Mahirap matuwa kung hindi ka masaya
Mas mahirap sumunod kung unfair sila
Bakit ba merong sobrang exag kong mag-isip
Pero sa totoo lang it's so super pathetic?
Nakakagulo ng mundo ang mga taong weirdo
Pero mas magulo yung tipong power trip ang peg Noh?
Hindi maka moved on kahit nagsasabi ng totoo
Kasi lahat ng lang ng bagay ginagwang komplikado
Ano bang mahirap unawain?
Kung ikaw ay totoo sa iyong sasabihin?
Dapat bang palaging magduda?
At ang kapangyarihan gamiting panghusga?
Nagiging kritikal ang usaping payak
Dahil sadyang kritikal din ang utak
Matalino nga bang maituturing
Ang isang taong sa dunong lang bumabaling?
Ang katotohang di lahat perpekto
Ay masakit na aspetong dapat nating mapagtanto
Ang mga tiningala mong mahusay na tao
Maaaring maging dahilan ng ating pagkalito
Piliting mo mang magbago kung minsan
Ang hirap ipilit kung hindi mo ramdam
Dahil silang dapat mong pinagtitiwalaan
Ang sumisira ng iyong katauhan
Hindi naman bawal ang maging mabait
Pagiging maunawain di rin naman balakid
Sa pagiging isang mahusay na pinuno
Mas nagtatagal kung ikaw ay may puso
Lahat mawawala at lahat aalis
Pero ang pitak sa damdamin ang mamamalagi
Kung iyong itinatak ay bahid ng pagkamuhi
Walang idudulot kundi pagkasawi
Ito ay isang tula ng maysakit
Na naiwan sa bahay ang tanong ay "bakit?"
Simpleng karamdaman pwedeng ipahinga
Mauuwi pa yata sa mahabang lektura
Isa itong paunawa sa lahat ng tao
Walang maloloko kung walang papaloko
Ngunit kung ikaw ay mapaghinalang tao
Sana kapayapaan ay mahanap mo.