5

16 10 7
                                    


Nang bumalik ako sa realidad ay napaiwas ako ng tingin. Luminga linga ako ako sa paligid at tiningnan kung may tao. Well mukhang kaya sya dito natulog ay dahil tahimik.

'Tahimik, sya na sya'

Napatitig uli ako sa kanya, nung umulan ata ng kagwapuhan sinalo nya lahat, unfair.

Ganun na lang ang gulat ko nang biglang magring ng sobrang lakas ang cellphone ko. Dahil sa gulat hindi ko naalis ang tingin ko sa kanya. Unti unti syang nagmulat ng mata.

'Tao pa ba toh?'  Sinampal ko ang sarili ko sa imagination. Gumising ka nga Alice.

Wala syang emosyon na nakatingin sa akin. Ako naman sigurado akong sobrang laki na nang mata ko. Samantalang yung animal kong cellphone tunog pa rin ng tunog.

Sa sobrang hiya ko tumakbo ako papunta sa may pader, medyo malayo yun pero kita ko pa din naman si Felix. Mahirap na baka makatakas.

Sinagot ko ang tawag nang makitang si Kit ang natawag. Pinsan ko sya, anak nina tita Ysa sila yung kumopkop sakin noong mamatay si mama at papa. Grade twelve na sya at pasaway.

"Kit? Bakit ka napatawag?" Inis kong tanong. Nahuli tuloy akong nakatingin.

"Hoy Alicia pinapapunta ka ni mama dito, dito ka na daw magdinner" bored nyang sagot. Sigurado akong nautusan ito, tono pa lang eh.

"Ah sige sige. Pagkalabas ko dyan ako dideretso" nakita kong nagliligpit na nang gamit si Felix kaya naman naalarma ako. Pag yan nawala san ko hahanapin. Diba? Hassle.

"Sigeeee ingat ka Alicia" ibaba nya na sana nang may napansin ako. Ito talagang tsokolate na ito hindi marunong gumalang.

"Wait, wait" pigil ko dito "hayst ano pa?" Inis nitong tanong. Aba mas matanda kaya ako kaya dapat may ate eh nasan na? Natangay ng hangin?

"Nasaan na ang ate? Mas matanda ako" sermon ko dito. Saktong tumayo si Felix para umalis nagpanic agad ako. Bakit ba hindi ito matino sa isang lugar?? Pahirap naman ang nyebeng ito.

"Ano?! Ayaw ko nga h-" hindi ko na ito pinatapos sa pagsagot at agad nang nagpaalam para ibaba ang tawag. Mas mahalaga ang nyebe na ito.

"Sige na mamaya na tayo magusap" at binaba ko na. Malapit na sya sa may labasan kaya naman tinawid ko ang pagitan namin. Uuwi na ito panigurado.

Nang mahabol ko sya ay hinablot ko ang damit nya sa likod para mapatigil sya sa paglalakad. "Wait, Felix"

Napatigil naman sya sa paglakad at hindi ako nilingon. Ano pa ba? Edi ako mag-aadjust. Pumunta ako sa harapan nya para sabihin ang tungkol sa interview.

"Hi I'm Alicia Perez, I'm from our univ-"
Naputol ang sasabihin ko nang pinanliitan nya ako ng mata. Malamig talaga, bwiset.

"Bitaw" sabi niya habang nakatingin sa kamay ko na nakahawak pa din sa braso niya. Ay sorry, Alice talaga! Magsasalita na sana ako nang inunahan nya ako.

"What do you want" na-starstruck ako kaya naman hindi agad ako nakapag salita. Sinapian lang ako ng reyalidad nang magdiretso siyang naglakad. Ay gaga Alicia!

"Oy wait" habol ko dito nang, maabutan ko ito ay tumalikod ako sa kanya at patalikod na lumakad. For the task.

Hindi nya pa rin ako nililingon kaya naman nagsimula na akong magexplain. "Kasi diba every month may newspaper issue ang school at every month din may twist"

Napatigil sya sa paglakad kaya tumigil din ako. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa parking lot at nasa harap ng itim na kotse na halata kong sa kanya.

"Nandito ako para ma-interview ka kasi this month's twist is you" I said then smile. Napatigil naman sya sa paglalagay ng gamit nya sa kotse dahil sa sinabi ko.

Bored nya akong tiningnan. "No" maikli nyang sabi. One word pero para akong sinindihan na posporo. Teka bakit ba ayaw niya?! Masyadong pa special. Argghh.

"Teka bakit naman? Kaunti lang naman ang itatanong ko at mga basic info lang naman ito" paliwanag ko para naman mapapayag ko siya.

Muli ako nitong tiningnan at nagyon inis na tingin naman ang binigay nya sa akin. "I don't care and I don't want, no" at iikot na sana sa drivers seat.

Inunahan ko ito at iniharang ang sarili para hindi nya mabuksan ang pinto. Mas mahirap pa ata ito kesa sa pagkain ng gulay. Lord help me tame this snow prince.

"Ahhh basta simula bukas magsisimula na ang interview okey? Again I'm Alicia Perez and you can call me Alice" nginitian ko ito at iniabot ang kamay para sa shake hands pero tiningnan nya lamang iyon kaya naman ibinaba ko na.

Napaiiling na lang siya dahil sa akin. "uhuh, move" walang gana nitong sabi. At sinunod ko naman sya at umalis sa harap ng pinto.

'Hindi man lang nagpakilala at nagkipag shake hands, how arrogant, tsk!'

Nang makapasok ito sa kotse ay mabilis nitong pinaandar ang sasakyan at iniwan akong nakatingin na lamang at napapailing.

"This is worst than I thought" nasabi ko na lang sa sarili ko at napabuntong hininga. Kailangan ko nang mag ipon ng mahabang pasensya.

Maga-alasais na nang makarating ako sa bahay nina Tita Ysa. Maganda ito at elegante. May kaya sila dahil seaman si tito Karl.

Humiwalay ako sa kanila dahil gusto kong maging indepedent pero paminsan minsan ay nadalaw ako sa kanila. Malaki ang utang na loob ko sa kanila at napamahal na din ako sa pamilya nila.

Nagdoorbell ako, nagbukas ang gate at bumungad sa akin si Kit na nakapang bahay at mukhang inaantok. Nagulat sya nang bigla ko syang piningot.

"Aray Alice, anuba masakit" ngiwi nya dahil sa sakit. Nako akaala nya ba nakalimutan ko na yung kanina? Pwes hindi!

"Anong Alice? ATE lagi mo na lang nakakalimutan" at natawa tawa ako dahil sa itsura nito. Lt kung mapipicturan ko ito dahil mukha siyang sakit na sakit.


Natigil ako sa ginagawa nang maparinig ko na ang boses ni tita Ysa. "Oh Alice nandito ka na" binitawan ko si Kit at pumunta kay tita para mayakap ito.

Naghiwalay kami at nginitian ko sya, nginitian nya naman ako pabalik. Napasimangot lang ako nang maparinig ang malakas na boses ni Kit. Eskandaloso.

"Hoy Alice, bakit ka namimingot?" Sabi nito at lumapit sa amin habang hawak ang kaliwa nyang tenga na namu-mula mula na.

Binalingan ko naman si tita Ysa. "Tita oh tingnan mo itong si Kit hindi ako tinatawag na ate" sumbong ko dito.

Binalingan nya ito nang tingin at pinanliitan ng mata. "Kit Reyes, sabi ko diba mag ate ka kay Alicia" sermon nito kay Kit. Kaya mas lalong napasimangot si Tsokolate.

"Ayan nadinig mo Kitkat makinig ka kay tita" nagusok ang tenga nya dahil sa tawag ko sa kanya.

"ANONG KITKAT HA? SAB--" di nya natuloy ang sasabihin ny nang magsalita si tita. Galit na galit talaga ito kapag tinatawag syang ganon, pambabae kasi

"Tama na yang away nyo at kumain na tayo" at pumasok na sya sa loob. Sumunod naman kami at nang mapatingin si Kit sa akin ay dinilaan nya ako at nagtatakbo paloob.

Napailang na lang ako habang nangingiti. Nakakamiss din pala dito. Dumiretso na ako sa kusina at tinulungan si tita sa paghahanda ng dinner.

Snow PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon