Track 2 14

150 2 0
                                    

Lumaki ako na palagi akong sigurado. Oo pinalaki akong sigurista ng mga magulang ko. Sa kaibigan, marunong akong pumili, sa pagibig hindi ako nagpapadehado. I was born to be this kind of girl. I was always sure. I am always confident of my decisions. I hate spontaneity, I want assurance. I want security. But not until I met you.

Sabi mo saken, in life hindi pwedeng laging ako yung lamang. May pagkakataon na ako rin ay malalamangan. Eto na ba yun? Siguro nga.

Nakilala kita nung mga araw na lahat ng bagay ay nakaayon sa plano. Ang pagkakakilala naten, yun lang ang hindi. Isang nakakapagod na umaga para sa akin. Galing ako ng Tabora, dahil may mga ipinamili akong tela. Excited ako pero naimbyerna ako sa mga tindera at wala pa akong kasama.

Samantalang ikaw, ayun tagakuha ng bayad ng mga umoorder ng kape. Naisipan ko kasi nun na uminom ng kape na malamig. Pinambati mo sakin yung maganda mong ngiti pero hindi nun naalis ang pagkainis ko, naging casual lang ako nung kinausap kita pero ikaw? Hindi napawi ang ngiti mo sa akin.

Nakita kong sinundan mo pa ako ng tingin pero hindi kita pinansin. Kahit na alam kong nakabantay ka sa bawat galaw na gawin ko. Alam mo kung paano ko nalaman? Ilang beses kaya kitang nahuling nakatanga sakin at ilang beses ka rin pinagalitan dahil nagkakamali ka na sa mga kinukuha mong order. Gusto kong tumawa pero may pumipigil saken para gawin yun. Umalis ako at nagpatuloy na sa mga dapat ko pang asikasuhin.

Bumalik ako sa magulong daan papuntang divisoria para sa parehong rason kung bakit ako nasa Tabora may binili ulit ako, ako nanaman magisa. Minsan gusto ko mainis pero sabi ko eto naman ang napagplanuhan susundin ko nalang, at sa di ko malaman na dahilan pagtapos kong bumili ay pumunta ulit ako sa coffee shop kung san ka nagtatrabaho, hindi ko alam parang nagkaroon ng sariling utak itong mga paa ko at doon nagtungo. Nakita kita pero hindi ka na nakapwesto sa cashier ikaw na ang nagtitimpla ng kape. Binati mo ko ng ngiti mo at ibinalik ko ang ngiti sayo.

Ikaw ang nagcashier nagkuha at gumawa ng order ko. Natawa ako kasi nakita ko kung gaano ka kaaligaga. Iniabot mo sa akin ang kape ko na nakalagay ang pangalang ibinigay ko, "Tin <3" Nagulat ako sa less than three pero tinawanan ko nalang. Nakita kitang ngumiti habang binabantayan nanaman ang bawat kilos ko. Nagulat ako ng papunta ka sa kinauupuan ko nung nasa harap na kita biglang tumunog yung cellphone ko, "Hubby <3" ang nakalagay sa screen na may picture ng boyfriend kong nakahalik sa akin. Nakita kong nakita mo yun, nakita ko ang pagkadismaya sa mukha mo kaya nginitian nalang kita na para bang sinasabi kong, "sorry taken"

Ngumiti ka lang rin sakin at sinabi mong "pwede pa naman kahit kaibigan" sabay alok ng kamay mo sa akin, at malugod ko tong tinanggap. Natuwa ako dahil marunong kang tumanggap ng pagkatalo. Sinagot ko na ang boyfriend kong kanina pa tumatawag, susunduin nya pala ako.

Matagal bago ako ulit nakabalik sa coffee shop nung araw na yun dumiretso agad ako sa coffee shop wala akong pinuntahan para may kunin. Dahil nung araw na yun nalaman ko ang mga tungkol sa mga kabulastugan ng boyfriend ko. Ikaw ang naisipan kong puntahan. Inaya mo ako sa simbahan ng Binondo para magdasal sinabi mong ibigay ko lahat sakanya at sya na nag bahala.

At tama ka, gumaan ang loob ko, nagkwentuhan tayo at marami akong nalaman tungkol sayo ang pangalan mo pala ay Kael Silverio IV. Sabi mo ay tawagin kitang fourth. Dahil ayaw mo ng Kael. Sinabi mo rin na kahit kelan ay hindi ka pa nagkagirlfriend dahil sa responsibilidad na ipinasa sayo ng namayapa mong ama. Humanga ako sa'yo, Fourth. Dahil hindi ka tumakas sa responsibilidad, hindi katulad ng magaling kong boyfriend. Nung araw na yun pinagaan mo ang loob ko sa pagalis sa akin sa aking comfort zone pinaranas mo sakin ang araw kung saan walang eksaktong plano kung paano gagamitin ang bawat oras at masasabi kong iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Pero bago tayo maghiwalay sinabi mo sa akin, "Kahit ano pang ginawa nya, kung mahal mo talaga sya at sakanya mo gustong ibigay ang buong buhay mo, mapapatawad mo sya at itutuloy mo ang plano mo, ang plano nyo."

The Silent PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon