Ms. JanSport (Editing)

471 34 15
                                    

Ms. JanSport (One Shot)

Written by: prxncesstofu

"Hoy ate na JanSport ang bag!"

Yan ang linya na lagi kong naririnig tuwing dumadaan ako sa fourth year area. Dadaanan kasi ang fourth year area bago makarating sa room namin.

Kaasar naman oh! nakakahiya. Sa'min kasing magkakaibigan ako lang ang naka JanSport na bag. Ang lakas ng trip niya huh. Tch, JanSport din naman ang bag niya. Hmp bahala nga siya di ko na lang pinansin.

Kinabukasan ...

Argh! May pasok na naman makikita ko na naman siya. Bakit kasi kailangan pang dumaan sa fourth year area bago makarating sa room namin.

Papasok na ko ng gate ng makita ko siya tataguan ko sana kaso huli na nakita niya na 'ko. Oh no! I'm dead. What a lucky day -__-

"Hoy ate na JanSport ang bag!"

Tawag siya ng tawag sakin pero binilisan ko pa ang lakad at di siya pinansin. Grr. Pagtingin ko sa likod ko malapit na siya sa'kin wow ha bilis niya maglakad.

"Hoy ate na JanSport ang bag!"

Paulit-ulit nakakainis na. Nakakahiya. Kaya hinarap ko na siya.

"Hoy! Kuya ano ba ? Bakit ka ba tatawag ng tawag na 'Hoy ate na JanSport ang bag.' May pangalan ako. Chloe yan ang pangalan ko. C-H-L-O-E kuha mo? At saka di ka ba nagsasawa kakaasar sakin? Lagi na lang. Kaya pwede ba tigilan mo na 'ko?"

Pagkatapos nun umalis na ko. Pero bago ako umalis nakita ko sa mga mukha niya ang lungkot. Napasobra yata ako. Naguilty tuloy ako. Hayst .. Bahala na nga.

Kinabukasan ..

Woah.. Ang tahimik yata ng mundo ko ah. Pero nakakapanibago nasanay kasi ako na tuwing papasok ako may tumatawag at nangaasar sakin na 'Hoy ate na JanSport ang bag!' Tch mas okay na 'to kaysa naman inaasar niya ko.

Hay uwian na rin. Ang boring ng araw na 'to Ewan ko ba. Basta pakiramdam ko kulang ang araw ko. Dahil ba walang tumatawag sa'kin ng 'Hoy ate naJanSport ang bag!' Hay ano ba 'to namimiss ko ba ang pang aasar niya? No hindi pwede. Siguro nasanay lang talaga ako. Masasanay din ako na wala ng mang aasar sakin.

Fast forward ..

Kyaaah! March na. Yes malapit na ang summer vacation. Wala naman masyado nangyari nung mga nakalipas na buwan ordinary day. Walang nang aasar pero narealize ko na ang boring ng araw ko 'pag walang nangaasar sa'kin. Sana makita ko na ulit siya, sana asarin niya na lng ulit ako kaysa naman hindi ko siya nakikita. Hay.. Next school year 4th year na 'ko, speaking of 4th year ..Oops! Graduating na nga pala siya! Paano 'yan 'di ko na talaga siya makikita. Hay ako din naman ang may gawa eh. Sana hindi na lang ..

2 months later ..

Nandito ako ngayon sa mall para mamili ng school supplies at bag, syempre JanSport ulit favorite ko yun eh. Nagtingin tingin na ko ng bag at may nakita na ko at nag iisa na lang ito wow ang ganda ng kulay, kakulay ng galaxy kyaah! *O* Kukunin ko na sana ng may humawak sa bag, yung kamay tuloy niya ang nahawakan ko. Pagtingin ko sa kanya. Omo! ≧﹏≦ si kuya na natawag sakin ng 'Hoy ate na JanSport ang bag!' Si Andrei .. Nung nakita ko siya parang bigla ko siyang gusto yakapin, kausapin namiss ko siya. Oo gusto ko siya sa loob ng ilang araw na pangaasar niya sakin nahulog na ang loob ko sa kanya. Oo nung mga unang araw naaasar ako pero nung tumagal nasanay na rin ako at napapangiti niya 'ko, bad trip lang talaga ako noong araw na 'yun kaya nasigawan ko siya.

Nagulat din siya nung nakita niya ko. Parang di niya alam ang sasabihin niya. Nahiya tuloy ako naalala ko yung huling encounter namin. Sinigawan ko nga pala siya. Nagulat ako ng magsalita siya.

"Ahm uy! Ikaw pala yan Ms. JanSport, kamusta?" Eh? Ms. JanSport ? So binigyan niya pala ako ng nickname :3

"Ms. JanSport? So binigyan mo pala ako ng nickname?" Sagot ko. Nakakatuwa kasi medyo nawala na yung pagka ilang ko sa kanya.

"Oo Ms. JanSport. JanSport kasi lagi ang bag mo, ang haba pati kung ang itatawag ko pa rin sayo 'Hoy ate na JanSport ang bag!"

Naalala ko tuloy yung mga nangyari dati.

"Ah - Eh - sorry nga pala kung nasigawan kita dati di ko naman talaga yun sinasadya ikaw naman kasi eh. Bakit mo ba kasi ako inaasar nun?"

Tch. Magso sorry lang nautal pa ko. -_-

"Di ko naman talaga intensyon na magalit ka sakin. Gusto ko lang naman na mapansin mo ko. Unang araw pa lang na makita kita nagkagusto na ko sayo kumbaga na love at first sight ako sayo saka alam ko naman talaga ang pangalan mo e. Ikaw si Chloe, Chloe Jean Recto si "ate na jansport ang bag". Akala ko kasi 'pag inasar kita mapapansin mo ko. Pero hindi eh, nagalit ka pa sakin. Sorry."

"Eh? Love at first sight? Tch, Hahaha corny. Pero okay na sa 'kin yun. Kalimutan mo na yung mga bad memories natin noon. Tsaka 'di naman ako nagalit sayo nun namiss pa nga kita eh!"

Oops! Anong sabi ko namiss? Nakakahiya. Pero nung tumingin ako sa kanya parang nagpipigil siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill. Ayan ka na naman naaasar ka na naman lalo ka tuloy gumaganda. Hahaha pero anong sabi mo namiss mo ko?"

Kyaah! pulang pula na ko dito dahil sa kahihiyan syempre sa kilig din. ≧﹏≦

"Oo na namiss na kita! Mr. Jansport."

Kyaah ewan ko ba. Bigla na lang yun lumabas sa bibig ko. Eh? Mr. JanSport? Hahaha Jansport din kasi ang bag niya noon. So favorite nya din pala? Kaya trip nya din akong asarin.

"Mr. Jansport? ako?"

Tinuro niya ang sarili niya.

"At ikaw Ms. Jansport?"

Sabay tinuro niya 'ko.

"Ayos. Hahaha JanSport couple!"

At inakbayan niya 'ko.

The End

Bitin po ba? Sorry po. First story ko po ito eh. Thank you po sa lahat ng bumasa. Sana suportahan niyo rin yung mga susunod kong stories. Ciao!

Ms. JanSport (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon