11.

535 3 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Amora sa nakita,muntik na na siyang mahirinan sa juice na iniinom niya.Ito na!

Para siyang tangang nagpatingin tingin sa loob ng paligid niya.Hindi pa siya nasiyahan at tumayo siya.Paikot ikot.Silip sa dingding na salamin pababa ng building,Tiniyak na nailock ang pinto.Kabado,umupo upang sipating maigi ang tangang cd.Walang pabalat iyon,pero iba ang kutob niya.Binriefing na siya doon ni Alech.Puro numero lang at pamagat ang naroon.Nakalagay sa transparent na lalagyan ang mga cd's na nakasalansan sa rack na malaki.

Isinalang na niya.Pagkatapos ay nanakbo sa sofa upang kunin ang throw pillow.Para siyang tangang nagpasilip silip.Nakita na niya ang bulto ng hubad na lalaki sa malaking malaking screen.Hubad.Pero nanlalabo ang kanyang mga mata.Hindi pa man ay nagtakip na siya,hindi niya kayang panuorin,lalo na ng marinig na niya ang halinghing at sigaw ng babae sa screen at ang boses na pamilyar.

Pinatay niya nalang ng nakapikit ang telebisyon.

Nakupooo!Ano itong napasok niya?!

Napatalon tuloy siya ng marinig ang pagtunog ng nabuksang pinto.

"Nagluto kanaba?"
Tanong ni Graham na kararating lang galing kung saan at hindi iyon balak pang malaman ni Amora.

"Anong ginagawa mo d-"

Tanong ni Graham na bigla rin namang hindi natuloy.

Napatda si Amora ng malamang naka blue screen pa ang tv.At kahit hindi nito tanungin kung ano ang gjnagawa niya'y alam na bi Amorang may ideya na ang lalaki.

"Ang sabi ko kung nagluto kana?"
Panumbalik na tanong ng lalaki sa kanya.

"B-Bakit?"
Nagtataka na nahihiyang sagot niya dahil sa pagkakahuli ng lalaki sa kanya.

"Natural! Siyempre,kaya nga babae ang kinuha ko eh,hindi mo ba nabasa?Nakalagay sa pinirmahan mo ah?"

Tumayo si Amora upang lumapit sa kalan.Doon ay kinuha niya ang sinalangan niya kanina ng ulam.Maige nalang at nakapag pasobra siya.'Di niya kasi alam o sadyang hindi kasi niya binasa ang mga nakasaad sa pinirmahan niya.Iniinit niya ang porksteak na inulam niya kanina.

Nagmamadaling ibinalik niya sa rack ang cd,ng pakiramdam niyang kakain na si Graham.

"Masarap ah.Handa kanaba bukas?"

Naantala si Amora sa pag upo sa tanong na iyon ng lalaki.


"O-Oo."
Kandautal niyang sagot rito.

Bago  nakatulog si Amora kagabi'y katakot takot na dasal ang ginawa niya.Bukas kasi'y mag uumpisa na siya sa kanyang trabaho kung trabaho nga bang matatawag iyon.
Ang ikinakaba niya lang ay hindi sila natuloy ni Alech sa ipinangako nitong tuturuan siya dahil naging busy yata ang lalaki nitong mga nakaraang araw kaya tumawag ito agad agad kaninang umaga.
Aalalayan nalang daw siya muna nito dahil hindi ito nakatupad sa usapan nila.

"Siya nga pala.Nariyan ang mga notebook at mga ilang kakailanganin mo,binili ko na para sa iyo."

Sabi sa kanya ng lalaki ng matapos itong kumain habang siya nama'y nanonood ng balita.

"Kailangan ko pa bang mag uniporme?"
Tanong niya sa lalaki.

"Hindi na,kahit ano isuot mo ayos na.Basta kapag dayoff mo ay bumili ka ng mga bago mong damit."

Napatingin si Amora sa suot niya.Anong masama sa suot niya?Mahabang kulay brown na paldang cotton na umaabot hanggang  sakong niya.At puting tshirt na puting cotton din.Wala siyang nakikitang masama sa suot niya.Nag iingat lamang siya rito dahil lalaki ito at babae siya.At hindi niya makakalimutan na hindi lang siya minsan ginawa'n nito ng hindi maganda.Sa gabi nga'y nag lolock siya ng pinto.
Ayaw niya maging disgrasyadang ina.


...

Nanlalamig si Amora lalo na ng papanhik na sila sa isang mataas na building.
Magkakasabay silang tatlo sa isang sasakyan.Sinundo muna sila ni Alech dahil narin para kahit papano'y maturuan pa siya nito.

Nanlalamig ang kanyang mga kamay.Bago pa niya iyon maipasok sa bulsa ng maong na pantalong suot niya ay nahawakan na iyon ni Alech na nasa tabi niya.

"It's ok."

Pagpapakalma nito sa kanya.

Hindi sinasadyang napalingon si Amora sa likod kung saan naroon ang prenteng prenteng nakatayo na si Graham at kalmadong nakahalukipkip.Seryoso ang mukha nito.
Bago pa siya makitang nakatingin rito'y nagbawi na siya ng tingin.

Pagpasok nila'y nakita ni Amora ang puting puting pintura ng presidential suite na pinasok nila malawak at maganda ang loob.Sosyal.Sabagay,ano paba ang aasahan mo sa mamahaling kwarto na ito.

Nasorpresa pa ang dalaga ng may maabutan pa roon na dalawang lalaki at sa pintuan kung nasaan ang banyo'y may lumabas na babaeng tila ikakasal dahil sa suot nitong wedding gown na puting puti.

Nakita ni Amorang lumapit si Graham kay Alech na tila masama ang mukha at hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil narin nasa malapit parin siya sa pinto na nakatayo.
Nakita niyang bumalik muli ang babae sa banyo na tila napahiya.

Pumalakpak ang isang lalaki at tila hudyat iyon upang magsimula na.

Nakita ni Amorang inayos na ang ilang bagay na naroon.Nakita niya rin ang malakas na ilaw.

"Amora ilabas mo na yung set number one."

Utos sa kanya ni Graham na pumitik pa ng daliri sa mukha niya dahil tila wala sa sarili si Amora.


Nagmamadali naman siyang kumilos.Hinatak na niya ang hindi kalakihang maleta at inilabas niya ang sinabi nito.
Pinagsasabit niya sa hook na dala nila ang mga iyon at inis- isa upang masigurong tama lahat at walang kulang.
Habang inaasikaso niya iyon ay nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang lalaking naka pangkasal din na Amerikanang puti at pantalong brown naka sapatos rin ito ang kaibahan nga lang ay naka maskarang itim  ang lalaki na ang mga mata lamang ang natatabingan.
Nakita niya rin ang babaeng partner nito.Maganda ang babae,halatang halatang sexy at kitang kitang maganda.
Nasipat tuloy ni Amora ang sarili ng di oras.Ah,mas sexy naman siya di hamak!

Narinig na ni Amora ang hudyat ng pagsisimula.Inabot din ng ilang minuto bago nakapagsimula.

Nanlaki na ang kanyang mga mata ng makitang sinunggaban agad ni Graham ang babae at hinawakan agad iyon sa maseselang parte.Doon napatalikod si Amora at napalakad ng matulin papalayo.
Napadako siya sa may balkon na kabadong kabado.
Sa isip ay alam na niya ang mga susunod na mangyayari.Ang buong akala niyang sa facebook niya lang nakikita ang mga ganoong bagay na ipinopost ng kung sinong mga manyakis ay makikita niya ng live at masasadlak sa ganitong trabaho.
Aminado siyang Inosenteng inosente siya sa ganoon.Ultimo nga ang pagtingin sa mga nakabukol sa harap ng mga lalaki'y hindi niya magawa kahit pa nasa larawan man iyon.

Walang ideya si Amora kung anong oras matatapos ang trabaho niya.Hindi yata iyon nasabi sa kanya ni Alech.
Nang maka isang oras na siya ay nakiramdam siya kung may maghahanap ba sa kanya,Nang wala parin ay tahimik at dahandahan siyang bumalik.Nakasalubong niya si Alech na seryosong nakatingin sa kanya.

"Ok kalang?"
Tanong nitong nag alala sa kanya.

Nag aalangang napatango si Amora.Iginiya naman siya nito uli pabalik sa kung saan siya galing kanina.
Nagtataka man ay sumunod nalang siya .

"Hindi pa tapos."

Iyon pala ang dahilan...





Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon