CHAPTER 7

2.3K 108 7
                                    

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM

CHAPTER 7

SHEENA

"Who are you?" sabay tingin ko sa likod ko. I am expecting to see him standing there pero ang bestfriend kong si Kiara ang nakita ko.

"Bruh!" tawag sa akin ni Kiara habang ako naman ay inilibot ang paningin sa paligid. Ang bilis naman niya para bigla na lang mawala rito.

"What are you looking at?" tanong sa akin ni Kiara habang hinihingal. Tumingin na rin siya sa paligid kagaya ko at muling bumalik sa pagtitig sa'kin.

"Did you see him? I mean, wala ka bang nakitang lalaking nakatayo dito?" tanong ko sa kanya na kanyang ikinatuwa.

"I'm not insane na kagaya mo Kiara kaya tumigil ka diyan." pagpapatuloy ko. Alam ko na ang nasa isip niya. Iniisip niya siguro na kung ano-ano na naman ang mga pinagsasabi ko.

"What are you doing Kiara?" muli ko pang tanong sa kanya at napalayo ng kaunti nang hawakan niya ang noo ko at inamoy ang kanyang palad.

"Spirit, get lost! Leave my best friend alone! Choo! Choo!" sabay hampas niya sa magkabila kong balikat. Ginagamit na naman niya ang kaweirduhan niya sa akin.

"Kiara, I'm being serious here!" muli kong sabi na ikinatigil niya, "Look, may kausap ako kanina, ang bago naming kaklase." pagpapatuloy ko na siya namang ikinataas ng kanyang kanang kilay. Is there something wrong to what I said?

"New classmate? At bakit naman dito kayo nag-uusap aber? Don't tell me you have a crush on him?" she looks like a detective while asking me that question. Nanliliit pa ang mga mata niya at mas lalong lumapit sa akin.

"OMG!" tili pa niya. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang.

"Hoy bruh, hindi ko tinuro sa'yo ang ganyang bagay, umayos ka at baka mahampas kita. Pero infairness, lumalove life ka na ayiehh!" she's back being talkative again, minsan talaga may sense ang mga sinasabi niya, minsan naman ay wala katulad ngayon.

"Whatever!" pag-iiba ko na lang ng usapan namin at mabilis na naglakad. Nasaan na kaya ang lalaking yon? Kailangan ko siyang makita para malaman kung anong nilalaman niya kay Dane.

"Bruh, I ran a mile just to find you and you will just leave me?" sabay sukbit ng kamay niya sa may braso ko, "Sayang naman ang chika ko if you will just leave me!." pagpapatuloy pa niya na parang bata na inagawan ng isang candy.

"Ang seryoso kasi ng pinag-uusapan natin at hinahaluan mo ng kaweirduhan mo." tugon ko naman habang lumilinga pa rin sa paligid. Nagbabakasakali na makita ang lalaki na 'yon.

"Masyado ka naman kasing seryosong bruha ka! Aba kaya ka walang love life dahil sa pagiging seryoso mo." anong kinalaman ng love life ko sa sitwasyon namin ngayon?

"At nagsabi ang merong love life?" tugon ko na lang para tumahimik siya. I'm expecting na mananahimik siya ngunit kabaliktaran ang ginawa niya. Anong nakakatawa?

"FYI, may bago rin kaming classmate at nararamdaman kong gusto niya ako." sabay ngiti niya na parang kinikilig. Bakit ko nga ba kasi naging bestfriend ang bruhang ito?

We're totally opposite pero bakit ang lapit namin sa isa't isa?

"Kiara, you know our rule right?" balik ko naman tanong sa kanya habang papalapit na kami sa gate ng aming paaralan. Sa tingin ko ay kailangan ko munang sumuko ngayon sa kakahapan sa lalaking 'yon lalo pa at kasama ko si Kiara. Ayoko rin maramdaman ang takot o kaba dahil lang sa sinabi niya.

Malalaman ko rin naman kung anong kinalaman niya kay Dane once na magkita kami bukas. Hindi ako titigil hanggat hindi ko malalaman ang lahat ng alam niya.

KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon