Chapter 1

12 1 0
                                    

"For purposes of studying the topics, you need a copy of at least 1 reference book that listed in your course syllabus and your notebook para pagsulatan ng inyong notes and of your solutions to the problems relevant to a particular topic at gayundin ng mga exercises." aniya ng prof ko, it is already 2 pm in the afternoon, tumingin ako sa kabuoan ng silid aralan ko at ayun ang mga antok na muka ng mga kaklase ko. May ilang nakikinig talaga, karamihan naman ay kanya kanyang pagpapanggap. Hindi ko sila masisisi, talagang patay na oras ang pasado alas dos ng hapon. Pati prof patay.

"Try to solve problem #256 on page 55 now in your notebook." kanya kanyang buklat kami sa aming makapal na libro.

Strength of Materials (Fourth Edition) by Andrew O. Pytel and Fedinand L. Singer. Agad akong nagtungo sa pahinang sinabi ng prof ko. Simple strain kind of problem. Agad kong binasa sa utak ko ang buong problem, hindi pa man tapos basahin e nanakit na agad ang ulo ko. Ganito talaga sa Engineering, sanayan nalang, pasakitan ng ulo, kanya kanyang pagpapanggap pero karamihan pa rin talaga sa klase ko ay sadyang matatalino. Tipong alam na agad ang gagawin at formula na gagamitin. Nakakahanga lang yung mga taong ganon, masyadong nabiyayaan.

Nagsimula ako gumuhit figure ng problem at isa isa itong nilagyan ng label.

2m, 1.5m, 1.5m

Steel

A = 900 mm^2

E = 200 GPa

L = 1.5 m

Bronze

A = 300 mm^2

E = 83 GPa

L = 2 m

Naramdaman kong nakatingin sa ginagawa ko si Addison. Siya ang katabi ko sa kanan na part samantalang si Sage naman sa kaliwa. By three ang arrangement ng upuan naming dito sa subject na to. Bukod sa pagiging major ay talagang may kahirapan to. Tipong kapag naihulog mo ito, extended na agad ng isang taon ang career mo as a student dito sa civil engineering, kaya our Professor decided to group us into three para tatlong utak din ang gumagana. Helpful naman kahit papaano, pero tamad magturo, bullshit diba. kami kami na rin magkakaibigan ang nagdecide ng groups namin. Ako, Addison, Sage then Jameson and Steve tsaka yung isa namin na kaklase.

"Gets mo?" ani Addison.

Inexplain ko sa kanya ang kakaramput na ideya ko about solving the problem at nakikinig naman siya. Sa aming apat sila ni Jameson ang mas masipag, samantalang kami ni Sage ang tamad at mahal na mahal ang cramming sa lahat ng bagay, samantalang si Steve ayun kahit hindi nagaaral madalas e pwede mo nang masabi na alam ang napakaraming bagay. Isa siya sa talagang masasabi mong halimaw sa klase. Isa sa mga paboritong anak ni God.

"Okay, thankie"

I just smiled to her at tinuloy ang ginagawa ko. Ang sakit sa brain punyemas. I was about to get my calculator sa bag nang maramdaman ko nagvibrate phone ko sa bulsa. I saw sa screen from notification, it was a massage... from him. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman, do I need to feel happy kase sa wakas minessage at naalala niya ako or sad because this was his first chat of the day kahit na active naman siya sa messenger. Hindi ko pinansin at binuksan ang mensahe at binalik ko agad yon sa bulsa ko.

"and also before I go, let me remind you sa problem set that will be submitted on February 10, 20**. Topic: Algebraic Method of Determining Shear and Moment in Beams. Goodbye." paalam ng Prof ko. Napakamot ako sa sentido. Almost 2 years na ako sa department ko pero bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa dami ng mga gawain. Tipong hindi pa nasisimulan yung iba ay may dadagdag na agad. Ang gagaling talaga magbigay ng mga gawain kahit hindi inisplika at itinuro ng maayos, napakagaling talaga. Punyemas...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon