PROLOGUE
"How did you know?" kumunot ang noo ni Rhian dahil sa aking tanong. "How did you know that it was Kersten?"
Nandito sila ng kanyang asawa at anak para kamustahin si Reign. She looks like her brother, mas maamo lamang ang kanyang mukha kaysa kay Robe. Napakaganda niya kahit pa walang koloreteng nakalagay sa kanyang mukha, dinapuan ako ng hiya dahil sa aking itsura.
"He's different. The feeling is really different." ngumiti siya sa akin bago siya sumulyap kay Kersten na siyang nakikipaglaro sa mga bata. "I know it was him because I'll always choose him than the better ones, and if he's not in my choice he'll be there and try his luck. I did know that it was Kersten, because wherever I place him in my list that would be enough for him. If I give him a little part of me, that would be more than enough for him."
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at kinuha ang aking mga kamay. Mapait akong ngumiti sa kanya. She reflects Robe, even her eyes, and it hurts. It fucking hurts, dahil hindi man lang ako natingnan ng ganito katagal ni Robe diretyo sa aking mga mata.
"I know you are hurt, but please don't give up to Kuya Robe, Ate Ezra."
She's lucky, you know. Having the love of her life in the young age makes her so fucking lucky.
"Thank you for taking care of my brother."
I prayed that someday maybe Robe will look at me like how Kersten look at Rhian. Yung tagos sa puso, pero wala kang mararamdamang sakit. Yung tipong makakalimutan mo ang mga kapintasan mo sa sarili mo. Yung puno ng pagmamahal.
"Nagluto ako ng paborito mo, Robe." tinulungan ko siya sa pag-aalis ng kanyang necktie. "Nagpaturo ako kay Manang kanina, gustong gusto rin kasi ni Reign ang ginataang hipon."
"I'm full." itinikom ko ang aking mga labi ng alisin niya ang aking kamay sa kanyang dibdib. "I'm tired."
Tumalikod siya sa akin at naghubad siya ng kanyang mga damit. Iniiwas ko ang aking tingin, hindi dahil hindi ako sanay na makita ang kanyang katawan, kundi dahil sa pangalan na nakasulat sa likurang bahagi ng balikat niya.
I sighed silently. Hindi ko na inintay na tingnan niya ako o magbago ang isip niya na sabayan akong kumain ngayon gabi, dahil hindi niya gagawin.
Hindi masarap ang aking pagkakaluto sa hipon, pero nagawan ng paraan ni Manang kanina. Kaya sa tingin ko, magugustuhan ito ni Robe kung titikman niya.
"I'll eat." nagtigilan ako sa paglilipat ng ginataang hipon sa tupperware. Ilalagay ko na lang sana sa fridge para maiinit at makain pa bukas. "Titikman ko ang niluto mo."
I nodded, and secretly smile for his sudden change of mind. Binilisan ko ang aking kilos para maipaghanda agad siya ng pagkain.
"Gusto sana ni Reign na intayin ka, alam kong gagabihin ka ng uwi kaya pinilit kong kumain muna bago makatulog." paliwanag ko sa kanya habang nilalagyan ng kanin ang kanyang plato. "I didn't call you, I don't want to disturb you."
"I'm sorry I was in the meeting with Tita Amber and Kersten." bahagya siyang ngumiti at nagsimulang magbalat ng mga hipon. "This smells and looks good."
Hindi ko na napigilan pa ang aking mga ngiti habang pinapanuod siyang kumain. His nods showed how he's enjoying the creamed shrimp, the same as how Reign was delighted earlier.
Sinikap ko na pag-aralan at makuha ang sikreto kung paano ko mapapasarap ang ginataang hipon dahil sa naging reaksyon ni Robe sa unang pagkakataon na niluto ko ito. Lagi naman siyang wala sa bahay mag-hapon kaya hindi niya malalaman kung paano ko pinag-aaralan ang maluto ng maayos at masarap ang paborito nilang pagkain ng anak namin.
BINABASA MO ANG
Pleasure and Pain (Chase Series #1-ONGOING)
General FictionBeing selfless means you deserve everything, and that would be the pleasure in every pain.