2nd Chance --- She will hear you ♪

2.7K 34 31
                                    

Eto na po yung katuloy nung story ni Kevin...

Di ko po alam kung magugustuhan niyo pa kasi I'm part of it.. haha! :P

Nagfi-feeling wattpad character din ang lola niyo!

Mag-enjoy din po sana kayo katulad ko habang ginagawa ko to.

Dedicated kay ash_23 kasi nag-dedicate din siya sa akin. Thank *u*!

Love Lots,

MISTY (o"o) ♥

♪♫

2nd Chance --- She will hear you

“Ano, Dude? Tinanggihan mo?”

“Oo.” Maikling sagot ni Kevin sabay lagok sa alak.

Nandito sila ngayon sa bar. Pinuntahan niya si Denver after niya makipag-usap sa akin.

“Bakit? Chance mo na yun eh!”

“Hindi naman lahat ng chance dapat gina-grab. Aaminin ko, Denver, na-tempt akong tanggapin yung alok niya… pero kung tatanggapin ko yun, magugulo ko lang ang buhay ni Momo.”

“Alam mo, tama yung MISTYrious girl na yun. Tanga ka nga.” Prangka nitong sabi sabay tunga din ng iniinom.

“Ang tao kapag nagmamahal, nagiging tanga. At wala akong pakialam maging tanga man ako sa paningin ng iba, basta masaya siya.” Nakangiting niyang tugon.

“Mukha kang sira, alam mo yun? Itigil mo na nga yang pagngiti mo! Ok lang maging malungkot, Dude.” Tinapik tapik nito sa balikat si Kevin.

Mahal ko si Momo, Denver. Dapat maging masaya ako para sa kanya.”

“Ang martyr mo!”

Tama!

“Huh?” lumingon lingon si Denver. As usual, para hanapin yung nagsalita. Which is… ako ulit.

Pasensya na. Mahilig akong sumingit. ^___^V

“Oh, bakit?” nagtatakang tanong naman ni Kevin.

“Eh, Dude, may narinig akong nagsalita eh, ikaw ba yun?”

Napangiti  naman si Kevin. “Hindi ako yun.”

“Eh anong nginingiti ngiti mo diyan?”

“Wala.” Anito sabay tumayo. Nagpalinga-linga siya sa loob ng bar.

Maya-maya nakita na rin niya ako.

Lumapit siya sa akin.

“Hi!”

“Hello!”

“Sino yan, Dude? Bagong chick mo?” sabi ni Denver na sinundan pala siya.

“Nope. She’s the one I’m talking about.”

“Ah, yung MISTYrious girl!”

“Nice to meet you.” Sabi ko kay Denver.

“Same here.” Anito and we shook each other’s hands.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Kevin pagkaupo nila.

“Uh… umiinom?” pabiro kong sabi.

♪ Take A Chance ♫ (Voiceless FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon