Lunch time na namin at inaya kami nila drake at cassandra sumabay sakanila kaya agad naman kaming sumang-ayon.
Busy kasi si estevan at shina dahil may exam sila mamaya kaya hindi daw muna sila sasabay sa amin upang mag-review
Nauna na kaming umupo ni cassandra at ang tagal nila drake at aira maka-singit sa pila kaya mukhang matatagalan pa sila
"Kamusta kayo?", tanong ko kay cassandra para naman mabasag ang katahimikan naming dalawa
"Ayos lang naman", matipid niyang sagot
Tumango nalang ako habang nakain at nagulat nalang ako nang bigla siyang magsalita
"Thank you portia",hindi siya naka-tingin sa'kin habang sinasabi ito
Alam ko namang mataas ang pride ni cassandra kaya natutuwa akong marinig galing sakaniya ang salitang 'yon
"Ikaw ba talaga yan?",pang-aasar ko sakaniya
Natawa siya sa sinabi ko at tumingin sa'kin
"Sorry sa mga nasabi ko before",sabi niya habang naka-ngiti sa akin
"Oo, ayos naman na ako dun", sabi ko sakaniya habang umiinom ng tubig
"Akala ko wala na talagang pag-asa na maibalik ko ang dating pag-mamahal sa'kin ni drake.Nung araw na nakita kong niyayakap ka niya,gumuho na ako", malungkot niyang sinabi at nag-patuloy ulit sa pagsasalita
"Sa tinagal tagal kong nag-tiis,dun ko lang naramdaman ang pagod kaya nag-desisyon akong pakawalan siya.Masyado akong nagising eh", natatawa na siya habang sinasabi ito at hinayaan ko lang ulit siya mag-salita
"Nagulat nalang ako isang araw.Pumunta na siya ng bahay,alam mo bang first time niya ulit pumunta nun.Tuwang tuwa ako pero syempre hindi ko pinahalata", natatawa niyang kinikwento
"Pakipot ka pa girl",asar ko sakaniya
"Syempre kailangan!, tapos ayun nga kunware hindi ako kinikilig kapag napunta siya sa bahay na may dalang mga bulaklak.Akala ko nga isang linggo lang back to normal na ulit siya eh,pero hanggang ngayon ginagawa niya pa din", kinikilig niyang sinabi
"Balak ka ata patayuan ng garden", pag-bibiro ko sakaniya
"Mahilig kasi ako sa bulaklak at hindi lang naman 'yon ang mga ibinibigay niya kundi mga paborito kong pagkain,minsan nga naiisip ko baka gusto niya akong patabain.Nakakaloka si drake", pareho kaming natawa sa kwento niya at biglang nag-seryoso ang kaniyang mukha
"Thank you and I'm sorry portia.Napaka-buti mong tao at sobrang mali ng mga nagawa ko sayo.Kaya sana magkaroon pa tayo ng bonding together and maging part na ako ng friendship niyo", naka-ngiti niyang sinabi sa'kin
"Ikaw din cassandra,mahal na mahal ka ni drake at nag-bago siya para sayo.Kalimutan na natin ang nakaraan at bumuo tayo ng masasayang alaala", saktong dumating si drake at aira habang naka-ngiti kami sa isa't isa ni cassandra
"Mukhang good mood kayo pareho ah",sambit ni drake
"Pinag-uusapan niyo kami no?",kumunot pa ang noo ni aira habang nag-hihinala sa amin ni cassandra
Nag-tawanan nalang kami ni cassandra at inubos na ang aming pagkain.
Nang matapos na si drake at aira kumain ay agad na kaming nag-tungo sa classroom.....
"Nakakaloka kuya estevan no,buti nalang at pasado ako sa exam",nag-kekwento ngayon si shina about sa exam nilang dalawa ni estevan
Pauwi na kami ngayon at gusto daw muna nilang tumambay sa playground kaya papunta na kami dun
Naalala ko bigla noong nakita ko si estevan dito sa playground habang nanunuod ng anime sa cp niya at bigla siyang nakaiwas sa kotseng paparating sakaniya
Tinignan ko siya at busy nanaman siya sa panunuod sa cellphone niya.Grabe napaka-adik talaga nito sa anime
Si aira at shina naman ay nagtutulakan kung sinong mauuna sakanila sa slide
Umupo nalang ako sa swing at nagulat nalang ako ng biglang may tumulak sa likod ko
"Estevannnn tumigil ka!!", awat ko sakaniya dahil napakalakas ng pag-tulak niya dito
Nasusuka ako sa sobrang bilis,mahina talaga ako sa mga ganito lalong lalo na sa mga rides,masyado akong mabilis mahilo
"Ayieeeeee", nakita kami nila aira at shina kaya naman ay nang-asar silang dalawa
Narinig naman ito agad ni estevan kaya tumigil na siya sa pag-tulak at dumaan sa harap ko sabay dila sa'kin
Napaka-sama talaga ng lalaking ito!
Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sa pisteng lalaki na 'yon, makakaganti din ako sayo estevan!!
"Tutal sabado naman bukas,punta kayong bahay portia at aira,mag-hahanda ako ng mga snacks at magmumovie marathon tayo!", masayang sinabi sa'min ni shina
Na-excite naman ako agad sa sinabi niya dahil first time kong pupunta sa bahay nila
"Kung makapag-aya ka naman parang bahay mo lang yon,bahay ko din yon no", singit ni estevan
"Bakit ayaw mo ba?", nakasimangot na tinanong ni shina
Walang nagawa si estevan kaya naman ay sumang-ayon nalang siya sa idea ni shina para bukas.
Excited na ako bukas,pero bakit nga ba ako excited?
Dahil ba makakasama ko sila o dahil makikita ko ulit si estevan?
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...