Ikalimang Patak

159 65 20
                                    

Magkasunod kaming lumabas ng pambayang sementeryo. Bahagya siyang nauuna sa akin at nakapamulsang naglalakad habang baliktad na nakasuot ang itim na sumbrero.

Samantala, para naman akong anino na nakabuntot sa kanya.

Ang atleta kong puso ay masipag paring nag-eensayo. Mukhang may malaking kumpetisyon na pinaghahandaan.

Kung makakapagsalita lang siguro si lola sa hukay niya, tiyak na tutuksuhin ako noon. I really miss her. I miss my super cool grandma.

"Oh, nahanap mo na yung dalagita na tinatanong mo sa akin?" nakangiting salubong sa amin ni Kuya Alonzo.

Ngumiti ang kasama ko pabalik at lumapit sa guard house. Naiwan akong nakatayo sa malalaking bakal na rehas.

"Opo, manong. Nasa malapit lang naman siya."

Ngumiti sa akin ang may edad nang sekyu. I smiled back too. "Salamat po, Manong!"

Tumango sa akin ang matanda.

"Aalis na po kami, Manong! Kwentuhan ulit tayo next time, huh?" Si Kuya Alonzo na tinapik sa balikat ang maedad na security guard.

"Walang problema, Alonzo. Balik ka dito, madami pa akong ikukwento sa'yo."

Naghalakhak ang kasama ko.

I was amazed. His bark of laugh is so beautiful, so manly. It's rare.

"Tara na?" He said smiling may bakas pa ng pagtatawa a minute ago.

Napatitig ako sa kanya. Nahihiwagaan sa ganda ng disposisyon niya ngayon. There is something about him today. Parang lahat ng nakikita at naririnig ko mula sa kanya ay bago at kakaiba.

"Wag kang tulala. Kunin mo 'to." sabay abot sa akin ng isang itim na helmet. "Suotin mo 'yan."

Pinilig ko ang aking ulo. Kung ang lahat na lang ng bagay na ginagawa at sinasabi niya ay bibigyang kahulugan ko, sigurado ako hindi maganda ang kahihinatnan nito.

It's either, mabadtrip siya, o mabaliw ako sa marathoner kong puso.

I stretched my arms para maabot ko ang nakalahad na bagay na ipinapasoot niya sa ulo ko.

And, of course hindi nakatakas sa matalas kong pang amoy ang pamilyar niyang bango. This is his usual smell. Sweet yet manly.

I sniffed for more.

"Summer!" he snapped his fingers a bit irritated, "Gagabihin tayo kung tutunganga ka lang. Sakay na!" then he started the engine of his motorcycle.

Nagkukumahog, umangkas ako sa likod niya. Hindi pa alam kung saan ilalapat ang mga palad, inunahan niya na ako.

"Put your hands on my shoulder." he commanded, "Kumapit ka ng maayos and be attentive!" at ganun nga ang ginawa ko.

Wala siyang suot na helmet, nasa ulo ko yung sana ay para sa kanya.

He's driving casually. For some reason, mabagal ang naging patakbo niya. Dumaan kami sa gitnang bayan, madaming tao sa tapat ng simbahan at mga pampalamig na kainan.

"Oh, Alonzo! saan ka pare? Yung laro natin mamaya ha? Sumipot ka!" bati sa kanya ng apatang lalaki.

Saglit siyang huminto, dahil sa siksikan ng sasakyan. "Subukan ko."

"Nice! May angkas, sino 'yan ha?" biro naman nung isa.

Umarangkada kami ng konti. He ignored the tease.

"Ano ba 'yan', pre? Kailangan ka namin mamaya. 7 pa tayo nakaschedule. Intayin ka namin! Magpapadefault kami kapag di ka sumipot." tawa nung isang may malaking katawan pero hindi katangkaran.

A Rain In My Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon