ako tinatawag ni Jay? Anong kailangan nitong lalakeng to, ang aga soda ang hawak hawak.
"You'll need this later." (Bakit naman?)
"For what?"
"Mainit, and kung saan saan ka mag checheck kaya mapapagod ka. And itong soda na to may 39 grams ng sugar, does sugar give energy? I'm not sure, pero Kailangan mo yan."
"Close ba tayo?"
"Oo." *Lumapit siya saakin*
"Paano mo naman nalaman na mag checheck ako?"
"Your shirt says Staff, and hindi ako shunga."
YOU ARE READING
WAITING FOR YOU
Lãng mạnThey say there's a season for waiting, but what if you already waited for 6 years and still be friends with the one that you love? Will you still keep on waiting? Or Find someone else? Bella Elise Antonette Morales Delgado was only 6 years old when...