IX

278 9 1
                                    

Gwen

Mag sisimula na ang party kaya pinuntahan ko na si ate Gab, sa totoo lang ayoko talagang makisali sa dito at mag serve nalang pero dahil si ate Gab na mismo ang nag imbita hindi na ako makatanggi nakakahiya naman lalo na't binilihan nya na ako ng damit at mga make up.

Kumatok ako sa pinto at agad naman syang lumabas doon, ang ganda talaga ni ate Gab sobra. Ang ganda din ng soot nyang gown halatang mamahalin at hindi basta basta.Kapag nagtabi kami kitang kita mo agad ang agwat namin,lalo tuloy akong sinasampal ng katotohanan na hindi talaga ako bagay sa mundo nila, sa mundo ni Nathan.

Nagtungo na kami sa reception hall at lahat ng tao ay nakatingin saamin-ay hindi pala kay ate Gab lang,agad na pumwesto ang mga photographers at parang kidlat sa bilis at liwanag ng flash, noong una ay ngumiti ako pero agad din akong umalis dahil nahihiya talaga ako.

Napunta ang tingin ko sa harapan kung saan nandoon ang pamilya ni ate Gab, napatingin ako kay Nathan at nakatitig sya sa'kin ngayon, nahihiyang iniwas ko ang aking tingin pero hindi ako makatiis, bagay na bagay sa kanya ang soot nyang tuxedo at pulidong pulido ang pagkakaayos ng kanyang buhok, kitang kita mo ang jawline nya pati narin ang malapad nyang balikat.Nadako ang tingin ko sa kamay nya sinundan ko iyon at nanghina ako sa nakita ko. Nakapalibot ang kamay nya sa bewang ng babaeng katabi nya.

Nangigilid ang luha ko pero sinigurado kong ayos padin ang tindig ko, nagkatinginan ulit kami at nagulat sya inalis nya agad ang kamay nya at halatang halata ko ang pagsusumamo sa kanyang mata, bakit? Para saan?

Nang matapos ang speech ni ate Gab pumalakpak ako kahit na ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, ang daming tumatakbo sa utak ko, kinagat ko ng mariin ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha. Tumakbo ako papuntang garden kung saan malayo sa party,kung saan malayo ako sa mundong hindi ko kinabibilangan, dito magisa ako tahimik at payapa.

Hindi kona napigilan at naguunahang tumulo ang aking mga luha, ang sakit kasi lagi akong nag o overthink na baka pampalipas oras lang ako,na hindi naman talaga kami bagay dahil mayaman sya mahirap lang ako, madaming mas magaganda kesa saakin na madaming pwedeng magustuhan si Nathan bukod sakin yung mga nakatapos at tama nga ako.

Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga kamay nyang nakabalot sa bewang ng ibang babae-magandang perpektong babae.

Umiyak ako sa lahat ng naiisip ko. Mabuti pa siguro tapusin ko na ang mga kahibangan kong 'to, baka sign na' to na dapat ko na syang layuan, tama ayoko na. Awang awa ako sa sarili ko dahil sa pagiging ako.

Umiyak ako ng umiyak nang bigla akong tinawag ni ate Gab, pinunasan ko agad ang aking mga luha at kitang kita ko ang pagaalala sa mata nya.

Tinanong nya ako sa nangyare, kung ayos lang ako pero syempre sasagutin kong ayos lang ako kahit ang totoo ang sakit sakit na.

Ang swerte ko na nga na ang bait bait sa'kin ni ate Gab na kahit ganito lang ako ay hindi nya ako pinagmamalupitan, kinaibgan nya pa ako.

"Dito ka muna Gwen kukuhanan lang kita ng tubig."

Pinigilan ko sya dahil nakakahiya naman dahil sya ang amo ko at ito ako nag iinarte lang.Pero dahil sya si ate Gab hindi ko na sya napigilan.

Inayos ko na ang damit ko pati ang muka ko para hindi mapansin nila mama at papa na umiyak ako.

Nagpapahid ako ng luha nang may maamoy akong pamilyar na pabango, agad akong napatingin sa kanan at nandon si Nathan nakatayo sa gilid ng bench na inuupuan ko at nanghihina nya akong tinignan at agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Gwen, do'n sa kanina I'm really sorry." mahinang sabi nya at tinabihan ako. Hindi ko naman napigilan at bumuhos ulit ang mga luha ko.

"ok lang" pumiyok ako "hindi mo naman talaga mapipigilan yun naiintindihan kita sino ba naman ako kumpara sa magaganda at mayayamang mga babae eh ganito lang naman ako, naiintindihan ko, wala akong karapatang masaktan." ngumiti ako pero patuloy padin ang pagbagsak ng mga luha ko.

Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon