Dinungaw ni Scarlet ang cellphone ko para makita ang kinagulat ko. Pero imbis na mainis ay tumili pa ang gaga.
"Kyahhh sabi na e. HAHAHAHA. Ang sweet sweet niyo naman dito insan hahahaha. Hinalikan yung kamay mo o Hahahahahaha. Kerengkeng ka Hahaha kyahhhhh." Napatayo pa siya niyan matapos agawin yung cellphone ko tsaka tinusok tusok yung pisngi ko. Gunggong neto.
Tinapik ko yung kamay niya tsaka hinablot pabalik sakin yun. Fuck! Nagwawala at halos malagot na ang hininga ko sa kaba habang nanginginig ang kamay na tinawagan si Tito.
"Tito! Shit! Sinong nagpakalat nung photo?!" Angil ko sa cellphone ko kaya naman nagsialisan na yung mga natirang classmate namin.
"Yeah. I saw it, iha. You two are sweet ha." Tsk. Tinutukso bako ng matandang to?!
"Problema yan tapos ganyan lang ang reaksyon niyo?!!" Sigaw ko sakanya.
"Perfect timing lang iyan iha, baka nga pasalamatan ko pa ang nagpakalat niyan dahil may mga tumatawag na sating mga Press. The interview we plan, remember?" Malumanay pa din niyang sagot.
Binaba ko nalang ang tawag dahil napipika talaga ako. I know about the interview of course, but hindi ko gusto na kami ang reason.
This is not part of the Plan! Sila Tonton at Scarlet dapat yun! Argh! Sinunod sunod ko nalang ang lagok sa tubig ko dahil pinagpapawisan ako ng matindi.
"Hoy, kumalma ka nga insan. Tama naman si tito e, perfect timing you know." Naka loud speaker ang tawag kanina kaya nakakasabat to.
Tss. I'm never romantic tapos tapos bullshit.
Maya maya pa ay pumasok sa room namin yung dalawang ugok. Nakangisi si Tonton habang matamis naman ang ngiti nung isa.
Ewan ko ba pero kumalma ako ng bahagya nung makitang okay lang yun sakanya. Kainis. Umayos ka Yze, ikaw lang ang OA diyan.
"Hanep sa revelation naman tong mga to, matitindi." Tukso samin ni Tonton sabay akbay kay Scarlet.
Tss. Bakit ba hindi itong mga to ang gawan ng issue? Higit apat na buwan na ang relasyon ng dalawang to a. Kakainis.
"Pretty, ang ganda mo dun sa picture. Tingnan mo o, winallpaper ko." Parang batang inabot niya ang cellphone at totoo nga. Yung picture naming dalawa yun, we facing each other.
His kissing my hands, eyes close habang halatang nagulat ako sa picture. Pinigilan ko ang naghaharumentado kong dibdib habang nanatiling tahimik.
...
Nakalulan kami ngayon sa van ni tito. We're heading our way to the TV station na kukuha ng interview samin. I'm wearing a wine color gown and Scarlet's wearing red.
Nanatili akong tahimik sa buong byahe habang abot ang kwentuhan nila Scarlet at tito.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari, tito's reaction, pati na rin si tanda at lalo na Lolo's silence.
We never tag along. My lolo hates me so much that he made my life a living hell when I was a kid. Hindi niya matanggap na anak ako ng isang mahirap na babae at lalong ayaw niyang babae ang mamuno sa aming angkan.
Paborito niya si Maddox pero sadyang physically unstable ang isang yun kaya walang panama pagdating sa field. Gusto niya rin ng less complicated life.
Kaya pumayag akong si Scarlet ang gawing base dahil okay naman ang relasyon nila ni lolo. He will always think that mission lang to kay Scarlet.
Pero sakin, she will surely see this as a flirtatious act gaya ng sinusumbat nya kay mama. I'm more alike of my mother kaya sakin niya binubuntun ang frustrations niya.
BINABASA MO ANG
Misanthrope: When a Badass Breaks the Rule (S L O W U P D A T E)
AzioneMISANTHROPE. Being at the top of the hierarchy means you should live with the principle of being one. Rule: TRUST NO ONE. But what if, a mission made the most important person of the Castellano's clan, the first in command, felt something strange y...