Kabanata 24

415 21 2
                                    

Kanina ko pa iniisip kung anong susuotin ko para mamaya.

Hindi ko din alam kung bakit pero gusto kong mag-mukhang maganda ngayon kaya nag-ayos din ako ng buhok at mukha

"Sa prom ka pupunta?", pang-aasar sa'kin ni aira dahil nakita niya akong ayos na ayos ang itsura

"Pangit ba? burahin ko ba? palitan ko?", natataranta kong sinabi

"Hoy portia nakakahalata na ako ah,dati naman kay drake hindi ka ganyan parang may something ka na ata kay estevan no?",niliitan pa niya ang kaniyang mata habang pinag-mamasdan ako

"H-ha!?, masama bang mag-ayos?", palusot ko sakaniya

Hindi ko din alam bakit ganito ako ngayon,pupunta lang naman kami sa bahay nila estevan at magmu-movie marathon lang naman kami

Ano ba nangyayare sa'kin?

Pagkatapos ko mag-bihis ay agad na kaming tumungo sa park dahil dun daw kami susunduin nila shina

"Hello guys",masiglang sinabi ni shina habang nasa loob ng kotse

Sumakay na kaming dalawa ni aira at wala dito si estevan kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko

Buti naman.

Hindi ko nalang namalayan na andito na pala kami sa bahay nila.

Namangha ako sa sobrang laki at sobrang ganda ng bahay nila.Talagang mayaman nga sila shina at estevan

Pinapasok na niya kami sa loob ng bahay nila at sinabi sa amin ni shina na wala daw dito ang magulang niya at magulang ni estevan dahil nasa ibang bansa ang mga ito

"Nako kukunin ko pa pala ang mga snacks sa kusina, aira tulungan mo nga ako",aya ni shina kay aira

"Okay", tumayo si aira at tumayo din ako para sana tulungan sila pero bigla ako pinigilan ni shina

"Ayyy portia paki-tawag nga si kuya estevan sa kwarto,nasa pinaka-dulo ang kwarto niya kaya hindi ka maliligaw, thank you", hinila agad ni shina si aira sa kusina at eto pa din ako nakatayo dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko

Kinakabahan ako, paano kung sa ibang kwarto ako pumasok,pero halatang halata naman kung saan ang kwarto niya dahil ang pinto nito ay may sign na "DO NOT DISTURB"

Kumatok ako pero wala pa ding bumubukas ng pinto,sinubukan ko ulit kumatok pero mukhang wala ata siya sa loob ng kwarto niya

Sinubukan kong buksan ang pinto ng kwarto niya at nagulat ako dahil bukas ito

Dumiretso ako sa loob at sobrang ganda nito,talong talo ang kwarto ko sa kwarto ni estevan,punong puno ito ng mga collection ng mga anime

Nakita ko ang malaking stuffed toy ni totoro kaya lumapit ako dito at hinawakan,ang lambot lambot

Grabe ang linis din sa loob,lalaki ba talaga si estevan?

"Hoy anong ginagawa mo dito!?", napatalon ako sa bigla dahil sa sigaw ni estevan at agad ko siyang nilingunan at nanlaki ang mga mata ko

Naka-tuwalya lang siya at mukhang kagagaling lang sa banyo niya

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil eto ang suot niya sa panaginip ko dati at ngayon ay nagkatotoo na!!

"Sorry estevan,si shina kasi inutusan akong tawagin ka hindi ko naman alam na nasa banyo ka pala",kinagat ko ang labi ko dahil hiyang hiya na ako sakaniya at agad na tumakbo papaalis sa kwarto niya

Never Fall In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon