Chapter 8

14K 345 11
                                    

~*

Chapter 8

Buti nalang dumating na ang teacher namin dahil kung hindi malamang mas marami pa ang pupunta dito para pagkaguluhan siya. Bakit pa ang dami pa niyang admirer eh ang sungit sungit naman ng isang 'yun. Okay! given na na gwapo siya pero sobra naman ang kasungitan.

 Nag discuss lang ng nag discuss ang teacher namin at dahil hindi naman ako nakikinig ay para bang ang bagal ng oras at nabuhayan lang ako nung bigla siyang nagsalita

"Class dismissed! Basahin niyo ang next topic dahil magbibigay ako ng quiz."

Ano naman bago dun eh lagi naman siyang nagbibigay ng quiz pero ang importante ngayon ay natapos na din ang boring niyang class at makakakain na din ako sa wakas. Tumayo na ako sa upuan ko para ayusin ang gamit ko at nung nakalabas na ang teacher namin ay halos nabunggo na ako ng mga kaklase ko at nag uunahan na makapunta sa kinaroroon ni Mister Sungit. Napasimangot  ako kasi ni isa sa mga bumunggo sakin ay hindi man lang humingi ng tawad..

Nasaan na ang manners!

"Hindi namin alam na kaklase ka pala namin"

"Kami din super unexpected talaga" gusto ko ng dumaan at makalabas sa room na 'to pero ang daming nakaharang at para bang wala na silang balak umalis sa harap ni Sander.

"P-padaan naman" siniksik ko talaga ang sarili ko para lang makalabas sa bulto ng mga babae

"Sammy!" napatingin ako kay Jenny at halatang galit na dahil hindi na na din nagugustuhan ang nangyayari ngayon sa paligid niya. Alam kong mainitin ang ulo niya lalo na sa mga bagay na hindi niya talaga gusto..

"Asan na ba si Ericka bakit hindi ko siya makita sa paligid, don't tell me kasama siya dun sa mga nagkakagulo kay Sander?"

"Aba malay ko Jenny"

Biglang lumapit sakin si Cedrick at ang ikinagulat ko ay nung bigla niya akong inakbayan na parang bang super close na kami dahil sa ginagawa niya

"Sabay na tayong mag lunch Samantha" gusto ko siyang batukan

"Cedrick tanggalin mo yan baka gusto mong mabatukan"

"Naglalambing lang naman ako eh, ang sungit mo talaga parehas kayo ni Sander"

"Wag ka ngang lalapit sakin allergic ako sa mga kutong lupa"

Napalakas ang pagsasalita ko at napansin kong nagsitinginan sila samin pati Sander.

"Bakit napaka papansin mo? wala ka naman sa park bakit kailangan mo pang sumigaw?"

Biglang pumintig ang tenga ko sa narinig ko. Ang kapal naman ata ng isang 'to sila nga yung maingay tapos binabaliktad pa nila ang pangyayari. Masyado silang papansin kay Sander at ito namang si Sander gustong gusto naman na nilalandi ng mga hipon na 'to!

 "Stupid!" narinig kong sabi ni Madeline, medyo napalakas din ang boses niya at dahil dun ay tumahimik ang buong class room at ang talim ng tingin niya sakin, "another toy, sige lang pagbibigyan kita ngayon Cedrick pero tandaan mong sakin kapa din"


"Shut up Madeline"

Halos lahat ng tingin ay napunta kila Cedrick and Madeline. Nakakatakot palang mag away ang dalawang 'to. Napatingin ako kay Sander at sakto namang nakatingin siya sakin at hindi ko mafigure out the meaning ng tingin niya. Buti nalang nagsalita si Jenny kung hindi baka humantong pa ito sa matinding sagutan.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo Madeline nakakarami kana. At saka kung mag aaway kayo pwede bang wag sa harap namin? humanap naman kayo ng mas private na lugar na walang iang makakarinig sa pinag uusapan niyo. Nakakahiya kaya!"

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon