Chapter 12

3K 145 12
                                    

NILAMON SI Sanria ng tinutugtog na piyesa sa piano nang mga sandaling iyon. Remember ang title niyon na original na kinanta ng Dear Cloud na sobrang naging last song syndrome niya nitong nakaraan nang marinig niya na pinatutugtog ng kawaksi nila. Parang ginawa ang kantang iyon para sa nararanasan niya ngayon. Malungkot nga lang iyon na kanta.

Sa sobrang engross niya sa tinutugtog sa grand piano ng mga Samaniego na nasa tabi ng grand staircase ay hindi niya namalayan ang paglapit ni Gray sa kinaroroonan niya.

Napapikit pa siya nang matapos niya ang tinutugtog na piyesa. Napamulat lang siya nang marinig ang pagpalakpak.

"Kanina pa nananayo ang balahibo ko sa tinutugtog mo," ani Gray na hinimas-himas pa ang braso nito. "Ang lungkot lang ng piyesa."

Kimi niyang nginitian si Gray nang balingan niya ito ng tingin. Tinanghali na ito ng gising. As usual. Nakaligo na rin ito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito.

"Nag-almusal ka na?" sa halip ay tanong niya. Tumayo na siya at bahagyang inayos ang likuran nang suot niyang palda.

"Hindi pa. Ikaw?"

"Tapos na ako kanina pa. Mag-almusal ka na dahil malilipasan ka ng gutom." Tinalikuran na niya si Gray at hinayon ang papunta sa may lanai. Naroon si Blue, abala sa paglalaro ng online game sa cellphone nito. Tinabihan niya ito.

"Ate Sanria, gusto mong sumali?" alok pa ni Blue sa kanya.

Umiling siya. "Wala ako sa mood maglaro. At saka nasa kuwarto 'yong cellphone ko."

"Okay," anito na muling itinuon ang tingin sa cellphone nito.

Mayamaya ay naupo sa katabi niyang upuan si Gray. May dala itong tasa na tiyak na kape ang laman.

"Bakit 'yan lang ang inaalmusal mo?"

Nagkibit ito ng balikat. "Mamaya rin naman ay kakain na rin ng tanghalian."

Naiiling na tumayo siya at hinayon ang kusina. Doon ay ipinanggawa niya ng ham sandwich si Gray. Mabilis din niya iyong dinala sa lanai. Ipinatong niya sa may hita nito ang plato na pinaglagyan niya ng ham sandwich.

"Kumain ka niyan."

Napatingin si Gray sa sandwich bago sa mukha niya. "Nag-abala ka pa."

Napapalatak si Blue. "Kuya, kung ayaw mo niyan ay ako na lang ang kakain."

"Wala naman akong sinabing ayaw ko nito." Nginitian siya nito. "Thank you."

Nginitian lang niya ito bago muling naupo sa tabi ni Blue. Sixteen na ito at katulad ng kuya nito ay hindi rin papatalo sa looks. Matangkad din ito. Pero mas matangkad si Gray.

Napatingin siya kay Gray na halos nangalahati na ang kinakaing sandwich. Nasa kinakain ang atensiyon nito kaya malaya niya itong napagmasdan. Nag-iwas lang siya ng tingin nang mapatingin ito sa kanya.

Geez! Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso niya? Nahuli lang naman siya nito na nakatingin dito. Lihim siyang napalunok. Huminga siya ng malalim at sinaway ang nararamdamang iyon. Sobrang weird na maramdaman niya iyon kay Gray.

"Señorito Gray, may bisita po kayo."

Napatingin siya sa kawaksi na lumapit kay Gray pagkuwan ay sa babaeng kasunod nito. Ubod tamis ang naka-plaster na ngiti sa labi ni Alonica na kumaway pa kay Gray.

"Hi, Gray." Unti-unti lang nabura ang ngiting iyon ni Alonica nang makita siya. "Narito ka pala, Sanria."

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Sanria ang himig pagkadisgusto sa boses ni Alonica. At ano naman ang ginagawa ng babaeng ito rito?

"Dito natulog si Ate Sanria," imporma ni Blue. "At hanggang bukas siya ng hapon dito sa bahay namin."

"Ah," sabi na lang ni Alonica bago naupo sa tabi ni Gray. "Kumusta ka na Gray?" malambing pa nitong tanong sa binata. Twenty na si Alonica. Dalagang-dalaga na rin kung mag-ayos at kumilos. Naka-full makeup rin ito bagay na napakadalang gawin ni Sanria. Nakasuot din ito ng dress na naglalantad sa mga maputi nitong binti.

"Okay lang," tipid na wika ni Gray. "Napadalaw ka," anito mayamaya.

Nag-iwas na siya ng tingin. At parang nananadya pa ang isip niya na pinaalala iyong pag-uusap nila ni Gray noong birthday nito...

"Wala naman akong nakikitang dahilan para hindi siya pansinin. She's kinda pretty too."

Sa isip ay napairap siya sa alalahaning iyon. At siguradong sasamantalahin ng Alonica na ito ang sitwasyon na mabait dito si Gray. Fine, enjoy. Naisip din niya ang babaeng nagugustuhan ni Gray. Napatingin na naman siya kay Alonica. Nakaramdam siya ng ibayong inis lalo na nang tipid itong ngitian ni Gray.

Tumayo na siya at hinayon ang papasok sa loob ng mansiyon. Naiirita lang siya sa nakikita. Maiitsapuwera lang siya kung mananatili pa siya roon.


☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Author Notes: You can play the music po para malaman ninyo kung ano yong tinugtog ni Sanria sa piano 😊



A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon