Sharpton POV
Ng matapos kong kausapin si manang ay umakyat na agad ako at pumasok sa apartment ko
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame
Sana pala nagtrabaho nalang ako sobrang boring dito sa apartment..
Ring!!Ring!!Ring!!
Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag ring
Panigurado si lola ito...
"Hello?"sagot ko sa linya
"Sharpton!!buhay ka pa pala??"malakas na sagot nito
Medyo nagulat ako dahil akala ko ang lola ko ito pero hindi pala kung hindi si harnold na basagulero
"syempre sinagot ko nga eh..."sabi ko dito
"wala talagang pinagbago"sabi nito
"Bakit ka napatawag?"tanong ko dito
"gusto sana kitang imbitahan dito"sabi ni harnold
"madami akong ginagawa..."dahilan ko dito
"oh sige....kami ang pupunta diyaan o ikaw ang pupunta dito"sabi ni harnold saakin
Sandaling tumahimik ang linya, napabuntong hininga ako
"oo na pupunta na ako kailan ba?"tanong ko dito
"bukas ng 5:30pm inuman naman tayo nagiging mabait kana eh"sabi nito
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito
"matagal na akong mabait harnold.."sabi ko dito at sabay naman kaming natawa
"buang ka talagang bata ka!!"sabi nito
"sige na bukas pupunta ako diyan promise"sabi ko dito at nag paalam narin siya
Pagkatapos ng usap namin ay sumilip ako sa bintana at hindi ko namalayan na gabi na pala kaya nag timpla ako ng kape at nag istambay sa terrace
"Hayss!!Traffic parin talaga kahit anong oras"sabi ko habang pinagmamasdan ang mga mag kakadikit na kotse na halos hindi na gumalaw
Napangiti nalang ako dahil ang lamig ng hangin ay dumidikit sa balat ko
Pumasok agad ako sa loob at ipinatong ko ang kape ko sa ibabaw ng piano ko
Pinatugtog ko ito at dinama ko ang tugtog
"Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart"tumigil muna ako at huminga ng malalim"Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a science apartNobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start..."tumigil ako sa kanta at tinapos ang pag pipianoMinsan talaga ito ang aking ginagawa kumakanta o hindi kaya ay nag lalaro lang ako ng kung ano ano sa TV ko
Nag luto nalang ulit ako at kumain,pag katapos ko dito ay naligo na ako at natulog
***
"HAAAAAAYSSSS!!!"sigaw ko pag gising at nag stretch muna ako bago tumayo
Binuksa ko ang kurtina ko at kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ko lahat ito
Panibagong araw at walang pinagbago!!...
Kinuha ko ang towel ko at pumasok ng banyo
Pag labas ko ay magtitimpla sana ako ng kape kaso pag bukas ko nito ay wala ng laman kaya ay dali dali ako nag damit at lumabas ng apartment para bumili nito
Pag pasok ko ng elevator ay napaisip ako
Parang may nakalimutan ako...
Agad kong binuksan ang elevator at lumabas pumasok ulit ako ng apartment at kinuha ko ang wallet ko
Medyo sabog talaga ako...
Pumasok ulit ako sa elevator at pinindot ko ang ground floor
Napatingin ako sa cctv ng elevator at parang baliw na kumaway dito
Medyo natawa ako sa ginawa ko at biglang bumukas na ang elevator sa ground floor
Pero nagulat ako kung sino ang nasa harapan ko ngayon
"Kamusta na?"tanong ni tanasia na halatang kakagaling lang sa jogging dahil sa pawis nito
"Okay na ako"sabi ko at ngumiti tumango naman ito
Napalunok ako ng makita ko ang pawis niya na bumabagsak sa leeg niya
Ano ba sharpton ang aga aga!!
Napailing naman ako na kunwari wala akong nakita, hinawakan naman ako sa balikat ni tanasia dahilan ng pagkagulat ko
"pumasok ka ng maaga dahil ayaw kong may nalalate tuwing monday.."sabi nito
Napatango naman ako at nagpaalam na ako sa kanya
Pag labas ko ay nag hanap agad ako ng tindahan dahil tinatamad akong pumunta ng grocery
Ng makakita ako ay lumapit agad ako
"pabili ho may kape ho kayo??"tanong ko agad sa tindera
Agad naman itong napasilip at tumango
"pabili ho dalawang pack"sabi ko dito at agad namang nanlaki ang mata nito
"dalawa pack?!"tanong nito sa gulat at tumango naman ako
"eh iho sigurado kaba diyan?"tanong ng tindera at binigyan ako ng 2 pack ng kape
"mag kano ho lahat??"tanong ko dito
"75 pesos isang pack kaya 150 lahat"sabi nito
Binigyan ko ito ng 500 at mas nagulat naman ito
"nako wala pa akong barya iho.."sabi nito, napangiti naman ako
"hindi na ho kaylangan ng sukli sainyo na ho yan"sabi ko at umalis na
Pumunta muna ako sa swing at pinaandar ito gamit ang paa
Ano nanaman kayang kalokohan ang binabalak ni harnold saakin? Meron kaya?...
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.