Kabanata 14

5.2K 74 6
                                    

Kabanata 14


Ilocos


Palubog na ang araw nang magpasiya akong bumalik sa bahay. Nanatili kasi ako sa parte ng dalampasigan na malapit sa mansyon ng mga Montegrande at doon ako nagpalipas ng mga nararamdaman ko.


"Bumalik ka pa talaga," bungad naman sa akin ni Charlotte pagkapasok ko sa sala.


Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang muna ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya't damit bago ako pumunta sa banyo.


Habang naliligo ako ay bahagya akong napatigil dahil pakiramdam ko'y may nag-aabang sa pinto kaya't nagmadali na lang tuloy ako.


Nang matapos naman na akong maligo ay nagbihis na ako kaagad at lumabas na rin ako ng banyo. Nagtungo na lang muna ulit ako sa kwarto ko.


I want to sleep, kahit na wala pa akong kain pero pahiga pa lang ako nang tumunog ang cellphone ko.


"Dad?" sambit ko kaagad pagkasagot ko sa tawag.


"Kanina pa akong tanghali tumatawag sayo. Hindi mo ba hawak ang cellphone mo, Azalea Eve?" seryoso niyang tanong sa akin.


He's not in a good mood. May problema kaya?


"Naiwan ko pa kasi kanina dito sa kwarto. Bakit po ba kayo napatawag?" magalang ko namang sagot.


"Si Zimon kasi. He's in Ilocos right now. Gusto kong puntahan mo siya doon," seryoso niyang sambit kaya't napakurap-kurap naman ako ng wala sa oras.


Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito sa Pilipinas?


"Azalea Eve, narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong ni Daddy sa linya kaya't napalunok ako.


"I heard you, Dad. Hindi ko siya mapupuntahan, nandito ako sa Surigao diba?" I replied.


"Ipapasundo ka naman daw niya bukas diyan," diretso namang sagot ng tatay ko sa akin.


"Daddy, ayoko, saka bakit po ba kasi siya nandito sa Pilipinas?" medyo iritado ko na tuloy na tanong.


"Gusto niya daw magbakasyon diyan at mukhang gusto ka ring makasama," he answered.


"Daddy, tapos na kami ni Zimon, matagal na," walang gana kong sabi.


"Ano naman kung tapos na kayo? Anak, sinabi ko na sayo, he's the perfect man for you. An engineer and heir of a big company, kaya puntahan mo siya doon. Mag-bonding kayo," sagot ni Daddy kaya't napasabunot na lang ako sa aking buhok.


Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa si Zimon ngayon. Kung gusto niya lang pala akong makasama, edi sana hinintay niya na lang ako sa Australia.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon