Ayra POV.
Kanina pa ako namamangha sa ganda ng lawa,kumikislap ito sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.At ang tubig nito ang kinang kinang.Tuwang tuwa ako lalo na't ngayon palang ako nakakakita ng ganito kagandang lawa.
This is perfect for instagramable photos,sayang ngalang wala na yung phone ko.Di ko narin kase nahanap yun simula noong umalis ako ng mansion.
But,nevermind ang importante ngayon,nae-enjoy ko ang view.Nagtatakbo ako sa gilid nito,at ramdam ko ang malamig na hangin na humahaplos sa balat ko.
Dumagdag pa sa ganda ng paligid,ang nagsisilakihang mga sunflower,sa hindi kalayuan.Tumakbo ako patungo doon,at nilasap ang halimuyak nito.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,ngayon ko lang naranasan ganito kasaya.
Naglalakad patungo sa akin ngayon si Heneral,napansin kong isinuot niya ang kanyang kulay itim na sumbrero.
Hindi parin ako maka-get over kanina,i can't explain my feelings.Susubukan kong hindi mahulog ang loob ko sa kanya,hindi ito ang main purpose ng misyon ko.Oo nga,pag-ibig ang misyon pero siya lamang ang tanging mahuhulog sakin hindi ako!.
"Ito ang Lawa ng Maraviles.Dito nangyari ang unang laban namin sa mga Hapones.Nais kong bumalik rito,upang alalahanin at bigyan ng karangalan ang mga nasawi kong mga kasamahan.."tugon niya,malawak ang kanyang paningin sa buong lawa.Umaalon rin ang kanyang suot na balabal sa tuwing may dumadaan na hangin.
Wait,did you mean libingan ito ng mga patay.
No I can't stay dito,baka kung anong nilalang pa ang meron dito.
"Uh eh...kailan po tayo uuwi Heneral?.."sabi ko sa kanya.
"Sa susunod na araw...."tugon niya.
"Ano!!!"sigaw ko.
Napalingon siya agad sakin,hindi ko kakayanin na mag-stay dito ng dalawang araw.
"Eh saan po tayo matutulog,kakain,
magpapahinga!!Naman Heneral ouh, sana sinabi mo sakin agad para hindi nalang ako sumama sa'yo.Ano!,magsisiksikan tayo sa kalesa?"pagsisigaw ko sa kanya.Napansin ko ang ngiting kumorba sa kanyang labi."Wag kang mag alala may kubo doon.Pinatayo ko iyun,upang may matutuluyan ako sa tuwing pumupunta ako dito."giit niya.
Lumingon ako sa direksyon kung saan siya nakaturo.At nasilayan ko roon ang isang maliit na kubo,maayos pagkakatayo nito at nakaharap ito sa lawa.
Di ko yun napansin kanina.Napahiya ka na naman Ayra.
Muli kong ibalik ang atensyon ko sa kanya.
"Uh eh...hehehehe..Patawad po..Tayo na po Heneral,nagugutom narin po kase po ako e.."sabi ko kanya,bago naglakad patungo sa kubo.
"Nakakahiya talaga.."
Pagkarating ko sa kubo,pumasok ako agad kaso nakasara.Inantay ko nalang siya,para siyang matanda kong maglakad ang bagal bagal.Akala ko ba Heneral siya kaya dapat aktibo siya sa lahat ng bagay.
Ilang sandali ang lumipas ay napagtagumpayan naming makapasok sa loob,halos gawa sa kawayan ang buong kubo.Umaapaw rin ang ganda nito,kahit na medyo luma na.Binuksan niya ang bintana nito,kung saan natatanaw muli rito ang lawak ng lawa.
"Iisa lang ang Kwarto dito kaya..."
"Ako na sa kusina..."agad na sagot ko sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala..."
Bweset di man lang niya ako pinigilan,pinabayaan niya pa akong matulog sa kusina.Di parin siya nagbago,wala paring galang.Pero di ko iisipin na magtatabi kaming matulog,kaya inunahan ko nalang siyang magsalita.
Inilagay ko nalang ang bitbit kong mga gamit sa isang sulok.
Balak kong bumalik sa lawa,kaso kumukulo na ang tiyan ko.Ilang sandali pa ay napansin kong may inihanda siya sa isang maliit na mesa, isang puto bongbong,bibingka,biko na nakabalot sa dahon ng saging at suman.
Mukhang ngayon nalang ako muling makakain ng mga ganitong klaseng pagkain.Di ko na pinalampas kaya agad kong dinampot ang isang maliit na bibingka,at isinubo.
"Alam kong mapapagod ka sa biyahe natin kaya nung dumaan tayo sa isang tindahan kanina di ko na pinalampas na bumili ng mga kakanin."giit niya bago kinuha ang kanyang itim na sombrero at ang kanyang mahabang balabal.
"Siya nga pala Heneral,....ano pong gagawin natin dito."punong puno ang bibig ko habang nagsasalita.
Wala akong magagawa,kanina pa kumakalam ang sikmura ko e.
"Nais kong ibalik ang lakas na matagal kong naiwala,gusto kong mag-ensayo dito, kaya bukas bago sisikat ang araw,tatakbo tayo sa gilid ng lawa."pagpapaliwanag niya.
Siguro ok narin yun,para makapag-exercise narin ako.Ramdam ko kasing tumataba na ako.
Umupo rin siya sa harap ko at dumampot ng isang suman.Habang ako abala sa pagsubo ng pagkain.Diba nakakahiya to,nagmumukha akong gurang nito.Iniiwas ko nalang ang paningin ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may biglang tumigil na pagkain sa lalamunan ko.Bwesit,ngayon pa ako nabilaokan sa harap niya.
"Tu-tubig.....Heneral....tubig ..."di ako halos makapagsalita.
Halos hindi ako makahinga,masyado akong magpadalos-dalos sa pagkain.Hinawakan ko ang dibdib ko habang patuloy ako sa pag ubo ko.
Napansin kong nataranta si Heneral,mabuti nalang ay agad niyang inabot sakin ang isang tumbler na puno ng tubig.Di na ako nag atubiling inumin ito.
Ilang sandali pa ay nakahinga na ako ng maluwag.Pahamak talaga ako minsan,di ka na nagtanda Ayra puro kahihiyan nalang ang inabot mo.
"Maraming salamat po..."sabi ko sa kanya.
Di na talaga mauulit,di na talaga..
.......
"Banig!!..No way!!!..di ko po kayang matulog diyan.."gulat na sabi ko sa kanya.
Isang unan,maliit at manipis na kumot at isang banig.Hindi ko kayang matulog sa ganyang klaseng higaan,di pa ako nakaranas na makatulog ng banig.
"Wala na tayong ibang higaan dito,maliban nalang kung hihiga ka sa damuhan sa labas,malambot iyun..."natatawang tugon niya.
Seryuso ba siya kase ako hindi.
Umupo nalang ako sa gilid nito,at pipilitin na tanggapin ang katotohanan na wala na naman akong choice.
Di na ba talaga magbabago ang isip niya,pababayaan na ba talaga niya ang ganito ka gandang babae na matulog dito sa kusina.Iniwan na niya ako at pumasok sa kanyang kwarto.Wala na akong magagawa nito,kung alam ko lang sanang walang kotson dito,edi sana hindi nalang ako sumama.
May kubo nga kami pero higaan ko banig."Arghhh!!..wahhh..help me Lord..."
Third Person POV.
Malalim na ang gabi,rinig narin ang tinig ng mga ibat ibang kamaksi.Malamig rin ang simoy ng hangin,na mas lalong nagpapalamig sa katawan ni Ayra.Pilit nitong tinatakpan ang kanyang katawan gamit ang isang maliit na kumot na ibinigay sa kanya ng Heneral.
Tulog na ito ngunit nanginginig ito dahil sa paligid.Pinilit nitong humiga sa isang banig kahit na hindi niya gusto ito.
Maingat na naglakad ang Heneral palabas sa kanyang silid,sinilip nito ang natutulog na Ayra.Ilang sandali niya itong tinititigan.Hanggang lumapit siya dito at pilit na binuhat ang katawan ni Ayra,nang mapagtagumpayan niya ito ay dinala niya ito patungo sa kanyang kwarto at maingat na inilapag sa kama nito.Nilagay rin niya ang isang kumot.
At ilang segundo niya itong tinitigan.
"Ipagpapatuloy ko pa ba ang plano ko??.."
.....
Don't forget to vote.Thank you!
BINABASA MO ANG
He's my Historic Guy
Historische Romane(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng signal doon. Kaya't hahamakin niya na maghanap ng signal sa labas papasok sa kagubatan. Hanggang mapagt...