Chapter 12: A day with Ravena siblings part 1

4.8K 38 7
                                    

POTEK! Ang kapal naman talaga ng mukha nung IBON na yun! Crush ko daw siya? Well somehow totoo yun, pero dati yun! As in DATI!

“Arghh!!!!” napasigaw nalang ako sa inis habang hinahampas hampas yung kama ko. Kainis naman kasi eh! Nawawala na nga yung organizer ko tapos dinagdagan pa ng ibon na to! Kainis talaga! Bwiset!!

“Oh! Grace? Ba’t ka sumisigaw?” si Hannah, kapapasok lang sa kwarto ko na bihis na bihis. May lakad kasi yan eh. Gimmick na naman.

“Wala wala. May nakakainis lang na ibon!” sabi ko na nakabusangot. Inayos ko ang upo ko. Napakamot nalang si Hannah tapos lumabas na.

Humiga ulit ako sa kama ng bumukas ulit ang pinto.

“Ah nga pala, baka gabihin na ako. Wag mong kalimutang i-off yung mga appliances ha.” Bilin ni Hannah.

“Yes ma’am!” at nagsalute pa ako. Lumabas na ulit siya.

Napasigh nalang ako. Ang sakit talaga ng katawan ko. Pano ba naman eh takbuhan kami ng takbuhan kanina ng walang pahinga. Nakakapagod talaga! Ang dami ko pa ngang kalmot galing dun sa paglalaro namin eh. Ang hahaba naman kasi nung mga kuko ng mga babae dun. Naiirita ako dun sa iba kasi parang ewan lang na sumali-Sali dun. Siguro dahil alam nilang manunuod yung boys sa varsity. Grabe naman.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay eh tinapos ko na yung dapat tapusin para dun sa office work na pinagagawa sa akin. Sa awa ng Diyos eh natapos ko naman. Ire-recheck ko nalang to bukas tutal wala rin naman akong ibang gagawin except dun sa pagkuha nung paper ni ibon. Buti na nga lang eh dito lang sa mall malapit sa condo kami magmi-meet ni ibon.

Almost 9 na ng gabi. Kahit pagod ako eh di pa ako dinadalaw ng antok. Sakit lang talaga ng katawan ko. Pero keri pa rin. Kinuha ko nalang yung laptop ko at binuksan yung mga social networking sites kung saan active ako.

Tinry kong buksan ang facebook ko kaso error daw. Mali daw yung password ko or baka di match. Napakamot ako sa ulo eh alam kong yun yung paasword ko. Dinahan dahan ko pa nga yung pagkatype eh, kaso di talaga. Tinry ko naman yung twitter at wattpad ko, pero nabuksan naman.

“Nagloko na naman yata tong facebook.” Sabi ko tapos nagsigh.

Tiningnan ko naman yung twitter ko. Napansin kong may nadagdag akong follower. Nagulat nga ako eh kasi naka private naman yung account ko kaya dadaan muna yun sa request eh nagulat nalang ako na na-accept ko yun ng di dumaan sa request-request.

Dahil na rin sa pagiging curious ko eh binuksan ko nalang at tiningnan kung sino. Biglang nanglaki yung mga mata ko nung makita ko sino.

@kieferravena is following you

O____o

Patay! Ba’t niya alam na may twitter ako? T^T

---

Nagising nalang ako na maluha-luha. 6:45 na ng umaga. Medyo tirik na ang araw. Pinunasan ko ang gilig ng mga mata ko. Ang sama naman kasi ng panaginip ko eh.

Pano ba naman kasi eh may nakapulot daw na bitch dun sa organizer ko. Tapos yung mga accounts ko sa mga social networking sites ko eh pinag-eechusan niya yun. Sirang sira na daw yung reputation ko sa school. Tapos yung mga secrets ko raw sa tumblr account ko eh nabulgar sa buong campus. And worst, eh nalaman ni ibon na crush ko siya at pinagtawanan daw niya ako. T^T

Sana naman hindi yun magkatotoo. Sana naman mabuting tao yung nakapulot nun. At sana nag loko lang yung mga sites kaya di ko mabuksan T____T

-----------------------------------------------------------------------------------

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon