CHANCE

24 3 4
                                    

Bella's POV

Nakauwi na din ako sa wakas, tapos na din yung camp. Wala na din yung feelings ni Dylan saakin, pero alam ko naman na fault ko. But my decision is final, we need to learn. Pero gusto kong malaman kung okay lang ba siya. Alam kong hindi pero sana mas maging better siya na tao.

2 weeks nalang pasukan na uli, hindi ko alam kung paano ko haharapin uli si Dylan. Masyadong mahirap, Friends? More like Strangers. Sigurado ako na magiging awkward kaming dalawa sa isat isa. Sinabi ko na din sa friends ko na we decided to wait at kung kami edi kami. At first nainis sila, pero I'm gald na hindi immature mga friends ko and they understood my situation. Same with Dylan, alam na din ng friends niya.

Ngayon papunta ako sa La Union, sinama ako ni Sir Jom kasi tumulong din naman ako sa camp. Parang getaway party kasi nila ngayon kaya pupunta kami sa La Union. Miss ko na din pumunta sa dagat, sana makapag unwind ako. Hindi padin kami nag uusap ni Noah, nahihiya padin siguro siya. Tinabihan niya ako sa Van, then he said "What if I like you?" I was shocked, kaya hindi ko sinagot. Tinitigan niya ako, nag hihintay siya ng isasagot ko. Mabait si Noah pero si Dylan padin nasa isip ko. Ang lamig, hindi ko kasi alam kung bakit naisipan ko mag dress. Napansin ata ni Noah "Nag dala ako ng blanket."
Then he wrapped me up with his blanket, para akong burrito.

"Thank you."
"You're welcome Bella."
*Silence*
"Bella.....can you give me a chance?"
"Chance?"
"Give me some time, to make you fall in love with me."
"How?"
"Give me now. Pag after ng trip na to hindi pa nag babago feelings mo saakin, I will give up."
"Okay, one chance."

I can't believe I said that, gosh Bella you're so stupid.
I'm in love with Dylan, siya lang kaya wala lang din yang chance na yan. Pero paano pag na fall na ako kay Noah? Paano na si Dylan? What am I thinking!
Naging awkward lang ako hanggang nakarating na kami sa Hotel. Roommate ko si Ate Amy, tumulong din kasi siya kaya sinama na din siya ni Sir Jom sa outing. Ang ganda ng place, malapit lang sa dagat.

We all decided na pumunta sa beach front, ang saya kasi walang masyadong tao. I don't want to swim kaya umupo nalang ako sa sand, nakakamiss din na mag relax lang. Tinabihan ako ni Noah, he looked bothered kaya kinausap ko siya.

"Noah, don't push yourself too hard."
"Huh?"
"If I like you I like you, and if I don't maybe para sa iba ka talaga."
"What if you do like me? Pero takot ka na masaktan mo si Dylan?"

Yun ba talaga ang nasa isip ko? Am I in love with Noah? Anong gagawin ko? I'm so confused. Parang hindi ko alam gagawin ko. Sana matapos nalang agad itong trip na to para makauwi na din ako.
Napagod na sila mag swimming so we all went back to the hotel, excited na akong kumain pero yun pala kami ang mag luluto. Kami ni Noah ang sinabihan na mag luto, hindi ako marunong buti nalang si Noah marunong. Literal lang kami na nag luluto, walang usapan pero parang masyadong tahimik si Noah. Mag sasalita na dapat ako pero nauna na siya
"Gusto mo sumama saakin mamaya?" Nagulat ako sa sinabi niya "Saan?." Sagot ko pero hindi na siya uli nag salita, ngumiti lang siya.

Tapos na kami mag dinner, pagod na pagod ang lahat kaya naisipan na nilang matulog, sinamahan ko na din si Ate Amy papunta sa room namin. Matutulog na sana kami nang biglang may kumatok,
nakakatakot kasi 11:00 pm na may kumakatok pa.
Thankfully si Noah lang pala.

"Gabi na, anong kailangan mo?" (Tanong ko)
"Sama ka?"
"Saan nga."
"Secret."
"Then.......No."
"Sige na it'll be fun."
"Matutulog na ako Noah."
"Sige ako nalang mag isa."

Shunga ata to, anong oras na gagala pa siya ng mag isa. Ayoko sumama, pero delekado kung mag isa lang siya na aalis. But actually may side ako na ayaw sumama at may side na gusto, I think........I should.

"Wait for me, kunin ko lang jacket ko."

I can't believe it, sasama ako kay Noah pero hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wow, ang talino ko. Nag paalam din ako kay Ate Amy, baka kasi mag alala siya na nawawala ako. Pumayag naman siya and pabiro niyang sinabi saakin na "Enjoy!" Kinuha ko na yung jacket ko malamig kasi ngayon. Pag labas namin ng hotel, nakita ko na golf cart lang sasakyan namin. Nakakainis, ayoko na ata sumama.

"Don't worry, hiniram ko to sa lobby."

Nakakahiya, pero cute at the same time. Ang ganda palang mag ikot-ikot sa garden ng hotel. Pumunta din kami sa golf course para mag libot, akala ko doon na kami tatambay pero hindi. He told me na ako daw mag drive so I did, he told me kung saan yung direction ng pupuntahan namin and I was amazed, meron palang observatory sa hotel pero hindi pa tapos. Natatakot ako na pumasok baka mahuli kami ng guard, pero parang ang ganda pumasok and it will be a great experience kaya pinasok namin.

Ang ganda, kahit hindi pa tapos ang ganda na ng view, halos glass lahat and when you look up makikita mo yung mga stars. Sana matapos na agad itong observatory para maraming mga tao ang makakita sa ganda ng mga bituin.

"Ang ganda." (Naka tingin siya saakin)
"Maganda talaga yung mga stars."
"Ikaw din."
"Huh?"
"Maganda ka din."
"Hahahaha!"
"I'm not kidding." (Nakatitig lang siya saakin)

I don't know what to say, I think I'm in love with Noah. But I'm not that sure, hindi ako sure kung mahal ko siya kasi mahal ko siya o mahal ko siya kasi kaibigan ko siya. Naguguluhan pa ako.

"Can I wait for you?" (Tanong niya)
"Someone's waiting for me."
"Dylan?"
"Yes, hinihintay ako ni Dylan."
"Pwede ba na dalawa kaming mag hintay sayo?"
"How?"
"So that when the time is right you can choose between us."
"Okay, but I can't promise that I'll be choosing you."
"Fair enough."

Nasaktan ko ata siya, pero it's the truth. Mahal ko padin si Dylan, but I'm starting to like Noah. Why am I stuck in this situation? Ginusto ko din naman.
I should pray for this bago ako mag decide, and I should know kung sino ba talaga sakanila ang mahal ko, at kung sino ang nag mamahal talaga saakin.

Noah or Dylan?

WAITING FOR YOUWhere stories live. Discover now