Transferee ako ngayong taon na 'to sa school dito sa probinsya namin. Noong nakaraang taon kasi, doon ako nag-aral sa lugar kung saan nakatira kuya ko. Lumipat ako kasi ayoko na doon. Saka miss ko na rin kasi luto ni Mamang.
Okay sa'kin 'yung school kila kuya, pero kasi ayokong makisama sa pamilya ng asawa niya. Actually, mahirap makisama. Mababait sila, oo, pero para kasing sa bawat araw na dumaraan parang kaplastikan nalang nangyayari. Hay! Ewan ko ba. Ilokano kasi sila. Kaya minsan hindi ko maintindihan sinasabi nila. Malay ko ba kung anu-ano na pala nasasabi sa'kin 'no, kaya pinakawalan ko na talaga nang tuluyan school ko doon kahit na pinipilit ako ng mga kaibigan ko doon na 'wag na akong lumipat. Hayyy.
First day ko ngayon sa isang University dito sa probinsya. Oo, may University dito. Isang oras ang byahe at layo nito sa mismong bahay namin, higit pa kapag may traffic. Kung ikukumpara 'to sa school na pinaggalingan ko dati, 'di hamak na mas malapit doon na pwede ko pang lakarin. Pero mas pinili ko pa rin dito. Hindi ko alam. Hindi ata ako nagpakapraktikal at mas inisip ko 'yung sarili ko.
Unang klase ko ay Philosophy. Isang subject na binabalikan ko dahil hindi nagmeet kung anuman subject ko noon sa subject ko dito. Kumbaga, irregular ako. May mga advanced subjects ako at meron din namang mga late. Bale tatlong advanced at tatlo rin ang late kaya hindi masyadong hassle. Isa nga sa mga wala akong subject noon ay Philosophy. Dalawa sa mga late subjects ko, makukuha ko pa next sem. Tapos ngayon, dalawa 'yung advanced ko kaya next sem, isa nalang. School na mismo nag-ayos ng sched ko para walang mabanggang subject.
Pagkatapos ko sa Philosophy, dumiretso na 'ko sa sunod kong klase. Sa third floor pa. Napakalayo, jusko.
Nagkaklase na nang dumating ako sa sunod kong klase, Filipino. First day na first day pero may klase na agad. Buti pa 'yung Philo kanina, medyo wala pang kwenta.
"Anong pangalan mo?" Filipino subject nga pala 'to.
"Ako po si Francheska Ramos."
Kaunti lang kami dito sa klase. Hindi ata lalagpas ng sampu. Kami ang pinakahuling section. At nalaman ko na dito pala halos lahat napunta ng transferee para sa school year na'to. Pero 'di porket huling section, mga wala ng utak nandito. Late enrolees lang talaga kami.
Naglaro lang kami pagkatapos magpakilala at magbigay ng ilang trivia ng Filipino teacher namin. Mukhang mabait siyang teacher. Sana.
Ito na pala official section ko. Bale sa Philosophy lang ako maliligaw sa ibang klase.
Napakaboring ng araw na 'yon dahil walang mas'yadong nangyari at wala man lang mapagkukunan ng inspirasyon sa klase. Pa'no ba naman, dadalawa lang ang lalaki. Tagilid pa ang isa. Hay.
NATAPOS ang isang linggo na may nadagdag na tatlong tao sa klase namin. Isang lalaki at dalawang babae. Mga hindi lang nagsipasok sa first day ng school dahil nilalagnat o tinatamad ata sila. Ewan.
Hanggang sa dumating nanaman ang Monday at nagulat ako dahil may panibagong mukha nanaman sa klase. Apat silang lalaki. Lahat may itsura. Isang maliit na maputi, dalawang kasing tangkad ko na tama lang ang kulay ng balat, at isang matangkad sa akin ng isang dangkal na moreno.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko inakalang may darating pa palang biyaya sa section namin. Dati na pala silang estudyante dito, hindi lang nagsipasok noong nakaraang linggo dahil sigurado nila na wala namang gagawin sa unang linggo ng klase.
Oo, mahilig ako sa gwapo, hindi ko na ikakaila iyon. Pero patago ko lang silang nagiging crush dahil nahihiya ako. At saka sa mukha naman talaga tumitingin ang tao, susunod palang 'yung ugali. Totoo naman 'di ba? Kaya nga love-at-first-sight, kasi mukha ang unang tinignan.
BINABASA MO ANG
Not A Jeepney Love Story (One Shot)
Teen FictionThis is not a story of how they met in a jeepney. But how they make memories in a jeepney, or so she thought.