--Megumi’s POV--
[A/N: Pasensya na kung nilagyan ko ng POV ung bruhang babaeng toh.]
Hoy author wag kang epal !!
[A/N: Aba,buti nga may POV ka .!! Tsugiin kita agad sa story ko eh !!]
Tss.Pagbuhulbulin ko pa kayo nila KC eh .
[A/N: OO na lang]
Hi I’m Megumi Amor Santos.M.A. for short.Ang dakilang kontrabida sa buhay ni KC. Sa totoo lang mabait naman ako.Eh nabalitaan ko lang na syota ni KC ang pinakamamahal ko.Tama si Steve nga.Kaya humanda yang KC na yan.Bwahahahaha.
Nandito kami ngayon sa mini park,hinihintay ung mga malalanding babae. [A/N: Wow teh hiyang hiya naman ako sa’yo] .Aaaaaargh author. I hate you [A/N: I hate you more ] Tss. Back to story.Mukhang naduwag na yata sila.
“Look who’s coming”
“Akala ko naduwag na kayo”
--KC’s POV--
“Akala ko naduwag na kayo.”Si Megumi. Aba,kami maduduwag ?? Nevah !! Tsaka porket ba nalate lang naduwag agad??
“Hoy nalate lang kami noh.Asaness ka naman na maduduwag kami sa inyo” si LL. Andami namang mind reader sa story na toh.
“Tss” Si Megumi tas nagsign siya sa mga POKEMON.
*PAK*
Sabay sabay namin silang sinampal.Anong akala niyo samin huh?? Mas mabilis pa kami sa alas kwatro noh!!!
“Mas mabilis pa kami sa alas kwatro noh” si PJ. Mga mind reader nga.Aztiiiiiiiiiiig !!
*pak*pak*pak*pak*
Sabay sampal ulit sa kanila.
“Guyz ano combo na natin??” si PJ.Tas bumwelo kami then ………..
*WAPAK*
Isang combong sampal ang inabot nila. Bwahahahaha.
“Eh wala naman pala kayong binatbat eh.Lalo ka na” si Michi sabay point kay Megumi. Anggulo naman ng babaeng toh.Kanina binabalaan kami ngayon naman kung makadutdot kay Megumi eh parang wala ng bukas. ?_?
“Akala niyo lang yun. BOYS” si Megumi tas lumabas ung 4 na lalaki.Tas kinorner kami. Hala andaya naman nila. >3<
“Mga walanghiya kayo.Nagtawag pa kayo” si LL.
“Mga BOBO!! UTAK GINAGAMIT DYAN” si Megumi “ Sige Boys kayo ng bahala jan” tas umalis na sila.Shockz di namin alam ang gagawin namin.Kaya pumikit na lang kami,hinintay kung ano gagawin sa’min.
*bugsh**bugsh**bugsh**bugsh*
Hala! Patay na ba ko?? Binugbog na ba nila kami.?? Bat wala naman akong naramdaman. Dumilat ako at O.O si TJ,kasama sila Ethan.Tas ung mga lalaki nakatumba na.!!
“Mga POKEMON,utak pala pagaganahin ah.. Yan pati ugat sa utak pinagana namin.” si PJ.Lumingon naman ung mga POKEMONtas gulat na gulat.Tas tumakbo na papalayo.
“Hoy ikaw anong ginagawa mo dito” ako sabay point kay TJ with matching taas kilay.
“Malamang tinulungan kayo.Tss” si TJ. tss-tssin ko muka nito eh.
“Stalker ka noh? Pano mo nalaman na nandito kami ngayon? Tsaka katropa ka ba namin??” ako. habang nakapamewang.
“Best easy lang.Magpasalamat ka na lang kaya sa kanya.Tsaka katropa na natin yan.” si PJ. ahh kaya pala nandito siya. Katrop---- Ano?? Katropa namin yang manyak na baklang yan?? Hindi pwede!!
“AT SINO NAMANG NAG SABING KATROPA NATIN SIYA?” ako. Grabe wala pang permiso sakin yan. Tsaka pano naman namin nagging katropa yan hayop na lalaking yan.
“KAMI!! BAKIT ??” barkada. Aaaaaaargh !! Hindi toh pwede.!! Ambilis naman!! Katropa agad namin yan.!! >3< Haysst no choice na rin. Majority wins!!
“Grrr!! Fine !! Pero hindi porket katropa ka na namin,close na tayo” ako with matching irap !! >.>
“Tss.”
“Alam mo Best ang dami mong alam. Magthank you ka na lang kaya sa kanya.” ayaw ko nga, Manigas sila !!
“Ayoko nga.”
“Buti nga tinulungan ka ni FAFA TJ eh” si Ethan. So ganun?? Pinag planuhan toh ??
“Sinetup niyo toh noh??”
“……….”
“Aaaaaaaargh sumagot kayo”
“OO. “
“At bakit?? Give me a valid reason”
“Eh kasi ayaw niyang sabihin ung kiss.Sasabihin lang daw niya pag nagging tropa na natin siya” si PJ
“Eh anong konek nun sa pagligtas?” Di ba?? Ang layo naman?? Oh slow lang talaga ako??
“Bakla wag na maraming tanong. Magthank you ka na lang sa kanya at buhay ka pa ngayon”
“Tss. Thank you” ako
“Di ka sincere” si TJ. Aba,may pa sincere sincere pang nalalaman.
“Ang arte mo”
“Baka gusto mong matuloy ung part 3??”
“Aaaaaaargh” kinuha ko ung kamay niya. Kahit labag sa kalooban ko.”Thank you ah” ako na parang bata. Aaaaargh.Tas tinggal ko na yung kamay niya.