Day 1 : Rosa(s)

23 2 0
                                    

"I don't even know my self at all,
I thought I would be happy by now. "

Last Hope - Paramore.

Sabi nila, maiksi lang ang buhay. Hindi daw dapat ito sinasayang sa walang kabuluhang bagay.

Para daw itong isang pambura na sa bawat pagkakamali, paubos nang paubos. Karamihan sa atin, living life to the fullest. Ika nga nila, minsan lang mabuhay. Lubusin na at magsaya. Ngunit paano natin malulubos ang nalalabing oras natin dito sa mundo kung nababalot tayo ng kalungkutan buhat ng nakaraan na hindi natin alam kung anong pinagmulan?

Ako si Rosa, hango raw ang pangalan ko sa bulaklak na rosas sabi ni mama. Dahil tulad ng isang rosas, ako raw ay lalaking kaaya-aya at kasiya-siya ang itsura. Totoo nga, lumaki akong may bilugang mata, matangos na ilong, mahahabang pilikmata, mapupulang labi, makinis na kutis at masiyahin. Ngunit nagbago ang lahat mula nang nag labing tatlong taong gulang ako.

Parang may kulang.

Parang may malaking butas ang buhay ko.

Hindi ko alam kung ano at paano, pero isa lang ang nasisiguro ko.

Hindi ako kabilang sa mundong ito.

                                   ●●●

"Stay with me, this is what I need for you. Sing us a song and we'll sing it back to you, we could sing our own but what would it be without yo-------"

"Aray ko naman!" reklamo ko habang kamot kamot ang ulo kong binatukan ni mader. Senting senti ako rito sa sulok at hayan siya biglang mambabatok. Ayos mama.

"Bumangon ka nga dyan at maglinis linis ka naman. Ilang araw ka nang walang ligo. Hindi porket bakasyon e maghapon ka na lang hihilata dyan at magpapabingi sa punyetang headset na yan!"

"Earphone ma, hindi po headset."  agad akong tumayo at nagtungo na sa kwarto ko. Kaya ayokong nagtatambay sa salas e, pinakikialaman ako. Magkukulong na lang ako dito sa kwarto buong araw.

Pasalampak akong humiga sa kama ko. Napapalibutan ng mga iba't-ibang poster ang kwarto ko ng mga sikat na banda. Sa gawing bintana naman makikita ang samut saring gothic necklace at bracelets na nakasabit sa dingding. Tumingala lang ako sa kisame at dinamdam ang bawat liriko ng kantang pinakikinggan ko. Inilibot ko rin ang mata ko sa paligid ng kwarto ko. Hindi naman sobrang ganda nitong bahay namin, sa katunayan nga minana pa ito ni papa sa mga ninuno nya dahil mula pa sa spanish era ang design nito. Sapat na rin para hindi kami mainitan sa tanghali dahil malamig naman sa bahay ang materyales na gamit dito. Madumi at magulo rin itong kwarto ko. Makikita sa sahig ang mga nagkalat na nilamukos na yellow paper na ilang beses kong pinagpupunit dahil sa di ko malaman kung paanong areglo ang gagawin ko sa sinusulat kong kanta. Makikita din sa dingding na malapit sa maliit kong study table ang mga naka-ipit kong pick. Sandali pa akong tumitig sa kisame hanggang sa dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko para madama ang kantang kanina ko pa pinapaulit-ulit pakinggan. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng nararamdaman ko sa kantang to.

"How am I supposed to be happy
when all I ever wanted it
comes with the price, you said,
you said that you would die for me.~ "

Sabay ko pa sa kanta na kala mo'y nasa music video ako. Hindi naman ako broken, sa katunayan nga, NBSB ako. Matyaga kasi akong naghihintay sa taong makakasalo ko sa kabilang bahagi ng earphone ko at kahati sa twin pack na titimplahin ko. Chos! Binuksan ko ang cellphone ko para magfacebook. Wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay buong araw dahil tinatamad na akong tapusin yung kinocompose ko na kanta. Madaragdagan lang ang kalat dito sa kwarto ko kung pipilitin kong tapusin yon kahit nara-writers block ako. Naka ilang scroll pa ako bago makita yung isang link na naglalaman ng napakaganda pero napakasakit na announcement.

60 Days Summer Of Rosa (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon