AUTHOR'S NOTE:
Hi readers! Extended ang ECQ! Kaya para hindi ako masiraan ng bait, I have been engaging myself with books, comics, drawing and writing. We are now at the 3rd chapter! It feels like 23:57 all over again. I have been drafting the scenes already and I am enjoying writing these twists again. Don't forget to vote and comment!
Kuya Ray
· Facebook: raykosen
· IG: raykosen
Let's proceed with the story...
7:42PM. Private I Café. Makati Avenue Branch.
Naiyak si Risa bigla sa harapan ko habang hawak hawak niya ang mukha ko. Ang awkward talaga.
"I understand you, Risa. Pero hindi siya si Yuuya. Siya ang sinabi ko sayong kakambal niya over the phone." Sabi ni Ayako kay Risa habang pinahihinahon niya ito.
At na klaro na sa akin na patay na nga ang kambal ko kaya umiyak si Risa. Ngayong hindi na ako kumportable sa nangyari, pinaliwanag sa akin ang sitwasyon na si Risa ay kilala ang kakambal ko.
"Sorry for making you uncomfortable." Saad ni Risa. " I should have composed myself more. I am here for a more serious reason and I should stick to that."
"Bakasyon ka lang rito sa Pinas hindi ba?" tanong ni Rio.
"Oo. I only have three months to sort out everything. Ang gulo gulo na ng sumpa kaya napilitan na akong gamitin ang three month paid creative leave ko sa Japan para asikasuhin ang dapat asikasuhin. I used an excuse na may sinusulat akong bagong libro about Philippines palusot ko sa editor ko." Paliwanag ni Risa. Habang si Ayako naman ay marahang hinahaplos ang likod ni Risa para bigyan ito ng comfort.
Naguguluhan akong marinig iyon pero parang habang nagsasalita siya ay nakatingin pa rin siya sa akin.
"Alam na ba niya ang tungkol sa sumpa?" Tanong ni Risa sa kay Rio. Natahimik ang lahat.
"Sumpa?" tanong ko kay Rio. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Akon a lang yata ang hindi nakakaalam.
"Ganito kasi yun kuya." Paumpisa ni Yuna na parang alam na alam niya na ang lahat. Malamang na brief na siya ni Rio sa lahat bago pa kami makarating ni Ayako.
"So there has been an ongoing curse which involves a demon child named, Hinako but that was just everyone calls her and not her real name. This demon kills the people who are cursed and tortures their souls according to her command. Basically, the curse happens every four years and there are humans who gets involved with the curse. Scary it may seems, we are involved in this curse. It's like a never ending virus which infects people per people basta related ka sa mg ana sumpa." Paliwanag ni Yuna. Partida ngumunguya pa yan ng pasta at may pag inom break habang nagpapaliwanag.
"Wow. You really explained everything well in a concise way." Gulat na sabi ni Rio na natatawa.
"Well, I just summarized your 1 hour storytelling." Sagot ni Yuna sa kanya sabay balik sa pagkain ng pasta.
At sa totoo lang, nagkaroon lalo ako ng mga tanong sa narinig ko at nangilabot ako ng maalala ko ang mukha ng batang babae sa pintuan ko.
"So iyon ang rason kung bakit may humahabol at sumusunod sa ating mga multo." Sambit ko.
Tumango naman si Rio.
"Yung batang babae ba ay parang mga 4 to 5 years old na parang manika ang itsura at may itim na mga mata na para kang nilalamon at nalulunod?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
23:58
HorrorJanuary 27, 2019, apat na taon matapos ang 23:57 incident sa Shibuya Tokyo. Ano na nga ba ang nangyari kay Ayako Mendez at sa kambal na mga anak nila ni Yuuya Kobayashi? Ano na nga ba ang kinahinatnan ni Rio Sakurada at ng iba pang nakaligtas? Magp...