Si Ramon At Si Roman
"Tora.. Sana mapatawad mo ako" mahinang sinabi sakin ni Nathaniel at hindi ko alam kung ano isasagot ko. Pero bago pa man ako magsalita ay lumapit siya at niyakap ako."Hindi ko din alam kung ano pumasok sa isipan ko at nasabi ang mga iyon sayo.. humihingi ako ng pasensya" tinignan ko siya sa mga mata niya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Naiintindihan kita, huwag mo na isipin yun.. Tapos na yun, tsaka kinailangan ko lang talaga umalis para kay-" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Nathaniel."Kahit para kanino pa man ay wala akong karapatan sabihin sayo ang dapat at hindi ko dapat gawin. Sorry, hindi ko na uulitin" at niyakap niya muli ako.
Hindi ko siya matiis dahil hindi ko alam kung paano din naman ako magpapaliwanag. Kaya ikinuwento ko ang totoo sa kanya, na nahihirapan si Arolf sa bagong mag-aalaga sa kanya at lalo na si Fabricio.
Humingi lang ng tulong sakin yung tao dahil nag-aalala siya sa pamangkin niya, at mukhang naiintindihan na ako ni Nathaniel. Pinaliwanag ko na din sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko agad sinabi sa kanya na Tito ni Arolf si Fabricio, dahil tama nga yung pakiramdam ko.
Hindi lang maganda yung iisipin ni Nathaniel kaya ko nagawa yun, pero kasalanan ko naman kasi hindi ko siya pinagkatiwalaan.
Tinanong niya ako kung bakit hindi na ako pumapasok sa trabaho, pati daw si Fabricio.. Nagagalit na si Boss namin at baka matanggal na ako, pero hindi na iyon ang concern ko kaya iniba ko nalang ang usapan.
Nabanggit ko na din sa kanya na mamaya ay pupunta si Fabricio at kasama si Arolf, kaya sana hindi siya magalit. Ayos na daw kay Nathaniel ang lahat, natutuwa naman ako kasi mabilis nagbago ang isip niya..
Pagkalipas ng isang oras ay dumating na nga sila sakay ng Kotse, at sakto naman kasi dumaan din sa bahay ko si Lola Nonecita.. may dalang pansit. Nang lumabas sila ng kotse ay si Fabricio agad ang nakita ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ngayon na alam ko na iisa ang mukha ni Fabio kay Haring Ramon ay hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Muli bang ipinanganak ang Hari?
At si Fabio na ba siya?
Agad namang bumaba din ng kotse si Arolf at tumakbo papalapit sakin. Nagyakapan kami na para bang ang tagal namin hindi nakita ang isa't-isa.. Nakakamiss talaga siya.
Kaya ipinakilala ko kay Lola Nonecita at Nathaniel si Arolf. "Napakaganda mo namang bata" pinuri ni Lola si Arolf kaya nagpasalamat siya at nagmano kay Lola.. Habang nakita ko naman na nakatitig lang si Nathaniel kay Arolf at hindi nagsasalita.
"Ate Tora, sino po siya?" tanong sakin ni Arolf kaya ipinakilala ko siya kay Nathaniel at nakipagkamay naman siya. "Ako nga pala si Kuya Nathan mo, ako ang-- masaya akong makilala ka. Ikaw siguro ang pinaka cute na alaga ni Toradel ano? Sa wakas at nagkakilala na tayo. Alam ko na yung nangyari sa mga magulang mo, at pasensya na ha.." sa mga sinabi ni Nathan ay biglang nalungkot ang mukha ni Arolf kaya niyaya ko nalang silang lahat na pumasok sa loob.
Pinakain ko sa kanya ang pansit na dala ni Lola at tinanong ko si Lola Nonecita kung bakit siya napadaan. "Gusto ko lang sana magpaalam muna.. Kasi pinapasundo na ako ng anak ko. Umuwi na kasi sila dito sa Pilipinas noong bagong taon, pero nakapag-isip isip silang pamilya na manirahan nalang dito.. at gusto nila na tumira ako sa bahay nila. Wala kasi akong kasama at namumuhay lang mag-isa" kahit nalungkot ako sa mga sinabi ni Lola ay naiintindihan ko siya.
"Mamimiss po namin kayo Lola.. pero paano po kayo pupunta doon? Ba-byahe din kayo mag-isa? Gusto niyo po samahan ko kayo?" tanong ko. "Naku hindi na hija, mamaya lang ay dadaanan ako ng kaibigan ng apo ko. Malapit din kasi nakatira dito at siya na nagpumilit na magsundo sakin, Si Gilbert yun. Yung naghatid din sakin.." sagot naman ni Lola.
BINABASA MO ANG
Gasuklay
Fantasía"Kung may pagkakataon ka na baguhin ang buhay mo, muli mo bang isusulat ang kapalaran mo?" Kilalanin si Toradel. Siya ang nag mamay-ari ng libro na 'Gasuklay' ang pamagat. At nang binasa niya ito ay kaniyang napagtanto na kuwento ito ng kaniyang buh...