Prologue

101 5 1
                                    

Prologue:

"What!?" Maarteng sigaw ko ng marinig ang sinabi ng principal.

Tanga ba sila ? Pagsasamahin ang babae at Lalaki sa iisang dorm!

"Have a manner,Ms. Villañe. Remember that you enroll here late. So expect that to happen. You should be thankful because we let you study here. Kung hindi lang naki usap ang ama mo di sana wala ka dito" sabi nito dahilan para paikutin ko ang aking mga mata.

'Ito na ang huling paaralang papasukan mo dito sa pilipinas,Cziene. Kung ayaw mong bumalik sa State magtino ka'  agad akong bumuntong hininga ng maalala ang sinabi sa akin ni daddy.

 Ayokong bumalik pa sa State.

"At isa pa, wag kang mag alala dahil magkaiba ang kwarto niyong dalawa. You'll just share the same Comfort room, Kitchen, and dinning room." Pagpapaliwanag niya, tumango na lang ako bilang tugon.

"So are we clear?" Seryosong tanong nito habang nakataas ang isa niyang kilay.

Duh! Di mo bagay gurang!

"Yes! PRINCIPAL" sabi ko habang nakangiti ng peke sa kanya.

Tsk!

"Good. You may go, Ms. Czience Kaye Perez Villañe. Hoping na magtagal ka dito. Btw, Welcome to Crest University" makahulugang sabi niya bago iabot sa akin ang susi ng dorm

Di na ako sumagot at agad lumabas pagkakuha ko ng susing iniaabot nito sa akin kanina.

'Room 203'

Yan ang nakasulat sa pintong nasa harapan ko.

Kasalanan ng Amelita to, eh! Ang lakas mangbully pero pagbinully pabalik magsusumbong naman. Tsk.

'Be patience. Kung ayaw mong makita ang gurang mong step-mom Czie..you should be patience' bulong ko sa aking sarili bago buksan ang pinto.

Madilim na silid ang bumungad pagka pasok ko. Akala ko ba may kasama ako dito? Bakit parang wala namang tao?

Hinanap ko naman kung saan ang switch ng ilaw at hindi ako nabigo. Pagkabukas ko ay hindi ko inaasahan ang nakita ko sa aking paligid.

Ang linis sa loob halatang araw-araw itong nililinisan dahil wala man lang akong nakikitang alikabok.

Akala ko ba lalaki ang kasama ko?  Tsk. Nevermind.

Napatingin ako sa dalawang pintuang nasa taas kaya agad akong nagtungo doon.

'Occupied' yan ang nakasulat sa ikalawang pinto. Kaya naman ung dun sa unang pinto ako pumasok.

Pagkabukas ko ng ilaw. Napakunot ako ng nuo ng makitang ang sikip ng magiging kwarto ko. Seriously? Dito ako matutulog? Di pa ata to nangangalahati sa kwarto ko sa mansion.

'BE PATIENCE!' Bulong ko sa aking sarili bago ko buksan ang cabinet kung saan ko ilalagay ang aking mga gamit.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako para maghanap ng pagkain ng sakto namang lumabas ang taong nasa kabilang kwarto kaya agad nagtama ang mga mata namin pero hindi yun nagtagal dahil naglakad na ito pababa na parang wala siyang nakitang tao sa harapan niya.

DID HE JUST IGNORE ME!?

My Dorm MateWhere stories live. Discover now