Gracella
Nililinis ko na ngayon ang magiging kwarto ko. Hindi naman masyadong madumi at maikabok. Maliit lang siya, may kisuna, banyo at sarili kong kwarto. Okay na rin to kisa wala akong bahay na matirhan dito at isa pa libre naman to kaya pagtitiisan ko na lang muna hanggat hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.
Nilagay kona sa kabinit ang mga damit ko at dalawa kong sapatos. Nagiisip pa nga ako dahil hindi ko alam kong saan ako kukuha ng pera para sa pangbili ko ng uniform at school shoes. Magpapasukan na kasi next month at hindi paren ako na ka-kapag-enroll. Ang sabi ni Hanna sakin sasamahan niya daw ako bukas sa paaralan na papasukan ko.
Habang nagaayos pinatug-tug ko na ulit ang The Way I Love You ni Taylor Swift. Ang ganda kasi ng story line nong kanta. Hindi ko alam kong bakit ako naaadik dito. I really love Taylor Swift, simula pa nong bata ako. I love the way how she communicate sa pamamagitan lang ng mga kanta niya.
Isa nga sa mga pangarap ko ang makita siya sa personal kano parang malabong mangyari dahil wala naman akong pera. Hanggang sa panonood na lang talaga ako ng mga music video at interview niya sa youtube.
"Taylor Swift?" nagtatakang tanong ni Hanna habang pinapakinggan niya ng buti ang kanta.
"Bakit may bago pa ba sakin? Hayaan mo na sa kanta na lang niya ako komukoha ng lakas ngayon."
"Hay nako wag mo nang isip yun. Ang importante nan dito kana para sa bagong mong buhay." pagiiba niya ng usapan.
Alam niya talaga kong ano ang nararamdaman ko ngayon. Siya lang ang tinuring kong bestfriend simula nong mga bata pa kami. Sa probinsya rin siya lumaki kaso lumipat siya ng Maynila dahil nan dito ang trabaho ng Papa niya. Kahit ilang taon kami hindi nagkita ang closeness namin sa isat isa hind paren na wawala.
"Alam mo Gracella, sa tingin ko magugustohan mo ang bago mong paaralan."
"Bakit mo naman na sabi yun?"
"Dahil nan doon ang curse na hinahanap mo. Ano nga ba ulit ang kukunin mo?"
"Hanna, Education ang ku-kunin ko. Gusto kong sundan ang yapak ni Mama at siguro na sa dugo na namin ang pagiging isang teacher."
"Ganon ba, magte-reacher na rin ako para sabay tayo at bukas na bukas pupunta tayo sa school para pumasa ng mga requarments."
"Sure, walang problema sakin. Dala ko naman lahat ng mga documents ko."
"O' siya bilisan mo na dyan at bumaba kana para kumain. Nagpaluto si Papa ng ulam para sayo."
"Nakakahiya naman Hanna sana hindi na kayo nagabala pa."
"Wag na puro salita. Anak na rin ang turing sayo ni Mama at Paa."
"Sige na tatapusin ko lang ito at susunod na agad ako sayo sa baba."
Lumabas na ng kwarto ko si Hanna. Ito na talaga ang pinaka nakakapagod na araw sa buong buhay ko. Humiga na muna ako at tinignan lang ang wall paper ng cellphone ko. Nakangiti lang ako dito na para bang wala akong iniisip na problema.
Kailan ko kaya muli makikita ang sarili ko na nakangiti ulit.
---
Lawrance
Kakadating ko lang sa bahay at hindi paren ako ma ka get over sa mukha ng babae na kasama ko sa barko at bus. Hindi siya ma wala wala sa isip ko. May kong ano sa kanya na hindi ko alam, basta parang na magnit niya ang puso at ngayon hindi na ito mapakali.
Sa totoo lang wala naman talaga akong balak na kausapin siya doon sa barka. Kaso nga kang nong tinanong ko siya, parang galit pa siya sakin. Nagaalala lang naman ako sa kanya dahil malakas ang hangin at baka ma laglag siya. Pero na gulat talaga ako ng makita ko ang itchura niya. Ang ganda ganda niya talaga. Wala man lang bahid na sugat ang mukha nito.
Kaso parang galit siya sakin. Ano bang ang masama sa pagtawag ko sa kanya ng hoy. Hindi ko pa naman kasi alam ang pangalan niya. After non akala ko hindi na kami magkikita pero hindi pala doon nagtatapus ang lahat. Nong pagakyat ko sa bus siya agad ang na kita ko. Nangi-ngibabawa kasi ang ka gandahan niya.
Kaya tumabi na agad ako sa kanya. Hindi niya man lang ako na pansin dahil busy ito sa pakikinig ng kanta at pagtingin sa labas. Kaya sa subrang bagot ko tinuha kona lang ang earphones niya. Nagsinungaling naren ako na naririnig ko ang bosis niya. Sakatunayan hindi ko talaga alam ang kinakanta niya dahil wala naman akong naririnig.
Buong akala ko hindi niya ako kakausapin pero nagukat ako ng pagsalitaan niya ako. Akala ko mabait siya, pero matapang pala talaga ang ugali niya. Dahil pilyo akong bata sinabayan ko na lang siya. Tawang tawa talaga ako kapagnaiinis siya sa mga sinasabi ko at nilagay pa talaga niya ang bag niya sa gitna namin. Akala niya siguro magnanakaw ako. Sa itchura kong to, pagkakamalan niya ako na manyakis at magnanakaw. Kong alam niya lang talaga kong sino ako.
Pero nagnakaw talaga ako, pero na gawa ko lang naman yun dahil nagugutom ako. Na iwan ko kasi ang pera ko sa kwarto nong mga oras nayun. Buti nga binigyan ko pa siya ng sandwich.
Ang ganda ganda talaga niya at wala akong masabi sa mukha niya. Ngayon lang ako na kakita ng ganong klasing babae. Dahil sa subrang pagiisip ko sa kanya na kalimutan ko tuloy ang pangalan niya. Naiinis nga ako sa sarili ko dahil ang bobo ko. Ngayon hindi ko na alam kong saan ko siya hahanapin. Sayang talaga ang pangalan niya kong hindi ko lang sana na kalimutan. Mapapadali lang ang paghahanap ko sa kanya.
Bahala na ang tadhana na mag buklod ulit samin. Kong sino man siya sisiguradohin kong makukuha siya.
"Your home? Ka musta ang buhay probinsya?" pagtatanong sakin ni Dad.
"Hindi okay. Naiinis nga ako dahil wala man lang sila ng wifi. Nakakabagot rin dahil wala mga mall. Ano bang klasi lugar yun?"
"Alam mo Law pinaparanas ko lang sayo ang buhay na mayroon ako noon. Kaso parang sa itchura mo hindi ka talaga nagenjoy. Asahan mo pang may time ako babalik tayo doon."
"Dad ikaw na lang, ayoko ng bumalik doon. Kita mo wala akong dalang kahit anong gamit dahil kinuha lahat ng mga pinsan ko doon. Buti na lang talaga hindi nila kinuha ang wallet ko at cellphone."
"Hayaan mo na ang mga pinsan mo. Sa susunod papadalhan ko sila ng mga gamit at damit."
"Basta ayoko na talagang pumunta doon Dad. Ikaw na lang pumunta doon kong gusto mo. By the way na saan pala si Mommy?"
"My shooting na ginawa ang Mama mo. Anak kong magaartista ka na lang kaya. Sayang naman ang itchura mo na pinamana namin ng Mama mo."
"Dad alam mo naman wala akong talent sa pagaacting. Mas makakabuti pang magaral na lang ako at makapag tapus ng college. Maghahanap na lang ako ng magandang trabaho pagkatapus."
"Ikaw bahala. Sige na umakyat kana sa kwarto mo at magpahinga. Bumaba ka na lang kapag gutom kana or tawagin mo lang ako sa kwarto kong kailangan mo ng kausap."
"Okay. Aakyat na ako Dad."
Pagdating ko ng kwarto, sinara ko na ang pinto at naghubad na ako ng damit. Sa wakas makakatulog narin ako ng maayos. Na miss ko rin tong malambot kong kama, kasi nong nasa probinsya pa ako sa banig ako natutulog tapus ang sakit sakit pa sa likod.
Ipikit ko na ang mga mata ko at na gulat ako ng bigla lumitaw ang itchura ng babae sa isip ko. Napahawak lang ako sa ulo ko.
"Kong sino kaman, aasahan kong tadhana na ang gagawa ng paraan para pagtagpu'in ulit tayo."
---
BINABASA MO ANG
The Way I love You - COMPLETE
RomanceYou make me smile in a special kind of way. I love you without knowing how, or when, or from where. l just love you.