——————————————
CHAPTER 9ALDI'S POV
Nandito ako sa kama ko ngayon nakahiga habang nag-i-InstaBook. Wala kasi akong magawa dahil tapos nadin naman ang klase ko doon sa Thinkers kaya scroll-scroll lang ang ginawa ko sa newsfeed.
Habang nagso-scroll ako ay nahinto ako sa post ni Ricardo. Picture naming dalawa kahapon no'ng nasa Gold Plate kami na may caption na,
"Katas ng aming sweldo"
Tange! naka-nganga ako sa picture ang ibang litrato ay subo-subo ko pa ang kinain namin. Hindi man lang nag sabing kumuha pala siya ng litrato. Sana man lang ay naka-pose ako ng maganda.
Tiningnan ko ang comment section. Halos lahat ay papuri galing sa mga kakilala rin namin, dahil daw natikman na namin ang bunga ng aming paghihirap. May iba namang natawa dahil sa mukha ko.
Grrrr! Humanda ka Ric!
Aldi Saavedra
Hoy! Baklang hukluban! Ba't hindi mo sinabi sa'kin na kumuha ka pala ng picture kasama ako? Did you know that you are violating the Anti-Selfie bill which states that taking pictures to someone without any consent or permission
is a crime?Ricardo Ihian
Ako talaga ang hinahamon
mo Aldi? That bill fails to click in House. Did you know too that you are breaching the Republic Act 10627 or the Anti-bullying Act because of calling me a baklang hukluban? Don't me Aldi. Suma ako, suma.Aldi Saavedra
Sumakabilang buhay nadimunyu ka!Hays. Mukhang talo nga yata ako. Hindi ba talaga 'yun pumasa sa house ang Anti-Selfie Bill? Nakalimutan ko yatang matalino ang kinalaban ko. Tange ka Ric!
Bumalik ako sa pag-scroll sa newsfeed ko at bumungad sa'kin ang mga litrato no'ng nasa Baguio kami. Kasamahan namin sa Mission Trip ang nag-post no'n and she tagged Gab and I on her post. Tiningnan ko ang bawat picture namin.
As usual, mga candid pose lahat. Bakit ba ang hilig nila sa mga spontaneous pose? Mabuti nalang at presentable ang mukha ko dahil nakangiti ako dito sa litratong 'to. Ito 'yung time na nagbigay kami ng mga grocery items syemre kasama ko sa larawan si Gab.
Napa-ngiti ako habang pinagmamasdan ang kanyang matikas na katawan.
Natigil ako sa pagtingin sa larawan ng may nag pop-up sa screen ng cellphone ko. Isang friend request.
Cree S******** sent a friend request.
I immediately click the confirm button without looking the surname and the profile picture of the person. Para narin madagdagan ang mga friends ko dito sa InstaBook. Ilang sandali ay naka-tanggap ako ng message from that person.
Cree Santillan
Hi Cutiepie! :)Tinawag pa talaga ako ng Cutiepie. Wait! Someone also called me Cutiepie yesterday. Tiningnan ko agad ang profile picture ng nagsend sa'kin ng message. What the F!
Siya 'yung lalaki kahapon sa Gold Plate.
Aldi Saavedra
Where did you get my
InstaBook Name? 'Diba
you're the guy at Gold Plate?
Are you stalking me?
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
General FictionMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...