Prologue

1 0 0
                                    

“Lyn!” narinig kong sigaw ni Auntie Thelma sa aking pangalan.

Nandito ako ngayon sa bayan ng Nueva na matatagpuan sa Visayas upang magbakasyon. Dito nakatira si Auntie Thelma na siyang kapatid ng aking ina kasama ang kanyang pamilya.

“Nasaan kaba?” patuloy niyang paghahanap sa akin.

“Auntie! Nandito po ako sa may dalampasigan!” sigaw ko naman pabalik upang marinig niya ako.

Kaya gustong-gusto ko magbakasyon dito kasi napakaganda ng dagat dito sa Nueva. Gustong-gusto ko ang amoy ng dagat at ang hangin na humahaplos sa aking katawan. Tila ito’y nanghahalina at nagpapakalma ng nararamdaman.

“Ano pa bang ginagawa mo diyan? Gabi na. Halika ka maghapunan na tayo.” Sabi ni Auntie ng nakalapit na siya sa akin at naglakad na kaming dalawa patungo sa bahay.

Ang bahay nila Auntie Thelma ay matatagpuan sa dulong bahagi ng bayan ng Nuevo. At sa bandang din ito ng bayan mo makikita ang napakalawak na dalampasigan at ang asul nitong tubig. Kaya karamihan sa mga naninirahan dito ay pangingisda ang hanapbuhay o kaya naman ang pagtatanim ng palay kasi sa kaliwang bahagi naman ng lugar ay ang napakalawak na mga lupain at ang likod nito’y ang napakaganda ring bulubundukin ng Nuevo.

Limang bahay muna ang aming nalampasan bago makarating kanila Auntie. Nasa may dulo kasi ito at may mga limang minuto pa kung lalakarin galing sa dalampasigan.

Habang papalapit kami sa bahay nila Auntie na may dalawang palapag at gawa sa hardwood napagtanto ko na hindi sa laki ng bahay ang basehan na masaya at masasabi mong payapa ang mga nakatira sa loob kung hindi ay ang kung sino ang mga nakapaloob nito.

“Saan ba kayo galing?” tanong ni Uncle Bert na siyang asawa ni Auntie Thelma.

“Pasensya na po, Uncle. Nagpasyal lang po ako sa dalampasigan.” Sabi ko.

“Ah ganun ba. Itong Auntie mo kasi hindi mapakali kahahanap sayo. Na siya tara na at maghapunan na tayo maaga pa kami bukas ni Marco.” Tukoy ni Uncle sa kanilang pangingisda bukas ng umaga.

Si Marco ang nag-iisang anak nila Auntie Thelma at Uncle Bert. Dalawang taon ang tanda nito sa akin.

Pumasok na kami sa bahay at kumain ng hapunan. Habang kumakain kami nakikinig lang ako sa usapan nina Uncle at Auntie tungkol sa nalalapit na fiesta sa bayan at ang mga kasiyahang mangyayari. Habang nag-uusap sila dumating si Marco at nag mano kina Auntie. Umupo siya pagkatapos sa bakanteng upuan.

“Lyn, kailan ka pa nakarating?” tanong ni Marco sa akin.

“Nitong umaga lang. Alam mo naman na minsan lang ako nakakapunta dito at ngayong nagkaroon ng pagkakataon nilubos ko na.” sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Si Marco ay nasa ika apat na taon na sa kolehiyo sa kursong Agriculture. At ako naman ay nasa ikalawang taon sa kursong Elementary Education. Sa Nueva Community College siya nag-aaral at ako naman sa UP Diliman.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng huling pagpunta ko dito. Kaya naman ng pinayagan ni Mama na pumunta dito bumyahe agad ako dahil malayo ang Manila dito sa Nuevo.
Sa Manila ako lumaki kasama si Mama at ang kanyang pamilya. Wala na ang aking ama, yun ang sabi ni mama sa akin nung bata pa ako. Na namatay si Papa dahil nalunod ang barkong kanyang sinasakyan papuntang Masbate kung saan daw nakatira si Papa.

“Akala ko matatagalan pa bago ka ulit makapunta dito sa Nueva.” Sabi ni Marco.

Nandito kami ngayon sa terrace sa may ikalawang palapag na ang tanawin ay ang malawak na dalampasigan. Dito kami nagpunta pagkatapos maghapunan at sina Auntie naman nasa may sala sa baba at nanunuod ng balita sa tv.

“Kumusta ka naman?” tanong ni Marco.

“Okay lang naman.” sabi ko.

Nakaupo siya ngayon sa isang sulok sa terrace na may isang maliit rin na lamesa. Nandito ako malapit sa barandilya nakatayo at nakatanan sa malayong dalampasigan.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

“Mabuti na ba ang pakikitungo nila sayo?” tanong niya pa na nang u-usisa.

“Ano ka ba. Nasanay na ako. Kaya okay lang.” sabay ngiti ko ulit.

Nanatili namang nananantiya ang kanyang mga mata at makikita sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa akin.

Hindi kami masyadong close ni Marco pero masaya ako sa nakikita ko sa kanya ngayon na nag-aalala din pala siya sa akin. Na may nag-aalala din pala para sa akin. Gwapo ang pinsan ko. Moreno, may misteryosong mga mata, matangos na ilong, maganda ang hubog ng katawan at matangkad. May naririnig nga akong kwento na marami daw nagkakagusto sa skwelahan at may pagka playboy daw.

“Hindi ka ba pinagtatanggol ni Auntie Rosalina sa mga kapatid mo?” patuloy niyang tanong sa akin.

Ang tinutukoy niya ay ang ina ko na nasa Manila ngayon.

“Alam mo na ang sagot diyan, Marco. Tsaka ano ka ba nandito ako para magbakasyon kaya huwag kang nega at lulubusin ko na to kasi minsan lang to.” Pagwawala ko sa aming topic.

Tumango naman siya naintindahan na hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon.

“Pasyal mo naman ako sa bayan kapag may oras ka.” Suhestiyon ko sa kanya.

“O sige. Bukas pagkatapos naming pumalaot ni Tatay pupunta tayo.” Sabi naman niya at ngumiti sa akin.

“Sige, Marco. Basta bukas ha. Mauuna na ako sa’yo inaantok na ako marahil din sa tagal ng biyahe.” Pagpaalam ko sa kanya.

Tumango naman siya at nagsimula na akong maglakad patungo sa kwarto sa may pinakadulo sa ikalawang palapag. Bago ako makalabas ng veranda at makapasok ng tuluyan sa loob nagsalita ulit si Marco.

“Lyn, pwede ka namang dito na tumira sa amin. Hindi mo kailangang magdusa doon.” Sabi ni Marco.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

“Alam mo naman na hindi pwede yun, Marco. Mas lalo lang akong mapagalitan. At saka kuntento na ako kahit minsan lang din ako nakakapunta dito.” Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.

“Salamat sa pag-aalala. Masaya ako na may pamilya ako dito na tunay na nagmamahal sa akin. Masaya ako Marco na nandito ako ngayon.”

Hindi na umimik si Marco at nagpatuloy na ako sa paglakad patungo sa aking kwarto. Masaya ako na nandito ako ulit. Masaya ako na may pamilyang nagmamahal sa akin dito.

Sa gabing iyon, pinangako ko na kalimutan muna ang mga masasakit na kinagisnan at lubusin ang kasiyahang aking nadarama. At hindi ko lubos akalain na sa bakasyong iyon, makikilala ko ang isang taong magbabago ng aking buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Summer BlissWhere stories live. Discover now