To Learn is To Success (poem)

167 8 3
                                    

Una kong nasilayan,

Kagandahan ng paaralan,

Mula nang aking simulan,

Ang paghahangad sa kaalaman.

Natapos ko na ang elementarya,

Gayundin ang mga taon sa sekondarya,

Mga kaalamang aking natututunan,

Lalo pang nadaragdagan.

Kaunting panahon na lang ang hihintayin,

Makakamit ko na rin ang aking mithiin,

Paaralang tumulong sa akin,

Hinding-hindi ko lilimutin.

Mga pagsubok na aking pinagdaanan,

Para sa mga leksyong pinag-aaralan,

Tiyak na hindi makakaligtaan,

Siyang takda ng karunungan.

Pinto sa kinabukasan,

Agad ko nang mabubuksan,

Sa oras na aking malaman,

Lihim ng perpektong kaalaman.

[A/N: sana may maka-appreciate :D]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Learn is To Success (poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon