"Aalis ka na," ani Alexander sa akin habang kinukuha yung mga papel na nasa drawer ko.
"Puwede ka namang pumunta sa Saint Martin's, welcome ka roon," aniko sa kaniya habang nilalagay sa file box organizer ang iilang gamit na dinala ko rito sa Foster Holdings.
Sumingit si Emily sa pag-uusap namin. "Bisita ka rito, ma'am. Mamimiss ka namin," aniya sa akin.
Nginitian ko si Emily habang patuloy pa ring naga-ayos sa lamesa ko. "Pupuntahan ko kayo kapag pupuntahan ko si Trevor." Kinindatan ko pa siya.
"Wala na akong kadaldalan dito," ani Alexander sa tonong nalulungkot.
Napatingin kami sa kaniya at saka ngumuso.
Inilingan ko siya. "Tigilan mo nga. Para namang nagtrabaho ka rito para lang makipagdaldalan."
"Parang ganoon na nga."
"Bantayan mo si Trevor, ha," pagbibiro ko kay Alexander.
Tinanguan niya ako at minatahan. "Susumbong kita kay sir."
Tinawanan ko siya at sinabing, "Para kang baliw. Biro-biro lang," aniko sa kaniya. Baka mamaya seryosohin ng isang ito ang sinabi ko, magalit na naman si Trevor.
Lumapit siya sa akin habang yakap-yakap ang mga papel. "Pero seryoso, sige, sasabihan kita," bulong niya sa akin bago siya naglakad palabas sa opisina.
Maghahapon na pero si Trevor hindi ko pa nakikitang pumasok sa opisina. Hindi ko alam kung pumasok ba siya at hindi lang kami nagkasalisihan o hindi talaga siya pumasok?
"Teka lang, tawagan ko lang si Trevor," aniko sa kaniya at lumayo nang kaunti.
Naka-ilang ring naman na ako pero wala pa rin. Hindi pa rin siya sumasagot.
8 missed calls
Ano ba nangyayari kay Trevor? Parang ewan naman 'yong lalaki na 'yon. May ginawa lang kami kagabi tapos ganito na siya?
"Pwede makisuyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Tinanguan nila ako at tinanong kung ano raw. "Pakitawagan naman si Trevor, sa personal number niya. Ayaw kasing sumagot sa akin, eh."
Kinuha ni Emily ang phone niya sa kaniyang bulsa at nagtipa na. Ilang saglit lang ay umiling din si Emily. Mukhang hindi sumagot si Trevor.
Naglabas ako ng hangin. My god. Asan ang isang iyon at hindi ako ma-reply-an?
"Hindi kaya may ginagawa?" Tanong ni Emily. May punto naman siya pero hindi ko kasi mapigilang maparanoid.
Nagkibit-balikat ako. "May possibility pero anong oras na. 4 na ng hapon. Magdi-dinner pa kami mamaya, paano kung hindi 'yon sumipot?" Pago-over think ko.
Impit na natawa si Alexander sa gilid. "Nako po! Diyan nadadale ang relasyon." May paturo-turo pa siyang nalalaman.
Inirapan ko na lang siya at sinabing, "Napakasama mo, anong feeling mo? Katulad mo si Trevor? Hoy, Alexander, ikaw lang ang manloloko rito!"
Natawa si Emily sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang balikat ko na para bang pinapakalma ako.
"Wala akong sinabi, Ysa. Ikaw ang nag-iisip ng ganiyan. Malay mo naman kasi--"
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...