CHAPTER 6

24 18 3
                                    

Diego's POV:

Mula nang nangyari kay papa wala akong ibang pinagsabihan kahit si mama. Ayaw ko siyang mag-alala kaya minabuti ko na lamang na sarilinin ang mga nalaman ko.

Nalaman ko rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakulong ng araw na iyon. At tama ang hinala kung magkasabwatan sina Victor Zamora na ama ni Brie at Badong na nagpasimula nang away na nauwi sa rambulan. Nang dahil sa pagiging gahaman ng ama ni Brie sa pwesto ipinatumba niya kay Badong ang papa ko. Hindi ko siya mapapatawad sa nagawa nila.

Tok... Tok... Tok...

"Nak, halika nandito si Gabby! Dalian mo!" Saad sakin ni mama dahilan upang mabalik sa realidad ang isip ko. Nang marinig ko ang pangalang Gabby. Isa lang ang naiisip ko. Ang kaibigan ko.

Si Gabby ang childhood sweetheart ko. Ang tunay niyang pangalan ay Luna Gabrielle Pun pero ako lang ang tumatawag sa kaniya ng Gabby, karamihang nakakakilala sakaniya ay tinatawag siyang Luna kaya Gabby naman ang naisip kong tawag sa kaniya. Sa manila niya na narin tinuloy ang pag-aaral niya dahil doon lang ang kursong kinukuha niya. Himala na lamang na nakauwi sila dito sa Bicol.

'Pero shh, lang kayo kasi crush ko siya noon pa man. Hehehe' natawa nalang ako sa isip ko habang nag-aayos nang sarili kahit na wala naman dapat akong ayusin pa.

Naabutan ko sina mama at Gabby sa sala na nag-uusap. Nakakatuwa silang tignan dahil para silang mag-ina.

"Nak, sige iwan ko muna kayo nitong ka-i-bi-gan mo. Sige Luna. Nak, ingatan mo yan" paalala pa ni mama para mapailing nalang ako sa pang-aasar na naman niya samin ni Gabby.

"Oh Gabby, napadaan ka? Kailan ka pa nakauwi?" Nakangiti ko sa kaniyang tanong. Na ginantihan niya rin ng nakakasilaw na ngiti, dahil sa mga ngiti niyang iyan ako nagkagusto sa kaniya.

"Ah kagabi lang. Medyo kulang pa nga ko sa tulog pero ayos pa naman. Gusto ko sanang magpasama sayo, Dieg! Kung ayos lang sana." Nahihiya niyang saad sakin upang mapangiti pa lalo ako sa mga kinikilos niya.

"Ah, ayos naman. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Ahm, punta tayong centro sa pamilihan, gusto ko sanang bumili nang mga gagamitin ko. Medyo marami-rami na rin kasi ang nagbago sa lugar natin. Pero kung ayaw mo, ayos lang naman sakin?" Nakatungo niyang saad at akma na sanang aalis nang pigilan ko ang braso niya.

"Gabby, ayos lang sakin. Tara na! Ma, alis na kami. Punta lang kaming centro sa talipapa nitong baranggay natin. Sasamahan ko si Gabby. " Sigaw ko habang hinahatak ko na si Gabby palabas nang bahay namin.

"Sige anak, ingat kayo!" Rinig ko pang  ni mama nang tuluyan na kaming makaalis sa bahay.

Pumara kami ng jeep at sumakay. Nang makapunta na kami sa centro ng pamilihan (mini-mall na may pagka-market ang style) sa baranggay namin. Ako na ang kumuha ng cart siya naman ang kumukuha ng mga gamit.

Sa dami nang nabili niya, inabot kami   ng 5 oras. Ganun siya katagal mamili, napakametikulosa pero ayos lang yan, gusto ko eh. 5 eco bag ang dala namin. 4 sakin magkabilaan na dala at isa sa kaniya. Aba, dapat lang hindi siya pwedeng magdala ng marami.

' Anak lang dapat namin ang marami. Hehehe' biro ng isipan dahilan upang mapailing nalang ako ng nakangiti. Mukhang napansin niya naman kaya kinausap niya ako.

"Dieg, what's wrong?" Tanong niya

"Ah wala naman. Napa-isip lang ako. Bakit ka nga pala umuwi? Diba dalawang taon ka pa dapat uuwi, sabi ng magulang mo? Ba't naman ata napa-aga?" Sunod-sunod kong tanong upang tingnan niya lang ako ng nakakunot ang noo.

" Why? Hindi mo ba ako gustong narito?" Nag-aalangan niyang tanong upang daluhan ko siya at iangat ang baba niya dahil sa pagkakayuko.

"Hindi sa ganon, Gabby! Kasi nung nakaraang linggo pumunta ako sainyo kasi mayroon lang pinahatid si mama sa magulang mo. Tapos naitanong ko kung kailan ka makakauwi at yun nga dalawang taon pa raw. " Sagot ko naman sa kaniya dahilan upang masilayan ko na naman ang nakakahumaling niyang ngiti kaya napangiti na rin ako.

"By the way, do you want to eat? Gutom na rin kasi ako eh" Tanong niya.

"Ah sige, may alam akong sikat na kainan dito. Bagong tayung kainan. Sigurado akong magugustuhan mo dun. Halika na! " Panggagayak ko pa sa kaniya at humawak naman siya sa braso ko bago kami magsimula muling maglakad papunta sa kainang alam ko.


Nakarating kami sa kainang alam ko nang nahahapo na. Masyadong mabigat ang dalawang eco bag na mayroong pinamili pero dahil kasama ko si Gabby ay hindi ko pinapahalata sa kaniya. Dagdag points rin yun sa lalaking katulad ko. Kaya ngingigitian ko siya kapag alam kung napapagod na rin siyang maglakad.

Masyado kasing malayo ang kainan sa ibang kainan kaya kahit na malayo ay patok naman sa masa kaya tiyaga rin ang kailangan para makapunta roon.

Habang naghihintay kami ng order ay nagkwentuhan muna kami ni Gabby.

"So, this is the new food restaurant. It's nice. I like it" masigla niyang sabi sakin kaya napangiti rin ako sa naging akto niya.

"Hahaha, mabuti naman at nagustuhan mo. Nabalitaan ko lang rin nga itong kainan na ito. Masasarap daw ang mga pagkain kaya naisipan kung ipunta ka rito kapag umuwi ka na at heto nga" nakangiti kong saad sakaniya.

" Ayie, kaya naman gusto kita eh" kinukurot niya ang pisngi ko habang sinasabi niya ang mga katagang iyan. Pinamulahan naman ako ng mukha kaya iniwas ko ang mukha sa kaniya dahil ayaw kung makita niya kung paano ako kiligin sa mga sinabi niya.
Alam kung masama ang mag-assume kaso wala eh, malakas siya sa akin.

Habang nililibot ko ang paningin sa loob ng kainan ay nakita ko na rin ang waiter na dala ang pagkain namin dahil sa numerong kaparehas ng nasa standy sa mesa namin. Ngunit hindi ko inaasahang makita ang taong iniiwasan ko na mukhang mayroong pang kasamang lalaki. Nang magtagal ang tingin ko sa kanila ay nakita kong napalingon sa gawi ko ito. Gulat rin sa una katulad ko nang magkita kami ngunit napalitan iyun ng seryosong tingin ng tumingin ito sa babaeng kasama ko bago ulit ibalik ang tingin sakin at umiling na umalis sa loob ng kainan na iyun.

Dug... Dug... Dug...

Ganun nalang ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tingnan niya ako ng ganun. Gusto kong magpaliwanag pero bakit?


Bakit...             Brie?







_______________________________________________

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon