Chapter 26: Surrender

82 8 0
                                    

26: Surrender

Carmiah

KAHIT ANO'NG gawin kong posisyon sa higaan ay hindi ako makatulog. Kanina ko pa kinakausap ang Lord. Umiiyak ako sa Kanya. Hindi ako naririnig ni Lola dahil tulog na siya sa tabi ko at silent ako umiyak. Hindi ko kayang i-handle ang brokenness. I feel relief when I'm talking to Him but nandito pa rin ang pain. Kinuha ko ang cellphone na nasa maliit na mesa na nasa tabi ko. Tumingin ako sa oras nito, it's 11:55 pm. Naupo muna ako at sumandal sa pader na kung saan nakadigit ang dulo ng higaan namin. Nag-iisip ako ng p'wedeng gawin para makatulog ako.

Naisip ko bigla na kunin ang purpose driven life na bigay ni Tita Rashana. I-ta-try kong mag-ibang day muna. Bukas na bukas din ay babasahin ko ang day 2.

I randomly opened the book in any pages. Napunta ang daliri ko sa day 10. "The heart of worship." Binasa ko ang title nito. Ang familiar naman no'ng title kasi naririnig kong kinakanta rin nila Rene 'to sa classroom kapag lunch time. Nag-gi-guitar sila sa classroom. Minsan before kami mag-start ng Bible study.

The heart of worship is surrender.

"Woah, surrender..." Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng chapter na 'to. Ito nga siguro ang kailangan kong gawin, ang mag-surrender sa Kanya.

Offering yourself to God is what worship is all about.

"How would I offer myself to God? Paano ko i-o-offer ang broken na ako? W-Wala akong mabibigay sa Kanya," sambit ko habang nagbabasa. Tumulo ang likido sa mga mata ko pagkatapos kong sabihin iyon. Pinunasan ko gamit ang kamay ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagbabasa.

God wants your life-all of it. Ninety-five percent is not enough.

Huminto ako sandali sa pagbabasa. Nag-ulit-ulit sa isip ko ang huling sentence na binasa ko. "Hindi enough na ibigay sa Diyos ang 95 percent lang ng buhay ko kasi sa 5 percent ay sasamantalahin ng kaaway. Hindi ko nga siguro nabibigay ang lahat-lahat sa Kanya. Hindi ko kayang bitawan si Yarianna. Kung hindi niya lang nakita ang journal ko, sigurado ay hindi pa kami nag-break. At higit sa lahat, may habit akong tinatago. That m..." Hindi ko mabanggit ang habit na tinuro ni Yarianna sa 'kin kasi I feel so ashamed about that. I-se-search ko talaga ang tungkol do'n kapag nakapagpa-load ako bukas.

There are three barriers that block our total surrender to God: fear, pride, and confusion.

"I trust God pero bakit hindi ko magawa i-surrender ang ilang bahagi ng buhay ko? Alam ko naman na mahal na mahal tayo ng Diyos pero an'dami ko pa ring pero kahit believer na 'ko." Napatapik na lang ako sa mukha ko out of frustration.

We don't realize how much God loves us, we want to control our own lives, and we misunderstand the meaning of surrender.

"I'm sorry, Lord..." Ang tangi ko na lang nasabi dahil napaka-failure ko.

God loves you infinitely more than you can imagine.

"Wala akong duda sa pag-ibig Niya pero itong sarili ko ang problema. Alam kong may limitation lang ako. Medyo confused pa 'ko."

He doesn't try to break our will, but woos us to himself so that we might offer ourselves freely to him.

Pumikit ako sandali at pinagdikit ang kamay. "Lord, help me to surrender my whole life to You. Hindi ko po alam pero nahihirapan ako. Sa ilang linggo ko po sa lakad na 'to kasama Ka, inaamin ko pong marami akong ni-ho-hold back."

Binuksan ko na ang mata ko. Isang sentence mula sa libro ang na-caught talaga ng attention ko.

Don't try hard. Trust more.

The Living Bible (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon